Maraming maraming salamat sa paglalaan ng oras para tignan ang nilalaman ng book club na ito! Sana ay ipagpatuloy niyo ang pagbabasa at nawa'y makasali kayo!
HAHAHAHAHA! Joke lang! Huwag na tayong maging pormal dito, okae? Mayroon kayong tatlong baliw na admins na sisiguraduhing mahahawa kayo sa kabaliwan nila. Kaya hindi uso dito ang pormal! Huwag kayong mahiya dahil kami rin naman ay WALANGHIYA! Kaya halina, mga ka-ulzzangs! Ipagpatuloy niyo na ang pagbabasa at inaasahan naming kapwa niyo ulzzang na mag-e-enjoy kayo dito!
Alam niyo ba 'yung feeling na walang may pakialam sa works mo? 'Yung kahit anong gawin mo ay wala talagang pumapansin. May pumapansin nga, pero hindi naman tinutuloy ang pagbabasa. Pagkakita ng prologue ay biglang back na at sabay pindot ng 'no' nang itanong ni Wattpad kung gusto niya raw ba itong i-add sa library niya.
Alam niyo ba 'yung feeling na tinatamad kayong mag update dahil wala namang sumusuporta sa inyo? Oo, writing is our passion. Pero gusto naming ipakita ang talento namin sa paggawa ng isang istoryang kagigiliwan ng lahat! 'Yung tipong tatawa 'yung reader mo tapos malalagutan ng hininga, 'yung iiyak ang reader mo with tulo sipon pa, manggigil 'yung reader mo tapos sira sira na ang unan pagkakita niya, 'yung kikiligin ang reader mo hanggang sa mapatay niya sa hampas 'yung katabi niya, 'yung malukungkot ang reader mo hanggang sa planuhin niyang maglaslas, 'yung matatakot ang reader mo kaya hindi siya maliligo dahil baka may makita siyang multo sa salamin. 'Yung ganu'n ba. In short, nawawalan ka ng inspirasyon!
Alam niyo ba 'yung feeling na wala kang friends dito sa Wattpad? 'Yung hindi ka ginaganahang magbukas ng account kasi wala namang sasalubong sa iyong messages mula sa mga baliw na taong nakasundo mo kasi baliw ka rin.
Alam niyo ba 'yung feeling na may plastik kayong kaibigang ipinagmamayabang ang 25 reads, 10 votes at 2 comments ng story niya dahil sa'yo ay wala? 'Yung tipong nakatitig ka sa work mo kung magkaka read ba, tapos 'pag nagkaroon, boom! Party party!
Alam niyo ba 'yung feeling na gusto niyong ma-improve ang writing skills mo pero hindi mo alam kung papaano? Kasi nga walang nagbabasa sa story mo, kung mayroon man, simula lang. Tapos walang nagme message sa'yong 'Hi bhe! Napansin ko lang ang ganda ng admins ng book club na ito pero baliw siya kaya sana ay mabawasan ang kabaliwan niya.' De, joke lang. 'Yung walang magme message sa iyo kung may grammatical errors, typographical errors, etc. Nakaka sad di'ba?
Ngayon, alam ko na ang pinunta mo dito sa book club ko!
Kaya hanggang ngayon ay binabasa mo pa itong kaekekan na 'to, dahil isa kang AUTHOR (capslock para intense!) na;
✨Gustong ma-discover ang story niya.
✨Gustong makakuha ng inspirasyon sa mga taong naglaan ng oras para mabasa ang kanyang story.
✨Gustong magkaroon ng bestfriend dito sa mundo ng Wattpad.
✨Gustong magkaroon ng reads, votes at comments ang story.
✨Gustong ma-improve ang writing skills at malaman ang suhestiyon at saloobin ng mambabasa ukol sa story.
Di'ba, iyan ang pinunta mo? Pwes, pwedeng pwede ka dito! Basta ba ay ikaw ay MARUNONG SUMUNOD SA RULES at DISIPLINADO, hindi kita hahadlangan sa pagsali dito at buong puso kitang tatanggapin!
Paalala: Mga ulzzang o 'good-looking' na writers lang po ang pwede dito! Hahahahaha! De, joke. Kahit hindi ka ulzzang basta maganda ang iyong story ay pwede ka dito. Pero seriously, pwede lahat dito! An daming kaekekan pero pwede naman lahat! Ulzzang ka man o feeling ulzzang, pwede ka talaga dito, swear.
PS. Tawagin niyo na lang kaming POWERPUFF GIRLS, okaee? Huwag admin. Masyadong pormal. Mwahahahaha! But kung ako lang ang kakausapin niyo, just call me Ulzzang Gelian.
Hit that shiny star and let's continue to the next part, ulzzangs!
BINABASA MO ANG
Ulzzang Book Club [Temporarily Closed]
RandomAng book club na sisiguraduhing; •Magkakaroon na ng reads, votes at comments ang story mo. •Magkakaroon ka ng new follower na pwedeng maging kaibigan mo. •Magkakaroon ka ng supporters/readers at sisiguraduhin ding mai-improve niya ang story mo. •Sas...