CHAPTER 7: "VELA VILLAGE"

1.1K 64 26
                                    

CHAPTER 7

Madaling araw nang umalis sina Lily sa Charm Academy. Nagkita-kita sila sa labas ng gate pagkatapos mula doon ay itineleport sila ng isang faculty ng academy sa bungad ng Mirandi District.

"Marami pong salamat, Sir Ruben." sabi ni Lily nang magpasiyang babalik na ito ng academy.

"Walang anuman. Mag-iingat kayo at goodluck sa mission niyo. Sana ay magtagumpay kayo at mapagaling ang mga tao sa village."

Pagkaalis ng faculty ay agad na silang naglakad papasok sa makipot na daan ng Vela Village.

Nauunang lumakad si Leon kasunod si Lily at ang kasama nilang si Ruan, isang Earth Manipulator Charmer. Sadyang pinagitnaan siya ng dalawa para protektahan siya sa anumang panganib. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay sa pagliligtas sa mga taong tinamaan ng epidemya.

Ang awkward ng pakiramdam ni Lily dahil sa presensiya ng dalawang binata. Hindi pa niya kilala si Ruan tapos naiilang siya kay Leon. Laging naglalaro sa kanyang isipan ang nangyaring iyon sa likod ng laboratory. Lalo pa niyang naaalala ngayon na nakikita niya si Leon. Napapikit siya sa inis at kulang nalang ay magpapadyak siya.

"May problema ba?"

Napapitlag siya nang marinig ang tinig ni Ruan. Hindi niya namalayan na magkasabay na silang naglalakad. Hindi maunawaan ni Lily kung bakit bigla siyang kinabahan. Ngayon lamang niya narinig ang tinig nito magmula nang magkaharap sila sa opisina ng Principal. Hindi kasi ito umiimik noong mga oras na iyon.

"Ah, eh, wala naman." kaila niya. Binigyan niya ito ng isang malapad na ngiti. Ibang klase din ang lalaking ito, ang bilis makaramdam. Pero agad na napawi ang kanyang ngiti nang marealize ang isang bagay. Bakit tila pamilyar sa kanya ang mukha ni Ruan?

Wala sa sariling napatigil si Lily sa paglalakad at pinagmasdang mabuti ang binata. Those thick eyebrows, pointed nose and chocolate brown eyes na parang laging nangungusap, pamilyar na pamilyar sa kanya.

"Why?" takang tanong ni Ruan. Bahagya pang nakakunot ang noo nito.

"Nagkita na ba tayo, somewhere?" alanganing tanong niya. Para namang natigilan si Ruan.

"Pwedeng bilisan niyo ang paglalakad?" putol na sambit ni Leon. Halata sa tinig nito ang pagkairita. Bahagya lamang itong lumingon pagkatapos ay muling naglakad.

Ano bang problema niya?

Nagpatuloy na silang muli sa paglalakad. Kinalimutan niya muna ang napuna sa kasama nilang si Ruan. Saka na lamang niya ito kakausapin.

Kinse minutos din silang naglakad bago nakarating sa Village. May malaking signage sa gilid ng daan. Nakaukit sa isang signboard ang "Vela Village". Tahimik ang buong paligid. May mayayabong na punong kahoy sa bawat gilid. May mangilan-ngilan ding naglalakad at nasa labas ng kanilang mga tahanan. Magkakatabi ang mga bahay na concrete at gawa sa bato. Halos magkakapareho ang disenyo. Nakatayo ang mga bahay sa gilid ng mahabang ilog na napakalinis ang tubig. Nang tuluyan silang makapasok sa village, agad na napatuon ang pansin ng mga tao sa kanilang direksyon. Kababakasan ang mga tao ng pagod ngunit dagling napalis iyon ng galak nang makilala sila bilang estudyante ng Charm Academy base sa suot nilang red cloak.

Isang matandang lalake ang agad na sumalubong sa kanila. Sa tantiya niya ay nasa middle fifties na ang edad nito base sa buhok nitong namumuti na ngunit nababakas pa rin ang matikas nitong pangangatawan. Mukha itong kagalang galang dahil sa tindig nito at pananamit.

"Maraming salamat sa inyong pagpunta dito sa aming Village," bungad nito.

"Wala pong anuman. Hangad po namin ang makatulong sa inyo."

CHARM ACADEMY School of Magic (FANFIC): LILY SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon