Atlast, naka-update din... heheh >_<
CHAPTER 5
Panay ang iwas ni Lily kay Leon nang sumunod na araw. Hangga't maaari ay ayaw niyang magtagpong muli ang mga landas nila ng binata upang makaiwas siya dito, sa maaaring gawin nito sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi mawaglit sa kanyang isipan ang pagbabanta nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang maaari nitong gawin sa kanya. Naiinis siya dahil para siyang tanga sa kakaisip kung papaano ito maiiwasan kapag nagkaharap sila.
Gusto niyang kausapin si Leon at sabihing tigilan na siya nito pero di niya magawa. Lagi siyang nauunahan ng hiya at pride. Aba, hindi naman tamang siya ang unang makipag-ayos dito samantalang ito naman ang naunang gumawa ng kalokohan sa kanya.
Mukhang kahit anong gawin niyang pag-iwas dito ay magkikita't magkikita pa rin sila. Paano ba niya ito maiiwasan kung ngayon ay magiging magkakaklase sila? At ang masaklap pa ay magkatabi pa sila ng upuan. Nais niyang sabunutan ang sarili dahil sa problemang kinakaharap niya. Nahagip pa ng mga mata niya ang nakakalukong ngiti sa mga labi ni Leon. At para pa ngang kumislap ang mga mata nito.
Tiningnan niya ang kanyang kakambal na katabi niya sa kaliwa. Nakita niyang mataman itong nakatingin sa kanya. Kahit na wala itong sinasabi ay alam niyang alam nito ang nangyayari sa kanya. Sa talas ng pandinig nito ay siguradong narinig nito ang pag-uusap nila ni Leon kahapon.
Sa kabila ng pag-aalalang nakikita niya sa mga mata ni Layla ay alam niyang hindi siya nito pakikialaman sa mga desisyon niya. Kilala niya ang kakambal, hangga't makakaya niyang harapin ang problema ay hahayaan siya nitong lutasin iyon ng mag- isa, at kapag hindi na nito kaya ang nakikita ay saka lamang ito gagawa ng aksyon. Isa iyon sa mga nagustuhan niyang ugali ni Layla.
Nginitian niya ang kakambal bilang assurance na kaya niyang harapin ang problemang kakaharapin. Gumanti din ito ng ngiti sa kanya. Pagkuwan ay itinutok na niya ang paningin sa harap at nagsimulang makinig sa lecture ng kanilang guro. Di na niya pinansin si Leon at binaliwala ang presensya nito. Pero habang tumatagal ay unti- unti niyang nararamdaman ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya kaya nagsisimula na siyang ma-conscious.
Nais tumirik ang mga mata niya sa sobrang inis na nararamdaman. Kung maaari lang sanang maging invisible ay ginawa na niya maiwasan lang ang binata. Sobrang naaapektuhan na siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Parang ang sarap pagsususntukin ang gwapo nitong mukha...
T-teka, ano bang iniisip niya? Nawiwindang na siguro siya. Sana matapos na ang klase at makaalis na dito. Hindi na niya kayang tumagal pa ditto sa classroom.
Pero sadyang nananadya ang pagkakataon dahil pakiramdam niya ay bumabagal ang oras. Naiinis na talaga siya sa nangyayari. Bad trip naman, bakit ba kailangan pa nilang magkitang muli? Hindi n asana siya makakaramdam ng ganito at tahimik na sana ang buhay niya. Kaya nga siya lumipat dito sa Charm Academy ay para makaiwas na siya sa gulo pero parang lalo lamang na lumala. Parang ayaw pang patahimikin ang buhay niya. Masaya na sana ang buhay niya ditto sa academy kaya lang dumating pa ang isang asungot.
"Nagde- day dream habang may klase?"
Maang na napatingin si Lily sa katabi mula sa kanan niya. Agad siyang napabusangot nang makita ang nakakalokong ngiti ni Leon.
"Huwag ka ngang makialam! Paki mo ba?" inis niyang sabi at inirapan niya ito.
"Tss..."
'Grrrr... Nakakainis!'
Nang sa wakas ay natapos ang klase, mabilis na nilisan niya ang classroom matapos magpaalam sa kakambal. Agad siyang tumungo sa laboratory para maiwasan si Leon. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makapasok na siya sa loob ng laboratory. Siguro naman ay hindi siya masusundan doon ng asungot na iyon.
BINABASA MO ANG
CHARM ACADEMY School of Magic (FANFIC): LILY SONG
FanfictionDahil sa isang kalokohang nagawa ay napilitan si Lily na ilipat ng kanyang tiyuhin sa eskwelahan kung saan kasalukuyang nag-aaral ang kanyang kakambal.. Sa eskwelahan na kung saan pinakainiiwasan niyang mapuntahan... Started: June 18, 2014