"Jenny! Doon muna ako nila Mom at Dad ah? Balik lang ako."
"Oh, sige po Ma'am Charlotte!"
Kumatok ako at hinihintay yung reply nila.
"Come in." Sabi ni Mama.
Binuksan ko naman at lumapit sa kanila na ito'y ikinagulat nila.
"Good Morning po." Bati ko sa kanila.
"Good Morning rin Charlotte. Ang aga mo ah? Wala namang pasok ngayon?" Birong sabi ni Dad. Yung college pa kasi ako ay maaga ako bumangon kasi 7:00 a.m yung klase ko.
"Eh, kasi. Susunduin ko kasi si Vanessa. Pwede po ba siya makitira muna rito sa atin? Pinapaalis na kasi siya doon sa condo niya at wala siyang pambayad kasi wala siya trabaho at walang padala yung mama niya. Dito muna siya hanggat makakita siya ng trabaho. Okay po ba?"
"Si Vanessa?" Tanong ni Mama. Tumingin muna sila sa isa't isa.
"Oh sure!" Sabay nilang sabi.
"Para may ingay naman tung bahay nato." Tawang tawa na sabi ni Mama.
"Talaga po? Sige, Maga-almusal muna ako at aalis na rin ako para sunduin siya." Sabi ko at umalis.
"Ma'am Charlotte, Your breakfast is ready." Ngiting sabi ni Jenny at umalis.
Breakfast ko ngayon ay bacon with sunny side-up egg na may rice. Beverage ko naman ay kape.
Pagkatapos kong kumain, ay dumiretso ako sa banyo ng room ko.
Ano kaya susuotin ko? Mag sweater na nga lang ako at mag jeans kasabay ng white sneakers. Sa bagay, susunduin ko lang naman si Vanessa.
Time Check: 7:55. Magpaalam na ako.
"Alis na po ako." Paalam ko sa kanila na nasa sala.
"Sige anak. Ingat!" at kumaway si Dad.
Pagkalabas ko ay agad ako sinalubong ni Cherry.
"Ma'am Charlotte, nandito napo yung sasakyan." At tinuro niya ang puting sasakyan.
BINABASA MO ANG
I Love You But It's A Lie
RomanceAko si Charlotte. At itong ang storya ko. Samahan mo ako sa roller coaster kong buhay. -- I Love You But It's A Lie -- - Ongoing - - lalalaish