"MWO?! Si Francis?! As in? Si Francis George Acosta Castro?! Seryoso?"
"Oo na nga, Vanessa! Kailangan mo pa bang banggitin yung full name niya? Nakakagulat nga kanina eh. Pero, Friend! Mas guwapo siya ngayon!" Sabi ko. Parang nga akong fangirl na nakita yung bias niya. Pero, sana nga makita ko na rin yung SUPER BIAS ko. Si G-Dragon! Akin siya!
"Sabi ko na nga eh! Charlotte! Ang swerte swerte mo! Ikakasal ka sa crush mo! Hay, sana nga ikakasal rin ako sa crush ko. Si G-Dragon!" sabi niya at nag-bleh sakin. Hoy! Akin kaya siya no?
"Hahaha! Akin kaya si G-Dragon! Wag kanang pumalag!" At hinampas ko siya.
"Hahaha! Okay okay! Si Seungri nga pala sakin. Tsaka, malapit na ang concert sa Bigbang dito bhe! Next Year na!" Oo nga no? Favorite kasi namin ang Bigbang. Favorite naman rin namin ang BTS, EXO, iKON, at WINNER, pero It's BIGBANG bhe!
Kaway-kaway sa mga Kpop fans diyan katulad namin ni Vanessa!"Oo nga. Walang problema yang bayad! Kung pwede lang, nasa front seat na ako."
"Libre naman diyan, Charlotte!" Swerte ni Vanessa no? May kaibigan siyang mayaman. Hay, libre nalang ng libre ako sakanya. Anyway, bestfriend ko naman siya.
"Hahaha! Sige na nga, Vanessa! Magtatrabaho kapa bukas. First Day mo naman. Doon na ako sa kwarto ko ah?"
"You don't have plans for tomorrow? So, dito ka lang sa bahay whole day?"
"Meron naman. Gusto kong mamasyal bukas." Ako nalang at si Lara, siya ang kasama ko pag gusto kong may kasama sa pagpapasyal. Isa na rin siya sa mga katulong dito sa bahay. Hindi ko naman gusto abalahin si Vanessa, first day pa naman niya bukas.
"Ay, Friend! Gusto mong sasama ako sayo bukas? Pwede naman ako magleave ng maaga." First day niya pa? Magleave na siya ng maaga? Lol.
"First day mo pa, Friend! Wag na. Kasama ko naman si Lara. Kasama ko pagmamasyal ako ng mag-isa. Wag na. Focus ka nalang sa work. Sige na. Good Night, Vanessa." Huli kong sabi sakanya at naglakad patungo sa pinto. Nag-good night na rin siya.
--
11:32 p.m na. Nakatulala lang naman ako dito sa kwarto. sa ceiling lang ako nakatingin. I can't sleep. Ipinikit ko naman kanina yung mga mata ko para makatulog, pero hindi eh. I tried watching tv too, but there's no effect. Hindi parin kasi ako nakamove on sa nangyari kanina eh. Yung encounter namin ni Francis. Laki ang pinagbabago niya. Mas guwapo siya at mas lumaki yung katawan niya. Ako naman, of course. Mas gumanda ako ngayon, at tumagkad. Ang feeler ko no? Hahaha. Totoo naman, kahit flat-chested ako maganda naman din ako. Mahal na mahal ko kasi ang sarili ko. And I thank God for it.
Kamusta kaya siya ngayon? Tulog naba siya? Gusto kong marinig yung boses niya. Gusto ko rin siya matext ngayon. Nagexchange na kami kanina ng number. Aish, ang boring. Kakain nalang ako sa ibaba.
--
Nakaupo ako dito sa stool namin at kumain ng bread with strawberry jam at milk. Nang isubo ko na sana yung bread, bigla nalang nagvibrate ang phone ko.
*beep*
Kinuha ko yung cellphone ko sa counter at umasa na si Francis yun. Hindi pala. Si Vanessa. Gising pa siya?!
---
From: VanessaWag kang magassume na magtext siya sayo. Narinig ko kaya yung pinto mo no? Gising ka pa. Kala mo soundproof.
To: You
---Ah, oo nga pala. Malakas ko kasi sinirado yung pintuan. Nabigla ata siya. Kala niya nagassume ako? Hindi no! Well, Oo naman, pero maliit lang.

BINABASA MO ANG
I Love You But It's A Lie
RomanceAko si Charlotte. At itong ang storya ko. Samahan mo ako sa roller coaster kong buhay. -- I Love You But It's A Lie -- - Ongoing - - lalalaish