Magandang hapon po ulzzang members!
Hindi ko dapat ito ipo post, pero nasasaktan ako. Ano po bang nangyayari sa atin?
Ch-in-eck ko po ang lahat ng task, MARAMI PA PONG HINDI TAPOS SA TASK. 19 stories pa po ang walang report.
ANO PO BANG PROBLEMA NATIN?
Mamayang alas dose ng hatinggabi, magsasara na po ang pagtanggap ng reports pero WALA PA RIN KAYONG BINIBIGAY. Please naman po, umayos kayo. Nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon! Ano po bang problema? Sabihin niyo naman.
HINDI PO PORKET MAKULIT AKO AY HINDI NA AKO NAGAGALIT. Please lang, huwag niyo akong punuin. Hindi naman po porket ine-entertain ko kayo sa comment box or sa inbox ay hindi niyo na gagawin ang task niyo. Ano? Tumakbo ba sa isip niyo na "Ay, hindi ko na gagawin ang task ko tutal mabait naman si Ate." AY JUSKO PO.
Tandaan niyo ito, AYOKONG MAGING MAHIGPIT SA INYO. Kaya please namang huwag matigas ang ulo! ISANG LINGGO na nga ang binigay ko sa inyong panahon, hindi niyo pa nagawa ang task niyo?! Ito ha, ise share ko lang ang karanasan ko. Sumali ako ng book club at GROUPINGS po ang set up namin doon, 3 story ko po ang pinasok ko at apat na stories ang binasa ko times 3 dahil 3 ngang story, tapos 'yung isang story ko pa ay 42 parts, times 4. TATLONG ARAW lang po ang binigay sa amin pero natapos ko ang task ko within 3 days. Tapos kayo, isang linggo na nga hindi pa magawa?
AYOKO PONG MAGALIT SA INYO. Kaya respeto naman po. Huwag niyo akong punuin. Naba badtrip ako eh. Okay pa sana kung sampu pababa lang ang walang reports, pero 19 eh.
SA MGA HINDI PA PO TAPOS SA TASK, MAAWA NAMAN KAYO SA PARTNER NIYO. Kahit huwag na kayong maawa sa akin, doon nalang sa partner niyo. Wala na po akong palugit na ibibigay, sorry. Pero usapan po kasi na ISANG LINGGO lang. 12:00 ng hatinggabi, close na po ang pagtanggap ng reports.
Hindi ko po dito ilalagay ang mga hindi pa tapos. May respeto po ako sa inyo. Ayokong ipahiya kayo dito. Kaya sa mga hindi pa tapos sa task, kilala niyo kung sino sino kayo. Umayos kayo. Kapag hindi niyo natapos ang task niyo, i-message niyo na kaagad kung anong rason niyo. Tandaan niyo, MASAMA AKONG MAGALIT.
At sa mga members po na ang ka-partner ay hindi pa po tapos sa task hanggang bukas, bawiin niyo po ang votes at comments. Pero kung mabait ka naman, huwag na. Pero kung naimbyerna ka rin sa partner mo, bawiin mo. Ako na ang nagsasabi.
Habol lang, huwag po kakalimutan ang MORE ULZZANG PARTNERS o MY ULZZANG FACE NEED TO TAKE A BREAK sa inyong report. Okay po?
"PLEASE LANG, HUWAG MATIGAS ANG ULO. HUWAG NIYO AKONG PILITING MAGHIGPIT DITO. KITA NIYO NAMAN, AS MUCH AS POSSIBLE AY HINDI AKO UMAARTE DITO BILANG BOSS TALAGA. BINABABA KO YUNG SARILI KO PARA MAGING FRIENDS TAYO."
Thank you.
BINABASA MO ANG
Ulzzang Book Club [Temporarily Closed]
AcakAng book club na sisiguraduhing; •Magkakaroon na ng reads, votes at comments ang story mo. •Magkakaroon ka ng new follower na pwedeng maging kaibigan mo. •Magkakaroon ka ng supporters/readers at sisiguraduhin ding mai-improve niya ang story mo. •Sas...