8

12 0 0
                                    


"Hello?"

| "Hi Charlotte, Long time no see. Kamusta na pala?" |

"Okay lang ako Francis, ba't napatawag ka?"

| "Hindi mo ba ako namimiss?" | Sabi niya ng malungkot. Syempre! Miss na miss na kita. Crush nga kita eh.

| "Io-organize na pala natin yung wedding bukas." |

"Oh, about that. Hm, pwede bang bumisita ako diyan sa bahay niyo?" Oo nga pala. Kailangan ko sila kausapin na maging private yung wedding. Gusto kasi ng parents ni Francis na open wedding daw.

| "I live alone, Charlotte." | Oh, right.

"Hm, pwede ka bang pumunta sa bahay ng magulang mo? Meron kasi akong sasabihin. Sige ha? Kitakits nalang doon. Bye!" At pinatay ko na.

---

"Oh, hija! Ah, sige! Tumuloy ka sa loob." Gulat na sabi ni Tito Freddie.

"Karen! Nandito si Charlotte!"

"Wala ba kayong maid tito?" Kasi sa amin, uutusin pa namin yung maid. Ang ganda ng bahay nila, wala silang maid?

"Meron naman, pero calling Karen is a habit." Oh.

"Hija! Welcome!" Sabi ni tita habang papalapit saakin. Nagbeso-beso na rin siya at inalayan akong umupo doon sa sofa nila.

---

"Y-you want to keep your marriage a secret? Gusto mo rin na maging private yung seremonya niyo? I mean, why?" Sinabi ko naman ang dahilan kung bakit gusto ko na isekreto yung marriage namin at private yung seremonya. Nakaintindi naman siya at um-oo.

"Ah, so gusto mong simple nalang yung seremonya kasi private naman. Okay, ang Wedding Planner nalang mago-organize at magplano."

"Ah, sige ho. Una na po ako kasi may pupuntahan pa ako. Kayo nalang ho magsasabi kay Francis. Salamat po sa kape." Huling sabi ko sa kanila at lumabas na rin sa kanilang pamamahay.

---

"Bye, Ji!" Sabi ko kay Ji at naglakad patungo sa sasakyan.

"Dr.! Totoo ba yung relasyon ninyo ni Actress Laura Padilla?"

"Dr. Aiden, pakiusap naman!" Sabi ng isang reporter. Ang dami nila, hindi ko makita yung mukha sa sinabi nilang Dr. Aiden. Pero nung pagpass by nila sa harapan ko ay nagtama yung mga mata namin ni Aiden. Sa sobrang kaba ko ay sumakay agad ako sa loob ng sasakyan. Ang gwapo pala niya na doktor. Ang swerte naman ni Laura Padilla.

---

| "Natapos mo na ang lahat na requirements? Sige, Ise-set up na kita ng interview bukas. Magkita tayo tomorrow ha?" |

"Oh, sige sige. Anong oras?"

| "Itetext ko lang sayo." |

"Sige, sige. Bye." Sabi ko at binaba na rin niya yung tawag. Hay! Ang busy ng life ko. Magpahinga na nga!

---

"Next, Ms. Diaz?" Pagkatapos kong marinig yung pangnalan ko ay pumasok na rin ako sa loob. I'm so nervous right now. The interview is happening today. And it's my time to shine! Pagpasok ko ay may tatlong tao nakaupo at inantay yung pagdating ko. Sila ay ang Judge #1, ang magjudge ng walk ko. Ang interviewer, ang magque-question sakin. At ang huli, ay si Paul, one of the judges na rin. Binigay ko sa kanila yung portfolio ko at yung resume.



"Okay, Ms. Diaz. Go, and introduce yourself." Sabi ng interviewer.

"Good Morning, My name is Charlotte Grace Park Diaz. Half Korean - Filipino."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You But It's A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon