Hello ulzzangs! Sorry dahil late ngayon ang form natin. Pagongers ang internet ko, eh. Ayaw mag load, jusko.
By the way highway, medyo hindi active ngayon ang members ko. Marami pang hindi tapos sa kanilang task. Pero okay lang iyon dahil may 4 days pa naman kayo. Wala pang winner sa mini contest ng ating 2nd pairings at hindi pa rin nagpaparamdam si Ulzzang Anne at Ulzzang Aeri [/cries huhuhu. Kaya pinag iisipan kong ako na lang ang mag decide together with my bestfriend. I think bukas ko mapo post ang winner ng mini contest ng 1st Pairings kasi medyo matagal na 'yun natapos. Sorry po talaga.
Gusto ko lang po ulit ipaalala, huwag kakalimutan ang MORE ULZZANG PARTNERS or MY ULZZANG FACE NEED TO TAKE A BREAK. Sobrang importante po niyan! May iba po kasing walang ganyan. Kung nakalimutan niyo po ay i-reply na lang sa sariling comment.
Ang mga nag MORE ULZZANG PARTNERS ay hindi na kailangang mga fill up ng form except na lang kung nag add kayo ng parts ko di kaya'y mag iiba kayo ng story na ipapa vomments. Meaning, ang mga NEWBIES o mga MAY UPDATES lang po ang dapat mag fill up ng form. Kung hindi maintindihan ay mag send ng private message sa amin.
BAWAL DIN MAG FILL UP NG FORM ANG MGA HINDI PA TAPOS SA KANILANG TASK.
At gusto ko lang pong sabihin na hindi pa namin alam ang mga nanalo sa ating mini contest dahil may TATLO pa tayong meember na hindi tapos sa kanilang task. Ipo post po agad namin ang winners kapag tapos na silang tatlo. Huwag natin silang madaliin dahil mayroon pa silang 6 days.
Here's the form.
Ayusin po ang form. Kumpletuhin dahil ang hindi kumpleto ay hindi namin tatanggapin. Ganitong format din ang gamitin para hindi kami malito. Kapag hindi rin ganitong format, hindi rin tatanggapin. Dito po kasi nalalaman kung binabasa niyo talaga ang book club. Maximum of 3 entries lang po ang tinatanggap kasi kapag masyadong marami ay mahihirapan kayo.
Username:
Story:
Parts:
Status:I'm excited to meet my ulzzang partner!
Example:
Username: UBC_2016
Story: Ulzzang Book Club
Parts: 3
Status: On-goingI'm excited to meet my ulzzang partner!
Hihihihi. Ganyan talaga. Kaya nga Ulzzang Book Club at mayroong ulzzang members! Okae, sa mga dalawang hanggang tatlong entries, ganito ang form.
Username:
Story #1
Title:
Parts:
Status:Story #2
Title:
Parts:
Status:Story #3
Title:
Parts:
Status:I'm excited to meet my ulzzang partner!
Note: YES to SPG stories but please inform us. May iba kasing book club na bawal ang SPG. Parang ang unfair, di'ba? Story pa rin ang SPG. Hindi porket SPG ay wala nang karapatang sumali. But, PLEASE inform us so we can inform your partner.
And please, inform us kung magpapalit kayo ng username. Baka kasi magmukhang tanga ang partner mo kakahanap sa'yo 'yun pala nag iba ka na ng username. At i-inform din kami kung mag-a-add ng new part. Kasali po lahat ng parts ng story. Author's note, prologue, at iba pang kaekekan basta LAHAT. Madali lang din namang mag pm (private message) sa amin. Ilang minuto lang jusko baka 'di niyo pa magawa. Ayoko ng matigas ang ulo. Hindi ako mag-e-effort isa isahin ang story niyo kung tama ba ang parts na nilagay niyo.
Don't forget the password, guys and gals! Btw, enjoy filling up the form. Magsisimula po tayo kapag medyo marami na ang members. Mag recruit din po kayo dito. Share this book club to your ulzzang friends at i-message sa amin kung ilan ang na recruit, at sabihin sa friends na i-message rin ako bilang patunay na ni-recruit mo nga siya. (Example: Hello! Si *username* po ang nag share sa akin ng book club mo kaya sumali na ako.) Importante po ito kasi may gagawin po kami about sa recruiters natin!
Thank you po sa mga nag effort basahin ang ating form at maraming salamat po sa mga magpi fill up! See you next time!
BINABASA MO ANG
Ulzzang Book Club [Temporarily Closed]
RandomAng book club na sisiguraduhing; •Magkakaroon na ng reads, votes at comments ang story mo. •Magkakaroon ka ng new follower na pwedeng maging kaibigan mo. •Magkakaroon ka ng supporters/readers at sisiguraduhin ding mai-improve niya ang story mo. •Sas...