CHAPTER 2 "HER CHARM"

2.6K 112 6
                                    

CHAPTER 2

"Welcome to Charm Academy!" masayang bati sa kanya ni Layla.

Hindi niya alam kong gaano sila katagal bumiyahe. Hindi niya rin alam kung paano sila nakarating at halos di niya matandaan ang mga lugar na nadaanan. Halos mga punong kahoy lang kasi ang nakikita niya. Mukhang nasa gitna ng kagubatan ang Charm Academy.

Bumungad sa paningin ko ang mataas na gate na kulay silver. "Wowww! Napakalaki naman!" binalingan niya ang kakambal. "Sigurado ka bang eskwelahan ito? Parang mansion...ay mali, parang palasyo pala!" manghang sabi niya. Napanganga pa siya.

"Haha! Hindi kita masisisi kung ganyang ang naging reaksyon mo. Parehong pareho tayo ng sinabi noong unang dating ko dito." nakangiting sabi ni Layla.

0.0

Nagulat ako nang biglang bumukas ang mataas na gate. Napakapit siya sa kakambal. Natawa pa ito sa ginawa niya. "M-may m-multo ba dito??"

Napabunghalit ng tawa si Layla. "Ano ka ba! Nakalimutan mo na bang magic school ito?"

"Ay, oo nga pala! Hehe... Medyo nagulat lang ako. Ang galing naman!"

"Halika na," at hinila na siya ng kakambal. "Hinihintay na tayo ni Principal Willford." Nagpatianod na lamang siya dito.

Habang naglalakad ay di maiwasang mamangha si Lily sa mga nakikita. Wow as in wow! Nakaka-amazed talaga ang eskelahang ito. Sobrang laki at malawak ang bawat pasilyo. Natigil lang ako sa kakatingin sa paligid nang maramdaman ko ang kamay ni Layla na kumapit sa aking braso. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

Ngumiti ito. "Mukhang kailangan kitang hawakan dahil baka mawala ka."

Natawa na lamang siya sa sinabi nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Habang sila ay naglalakad ay may nakakasalubong silang mga estudyante at halos pare-pareho ang mga reaksyon nang makita sila.

"Hindi ba si Layla 'yon?"

"Teka, parang naduduling ako. Parang dalawang Layla ata ang nakikita ko!" sabi ng isang estudyante. Di pa nakuntento sa pagkurap kaya kinusot pa nito ang mga mata.

"Eh? Kambal??"

At kung anu-ano pa ang naririnig nilang usapan. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad at di pinansin ang mga bulong- bulungan. Nang makarating sila sa harap ng opisina ng Pricipal ay agad silang kumatok at pumasok nang marinig nila ang pagtugon ng Principal mula sa loob. Binati naman siya ng Principal na si Miss Serena Willford pagpasok nila.

"Welcome dito sa Charm Academy Miss Lily Song. Sana magustuhan mo ang pag-stay dito sa Academy." Nakangiting sabi ni Miss Serena.

Natulala si Lily sa kagandahan ni Miss Serena. Hindi siya makapaniwala na napakabata pa nito para maging isang principal lalo na sa magic school na ito. Siguro malakas ang taglay nitong charm. Natauhan lang siya nang bigla siyang sikuhin ni Layla.

"S-salamat po..." sabi niya.

Pagkatapos nila sa Principal office ay dinala naman siya ni Layla sa inuukupahan nitong silid na magiging silid na rin niya. Malawak ang silid nito at may dalawang kama. Ang sosyal naman ng silid na ito.

Parang bata na tumalon talon siya sa ibabaw ng magiging kama niya. Sobrang lambot! "Wow! Ang sarap naman humiga sa kama na ito! Mas malambot pa ang kamang ito kesa sa kama ko sa bahay," nasisiyahang bulalas niya.

CHARM ACADEMY School of Magic (FANFIC): LILY SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon