Chapter 10
Wala pang sampung minuto ay narating nila ang pinakadulong bahagi ng kaharian ng Saphiro na kung saan ang pinakahanggan nito.
Malayo palang ay dinig na ni Lily ang malakas na lagaslas ng tubig na nagmumula sa talon. Agad niyang naigawi ang paningin sa kabilang bahagi ng bundok kung saan dumurugtong sa kinatatayuan nila. Iyon na marahil ang Eastfalls.
Hindi doon tumagal ang paningin ni Lily dahil agad na naagaw ang kanyang pansin sa isang bahagi kung saan napakaraming halaman na may iba't ibang uri. Maging ang kulay ng mga iyon ay talaga namang nakakatawag pansin.
Tila may sariling isip ang kanyang mga paa dahil namalayan na lamang niya ang sarili na isa-isang hinaplos ang mga halaman na madadaanan ng kanyang mga kamay. Pumikit siya at agad na rumehistro sa kanyang paningin ang imahe ng halamang gamot na kinakailangan niyang makuha. Dagli siyang napadilat at mabilis ang mga kilos na kumuha ng botelya mula sa dalang bagpack at agad nang naghanap.
Dahil rare-type ang halamang gamot ay nahirapan siyang maghanap.
Samantala, sina Leon at Ruan ay mataman lang na nakamasid kay Lily. Dahil wala silang alam sa mga uri ng halaman ay hinayaan na lamang nila ang dalaga pero nanatili silang nakaalalay.
Sabay na pinagmamasdan ng dalawang binata si Lily. Ang bawat kilos at galaw niya ay binabantayan ng mga ito. Ramdam niya iyon kahit pa hindi niya tinitingnan ang mga ito. Nakakailang man pero pilit na inignora iyon ni Lily.
Si Ginoong Zareth naman ay bumalik sa anyong fairy at paikot ikot itong lumilipad sa gawi niya na para bang binabantayan din siya.
Hindi na namalayan ni Lily ang lumipas na sandali at natuon na ang buong atensyon niya sa ginagawa. Para sa kanya, ang paghahanap ng isang rare-type na medicinal plant ay isang pagsubok ngunit naroroon ang pakiramdam na nawiwili siya.
Bata pa lamang si Lily noon nang mahantad na sa kanya ang kakaibang charm na taglay niya at basta na lamang niyang natutunan. Madalas siyang nasa kakahuyan at gubat kung saan ang boundary ng Greven para lamang mangalap ng mga halamang gamot. Subalit may isang pagkakataong napahamak siya at ang nakakapagtaka ay nawala sa memorya niya ang pangyayaring iyon.
Umabot ng halos kalahating oras ang paghahanap ni Lily nang mapadako ang tingin niya sa may dulong bahagi ng bangin. Tila ba may nagsasabi sa kanyang pumunta roon at iyon nga ginawa niya. Sa pagkamangha ay napasinghap siya nang sa wakas ay matagpuan doon ang kanyang hinahanap.
"Nakita ko na!" Masaya niyang anunsyo. Tila nagalak din ang mga kasama niya dahil nang lingunin niya ang mga ito ay kapwa nakangiti sa kanya.
Dito lang pala kita makikita.
Nakangiting pumilas siya ng isang tangkay ng halamang gamot na pangunahing sangkap sa gagawin niyang antidote. Hinimay niya ang mga dahon at isinilid sa bote kasama ang tangkay at ang kapirasong bulaklak niyon.
Masaya niyang isinilid ang bote sa kanyang bag. Isang bagay nalang kailangan niyang gawin. Iyon ay magmadaling makabalik sa Mirandi.
Ngunit kung kailan ayos na ang lahat ay saka naman nagkaroon ng aberya.
Isang pagyanig ang naramdaman nila. Nabulabog ang tahimik na paligid. Nagliparan ang mga ibon na noon lang niya napansin na namumugad sa mga puno. Naglabasan mula sa tirahan ang maliliit na nilalang na katulad ni Ginoong Zareth.
Muntik na rin siyang mabuwal sa lupa, mabuti nalamang at nabalanse niya ang katawan.
"Ano 'yon?" Narinig niyang tanong ng halos lahat ng mga munting fairies.
BINABASA MO ANG
CHARM ACADEMY School of Magic (FANFIC): LILY SONG
FanfictionDahil sa isang kalokohang nagawa ay napilitan si Lily na ilipat ng kanyang tiyuhin sa eskwelahan kung saan kasalukuyang nag-aaral ang kanyang kakambal.. Sa eskwelahan na kung saan pinakainiiwasan niyang mapuntahan... Started: June 18, 2014