CHAPTER 11: "THE LOST MEMORY"

677 26 4
                                    

Chapter 11

Alas sais pa lamang ng umaga ay nakagayak na ang batang si Lily at nakahanda na sa pag-alis.

Bitbit niya ang isang packbag na naglalaman ng mga garapon ay maingat na binuksan niya ang pinto ng kanyang silid at sinilip kung may tao na sa labas. Nang matiyak na wala pa, dahan- dahan niyang niluwangan ang pinto at lumabas. Ingat na ingat siyang huwag makalikha ng ingay. Dahan-dahan din siyang naglakad. Nakalampas na siya sa kwarto ng kanyang kakambal at tiyuhin nang gulantangin siya ng isang tinig.

"Lily? Where are you going?!" Mahinang anas ni Layla mula sa kanyang likuran.

Agad na napatalon sa gulat si Lily at muntik nang mabuwal. Mabuti na lang ay nakahawak siya sa pader. Napapikit siya at napahugot ng buntong hininga. Mayamaya ay marahas siyang napalingon.

"Layla! Nakakagulat ka naman eh!" Halos pabulong niyang maktol.

Napailing ito. "I said, where are you going?" Ulit na tanong nito.

"Sa gubat." Nakangusong sagot niya.

Nanlaki ang mga mata nito. "Ano? Na naman?"

"Hussshhh! Huwag ka ngang maingay!" Sabi niya at sininyasan niya pa ito. Naiiling na tinalikuran niya ang kakambal at maingat pa ring bumaba ng hagdan. Naramdaman naman niya itong sumunod hanggang sa makalabas siya ng bahay.

CHARM ACADEMY School of Magic (FANFIC): LILY SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon