CHAPTER 8: "APUS FOREST AND THE MYSTERIOUS CHARMER"

1.4K 59 9
                                    

CHAPTER 8

"Mag-iingat kayo." Iyon ang huling salita ni Ginoong Martin bago sila gumayak paalis ng Vela Village.

Sa pagputok ng liwanag ay nasa train station na sina Lily, Leon at Ruan. Ang tren ang maghahatid sa kanila sa bungad Apus Forest kung saan ayon kay Ginoong Martin ay ang tanging lagusan patungo sa Saphiro District. Napag-alaman nila, pinamumugaran ng mga kakaibang ibon ang gubat.

Ito ang unang pagkakataon na makakapunta sa Neutral District si Lily. Kinakabahan siya dahil wala siyang ideya kung ano ang mayroon sa distritong iyon. May mga nabasa na siya tungkol sa lugar ngunit hindi detalyado. Napakamisteryoso. Kaya nasabing neutral district ito dahil hindi ito nakikialam sa ano mang gulo sa pagitan ng Augury at ng allied societies-- ang Greven at Mirandi.

"Sa palagay niyo, mahahanap kaya natin ang halamang gamot para sa antidote?" Tanong ni Ruan matapos ang mahabang sandali ng katahimikan.

"Mahahanap natin iyon magtiwala ka lang. Sa ngayon kailangan nating marating ang Saphiro." Determinadong sagot ni Lily. Kailangan nilang mahanap ang halaman na iyon dahil nakasalalay dito ang buhay ng mga taga Vila Village.

Saktong ala sais imponto ay umandar na ang tren. Pinagmasdan ni Lily ang bayan ng Mirandi.

Mirandi..

Saka lamang pumasok sa kanyang isipan ang mga magulang. Ang sabi ni Layla may shop ang mga ito sa bayan. Nagtitinda di umano ang mga ito ng mga artifacts.

Napadako ang tingin niya sa mataas na lumang gusali ng magic school ng Mirandi. Malayong malayo ang itsura nito kumpara sa Charm Academy na mas advance din pagdating sa pagtuturo.

Sunod na pinagmasdan niya ang malinis na ilog na naghihiwalay sa bayan at sa palasyo.

Pinagmasdan din niya ang palasyo. Kahanga-hanga ang makalumang istraktura niyon. Malawak ang nasasakupan nito. Pakiramdam niya parang nasa Medieval Period siya.

Lumingon siya sa mga kasama niya. Nakita niya si Leon na titig na titig sa palasyo. Napakunot noo siya.

Lumampas na ang tren sa bayan at pumasok sa kakahuyan. Napasandal siya sa upuan at pumikit. Medyo napuyat siya sa nagdaang gabi. Makalipas lamang ng ilang sandali ay hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Naalimpungatan na lamang siya nang may yumugyog sa kayang balikat.

"Lily, naririto na tayo..."

"Huh?" Mabilis na napamulat siya ng mga mata at disoriented na napatuwid siya ng upo. "Sorry, nakatulog pala ako..."

Ngumiti sa kanya ang dalawang binata tanda na nauunawaan siya ng mga ito. Sino nga ba ang hindi makakatulog sa sobrang pagod at puyat?

Tuluyan na siyang nahimasmasan nang makatapak siya sa platform ng train station.

Iginala niya ang paningin. Binasa niya ang signage sa itaas. Apus Station. Walang katao tao sa station maliban sa isang middle- age na babae sa ticketing area.

Lumapit sila sa babae at nagtanong. Napakunot noo ito at mataman silang tiningnan. Itinuro nito ang daan patungo sa Apus Forest.

"Hanapin niyo lamang 'yong kakaibang puno." Sabi pa ng babae.

"Sige po. Maraming salamat!"

Tumango lang ang babae. 'Mag-igat lamang kayo...'

Hindi niya alam kung guni-guni lamang ba niya iyon o kung ano. Parang may ibinulong ito.

Agad na hinanap ni Lily ang kakaibang punong kahoy. Wala pang isang minuto ay nakita na niya iyon.

CHARM ACADEMY School of Magic (FANFIC): LILY SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon