Date posted: June 4, 2016
Deadline: June 18, 2016Magandang hapon po, ulzzangs! Narito na po ang ating 3rd pairings.
Pakibasa po hanggang dulo. Please lang. May ilan akong babaguhin para hindi kayo mahirapan. Make reading a habit, ulzzangs.
Unang una po sa lahat, may ilan pong nag message sa amin na kaya nila hindi ginawa ang task nila ay dahil hindi naman daw ginawa ng kanyang partner ang task kaya hindi na niya ginawa ang kanya. May nagsabi rin na naging magkapartner na sila sa ibang book club. Mayroon pong aksyon dito, hindi lang po kayo nagbabasa. Basahin po hanggang dulo ang page at makikita po sa note sa dulo na kung naging magka partner na, ibang story na lang ang i-vomments. Paano 'yun? Isa lang ang story ko? Wala na po akong ibang story. Sana po ay sinabi niyo para excuse kayo. Doon naman po sa isa, sana po ginawa mo pa rin ang task mo at bawiin na lang kung hindi niya ginawa. Ngayon, nasira po ang pangalan niyo. Naka 1st offense na po kayo. Isang hindi paggawa ng task na lang at suspended na kayo. Diba? Dapat po kasi ay nagme message po kayo. Nag-o-open po ako o di kaya'y si Ulzzang Aeri.
Pangalawa naman po, p na po ang ibibigay kong panahon sa inyo. May pasok na po kasi sa isang linggo at naiintindihan ko pong nagbi brigada kayo, namimili ng school supplies, nag-aaral na, o kung ano ano pa. Kagaya po ninyo ay estudyante rin ako at busy akong tao. Sana po satisfied kayo sa panahong ibinigay ko sa inyo!
Pangatlo po, ang MORE ULZZANG PARTNERS o MY ULZZANG FACE NEED TO TAKE A BREAK ay iko-comment na sa part kung saan may official members. Ang page bago nito ay ang 3rd Pairings' Official Members at doon niyo po iko-comment para iwas gulo. May iba kasing 2 o 3 ang pinasok na story at paulit ulit ang MORE ULZZANG PARTNERS nila o MY ULZZANG FACE NEED TO TAKE A BREAK. Gets po ba?
Iyan po ang pagbabago na magaganap sa ating book club dahil si Duterte na ang nanalo at "Change is coming" daw! Char, joke lang! Naisip ko lang 'yan para iwas gulo.
Reminders:
Kung hindi nagpaparamdam ang partner mo o di kaya'y hindi niya ginawa ang pair, bawiin mo ang votes at comments pati na rin ang follow. Para naman fair tayo dito hindi 'yung siya lang ang makikinabang.
Huwag kakalimutan ang MORE ULZZANG PARTNERS or MY ULZZANG FACE NEED TO TAKE A BREAK para malaman ko kung sasali pa ba kayo o hindi. MORE ULZZANG PARTNERS ay kung sasali ka pa sa next pairing at MY ULZZANG FACE NEED TO TAKE A BREAK kung hindi ka na sasali. Kung nag comment na kayo ng MORE ULZZANG PARTNERS, sumali kayo. Walang bawian, huwag kayong paasa. Basta kung anong desisyon mo ay 'yon ang gawin mo! I-comment ito sa part bago nito. (3rd Pairings' Official Members)
Strictly follow the rules.
We will give you TWO WEEKS to finish your task. After that, wala nang palugit. TWO WEEKS is enough to finish your task. Mahabang panahon na po ang DALAWANG LINGGO para magawa ang iyong task.
GIVE A HIGH QUALITY REPORT about your partner's story. Since I do followback to the members of the book club, alam ko ang mga kino-comment niyo. Palagi ako nagche check ng news feed ko kaya alam ko ang mga kino-comment niyo. Iilan lamang ang ginawa kong mga halimbawa ng meaningless comments sa rules ko (Rule #7) at alam ko namang alam niyo kung ano ba ang mga meaningless comments. Inuulit ko, BAWAL 'yon. Bigyan ng laman ang iyong comment.
HUWAG KAKALIGTAANG MAG-VOTE. Oh, yeah. Alam ko namang excited na kayo sa pagbabasa lalo na 'pag nalilibang ka na sa story. Pero ang payo ko lamang ay unahin ang pag-vote. Pagkakita ng chapter ay i-vote na agad at bago mag comment dito na tapos na ay i-check kung na-vote na ba lahat. Okaeeee?
BINABASA MO ANG
Ulzzang Book Club [Temporarily Closed]
De TodoAng book club na sisiguraduhing; •Magkakaroon na ng reads, votes at comments ang story mo. •Magkakaroon ka ng new follower na pwedeng maging kaibigan mo. •Magkakaroon ka ng supporters/readers at sisiguraduhin ding mai-improve niya ang story mo. •Sas...