I don't care
The lights went off.. This is it.. the moment we've all been waiting for.. Everyone's attention is now focused on the stage.. Lahat kami excited.. lalo na tong katabi kong napaka hyper.... She's the reason why we've waited for 2 boring hours..
"Lynne stop it" awat ko sa pinsan kong kanina pa hiyaw ng hiyaw.. it's dark but I can sense that they're staring at us..
She's loud at nakakaagaw siya ng pansin.. Kahit naghihiyawan ang mga tao, mas nangingibabaw parin yung boses niya... nakalunok ata siya ng mic..
"Kyaaaaahh!! Woooooooohh!!" tili nito nang bumukas ang ilaw sa stage.. it's finally getting started
Noises filled every corner.. everybody is screaming and shouting their cheers to show their support... yung iba nag effort pa.. they have banners, posters and balloons.. kumpul kumpul silang lahat at may kanya kanyang paandar para sa candidates..
Nag simulang maglabasan ang labindalawang kandidata at pumunta sa kani-kanilang pwesto para sa production number.. naka camouflage t-shirt, short at killer hills silang lahat...
Matapos ang pagsayaw at pagrampa isa isa silang nagpakilala..
"Wooooooh.. GO GWEN!!!" tili ni Lynne sa magpapakilalang candidate..
Maganda ito at matangkad.. Halata ang foreign blood sa mukha niya.. Maputi, blonde ang buhok, matangos ang ilong at maganda ang hubog ng katawan.. para siyang model.
"Sino siya?" tanong ko at binalingan si Lynne
"Siya yung representative natin Sam.. Kakamigrate lang nila nung April" sagot nito
Napatango nalang ako sa sinabi ni Lynne at tinitigan ang magandang babae na nagsasalita sa stage..
"I'm Gwen Rivera, sixteen, representing Utol" pagpapakilala nito at naghiyawan ang lahat, manghang mangha sila sa kanya.. at halatang marami siyang supporters cause half of the crowd is screaming her name.. ibang-iba siya sa mga nauna kase may accent siya kung magsalita..
"Wooooooh!!" tili ulit ni Lynne
"Close ba kayo Lynne?" di ko maiwasang itanong..
"Hindi" sagot nito
"I thought magkakilala kayo.. kung makasigaw ka kasi kanina"
"I'm just supporting our candidate cous, bat di ka rin sumigaw" aniya at napatingin sakin
"Nah.. kontento na ako sa pagpalakpak" sabi ko kaya siya humalukipkip..
Pinagkibit balikat ko nalang ang reaction ni Lynne.. idadamay pa ata niya ako sa kahyperan niya.. Ayokong sumigaw.. last time kase tumili at sumigaw din ako.. just like Lynne.. at kinabukasan ang pangit na ng boses ko.. pinagtatawanan nga ako ni kuya Ethan e.. kaboses ko raw si Gus Abelgas pang-aasar pa nila...
Bumaling ako sa right side na upuuan, which is yung katabi ko pang si kuya Kurt.. pero wala na siya.. San kaya sila nagpunta ni kuya Ethan... bigla nalang silang naglaho. Kaya pala ang tahimik ng paligid ko kanina.. walang nang aasar at nang iistorbo, dahil yun pala umalis sila..
BINABASA MO ANG
My Snob Prince (On-Going)
Teen FictionWell... get ready to meet the person who ignores everybody.. Si John Andrew Lazaro.... siya na ata ang pinaka snob na lalaki sa balat ng wattpad.. at take note.. di lang siya snob.. masungit pa..