Rules

162 24 7
                                    

Hello, mga ulzzang writers! Ito na ang rules na DAPAT SUNDIN. Kung hindi mo kayang sumunod sa rules ng book club ko, free ka po para huwag nang ituloy ang pagbabasa. Hindi ko kailangan ng isang member na hindi kayang sumunod sa rules at barumbado.

Sana ay maintindihan niyo kung bakit ako gumawa ng ganitong rules. As much as possible ay gusto kong maging organize ang book club, at the same time ay hindi nakakasakal. Baliw lang po kaming powerpuff girls pero mababait po kami! Kaya sana ay huwag niyong abusuhin.

Rules

1. YOU MUST BE RESPONSIBLE AND FAIR

-Ang sabi ko nga po, kailangan ay responsable po tayong lahat dito. Gawin ang task nang maayos at kung hindi naman magagawa kaagad ay ipagbigay alam sa amin at sa iyong partner. Wala pong masama sa pagbibigay ng impormasyon sa amin. Alam ko naman pong busy kayong lahat. Mayroon tayong family na inaasikaso. May mga outings at may ibang may summer class pa. Pero sana ay maging responsible tayo sa ating mga tasks. Ang unfair naman kasi kung ang partner mo ay ginawa na agad ang task pero ikaw ay hindi pa at ang masama ay hindi mo man lang sinabi sa kanya.

2. RESPECT EVERYONE

-Wala pong bastusan at personalan dito! At kung hindi ginawa ng partner mo ang task niya, huwag mo siyang susugudin at aawayin. Bawiin mo ang votes at comments mo. I-respeto rin po natin ang story ng iyong ka-partner. Huwag babastusin ang story at huwag i-bash ang author. Also respect us. Mababait nga po kami pero sana ay igalang niyo pa rin po kami. RESPETO, ha? Alam niyo naman kung ano ang respeto kaya hindi ko na ie-explain pa kung ano ba iyon! Respetuhin lahat ng nandito sa book club!

3. YOU MUST BE ACTIVE

-Siyempre, men! Para malaman mo kung anong nangyayari dito. Kung may new set of pairings, o kaya activity. Tsaka para madali mong magawa ang iyong task.

4. BE FRIENDLY

- Isa sa goal ng book club na ito ay ang magkaroon kayo ng friends. Kung may bagay kayong hindi naunawaan ay mag usap ng maayos. Huwag pairalin ang init ng ulo and spread love. I-try niyo lang. 'Yung may bestfriend ka dito sa wattpad kaya palagi kang lowbat dahil nag uusap kayo. Na try ko na kasi ito at nagkaroon ako ng more than 5 bestfriends dito sa wattpad at masaya talaga, swear!

5. FOLLOW YOUR PARTNER

-I-follow niyo ang partner niyo para may communication kayo at malay mo maging kaibigan mo pa siya. Hindi naman niya ikayayaman ang followers at hindi mo naman ikahihirap ang pag-follow sa kanya.

6. NO GHOST READING AND COPY-PASTE COMMENTS

-Huwag pasadahan ng tingin lamang ang akda ng iyong partner. Kaya nga siya sumali sa book club dahil gusto niyang may makabasa ng story niya at ikaw naman ay papasadahan lang ng tingin ang story sabay vote at sinamahan mo pa ng copy-paste comments.

7. VOTES AND COMMENTS IS A MUST

- Walang magco comment ng mga meaningless, okae? When I say comments, I'm not referring to junks like:

-Wow! Astig!

-Hahahaha

-Ang galing!

-Kilig naman!

-UD na partner

Bigyan ng meaning ang comment. Huwag magtipid sa words. Libre lang 'yun. Kung ako sa inyo, ganito ang ilagay niyo:

-Wow! Grabe! Ang ganda naman ng lugar na 'yan! Sana makapunta ako diyan kasi siguradong mare-relax ako diyan. Ang astig talaga.

-Hahahahaha! Grabe, nakakatawa talaga si Ariana! Imagine mo 'yun? Hindi siya nahiya sa crush niya at harap harapang sinabi 'yun. Ang kalog kalog mo talaga, Ariana!

-Ang galing galing mo naman, Chelsea! Ang hirap kaya ng History pero biruin mo? Ikaw ang pinakamagaling sa klase niyo! Idol na talaga kita.

-Grabe, 'te! Haba ng hair mo! Sobra na akong kinikilig sa inyo ni Francis! Nakakakilig kayo! Edi kayo na ang nay forever! Edi kayo na ang hindi magbe break!

-Sana makapag update ka na, partner! Hindi ko na maantay ang kasal ni Geraldine at Marco. Mahal na mahal na kasi nila ang isa't isa, eh. Kaya sana ay ma-update mo na. Gusto ko ring kiligin ngayon, na friendzoned ako, eh. Ganyan naman ako, taga kilig sa love story ng iba, kasi wala akong sariling love story.

Mas magandang pakinggan, di'ba? Mas may laman. Alam mong binabasa talaga. Tignan mo, may hugot pa sa huli. Sa pag vote naman, i-vote ang parts kung ilan ang sa'yo (kung mas mababa ang parts ng iyo)

8. GIVE A HIGH QUALITY REPORT

-Huwag lang tayong mema! Mayroon po akong ibang book club ngayon at masasabi kong hindi nagbibigay ng high quality report ang ilang members. Gawing maayos ang report para naman ma-improve ang writing skills ng iyong ka-partner at malaman niya ang mga dapat at hindi dapat sa story niya na gagawin niya rin sa story mo.

9. ENJOY THE BOOK CLUB AND JOIN IN ACTIVITIES

-Siyempre naman. Mag enjoy kayo sa aming book club! Hindi lang tayo nandito para magkaroon ng votes, reads at comments. Nandito rin tayo para sumaya. Bawal ang KJ dito! Sabi ko nga sa inyo, dapat walanghiya kayo! Sumali sa activities! Kung naiisip niyong baka matalo lang kayo, no, no, no. Bawal din ang negative dito dahil pare parehas tayong hindi uunlad. Basta tayo'y mag-enjoy! Kung nagpunta ka lang dito para sa vomments, bye na lang sa'yo! Ginawa namin ang book club na ito para makatulong sa newbie authors at the same time ay magsaya! Bawasan ang ka-KJ-an at pairalin ang kasiyahan!

10. FOLLOW UBC_2016

-Para dumami ang followers ko, at maging famous ako! Hahahaha! Joke lang. Siyempre para ma-mention ko kayo sa pairings. Mahirap kasing maghanap kaya pindutin niyo na lang 'yung mentioned user at hanapin ang story. Concern ako sa mga ulzzang na katulad ko, 'no! Bwahahahaha.

11. ADD THIS TO YOUR READING LIST/LIBRARY

-Para malaman kung nakapag post na ba kami ng new part. Okay lang kahit saan. Library or reading list. BASTA AY KAILANGANG MA-UPDATE SA PAIRINGS, ETC.

12. DO YOUR TASK

-Men, kung hindi mo ginawa ang task at hindi mo man lang sinabi ang rason mo, at higit sa lahat, ILANG BESES KANG UMULIT na ganu'n ang sistema mo. Mawalang galang na, pero magpaalam ka na sa book club na ito. Gagawa ako ng part PARA SA MGA SUMUWAY. Hindi ako maaawa sa inyo. Oo, nakakahiya, pero sana bago kayo sumuway ay isipin niyo ang magiging bunga. Mabait ako pero kailangan ay PROFESSIONAL tayo dito. Sa school namin, lahat ng subject ay ako ang leader kaya don't underestimate me. I have an experience kaya alam ko kung ano ang DAPAT sa HINDI DAPAT. Marunong akong mamuno. 'Yan ang tatandaan niyo. Mabait ako pero may bitchy side rin ako. Kaya huwag na kayong magtangkang sumuway. Mabait ako pero once na sumuway kayo, I'm ready to show you my bitchy side. MY ATTITUDE IS BASE ON HOW YOU TREAT ME. Kung paano mo ako ilibre! Mwahahahaha. Joke lang. Kung paano niyo ako itrato, okaee?

13. FOLLOW THE RULES

-Bakit ko pa ito ginawa kung hindi mo susundin, di'ba? Matutong sumunod sa rules dahil hindi ka naman papangit kung susunod ka sa rules.

Kung kaya mong sumunod sa rules ko, pwedeng pwede kang pumunta sa next page pero kung hindi mo kaya, pwedeng pwede ka ring umalis dito!

Ulzzang Book Club [Temporarily Closed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon