EA 3: Five Magical Elements

30.5K 761 34
                                    

Ginising ako ng sikat ng araw. I checked the time. 6:00 am. Since ang start ng klase namin ngayon ay 7:00, agad akong naligo at nagbihis. Nagsuot na lang ako ng oversized t-shirt at leggings para makagalaw ako nang maayos mamaya.

"Harmony? Gising ka na ba?" Katok ni Flame.

"Oo. Sige pasok ka." Pumasok naman siya at inusisa ako.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala lang." Tapos tumawa siya. Napailing na lang ako dahil baliw na ang babaeng nakaupo sa kama ko.

Pagkatapos kong mag-ayos, sabay kaming pumasok ni Flame. Pagdating namin sa school, lahat ng estudyanteng nakikita ko ay nagpapractice. Siguro hindi lang kami ang magtetraining ngayon.

"Gusto mo, practice tayo?" Umiling na lang ako. Hindi naman sa kampante ako pero iniiwasan kong mapakita sa iba ang mga kapangyarihan ko maliban sa telekenesis.

Dumiretso kami sa battle area. Isang malaking open field na parang sa mga laro na soccer at football. After few minutes, dumating ang mga professors.

"Today, you're going to show to the whole school what you can do. This event is not just for fun. The two main purposes of this training are to enhance your skills and develop your powers or magic. Let's start." Sabi ni Prof. Charlie. Gumawa siya ng barrier sa mismong training ground para hindi masira ang school at maprotektahan ang mga taong manonood.

Isa isa nilang tinawag ang mga estudyante. By pair. It means that makikipaglaban kami sa parehas namin ng kapangyarihan. Napapansin kong inuuna nila ang mga hindi gaanong malalakas ang powers kaso ang tagal ko naman atang tawagin?

"Harmony Kia Mendoza." Speaking of. "And Chen Reyes."

Nakangising pumasok yung Chen. Ang lakas naman ata ng hangin.

"You may start now." Pinatunog na ang drum, hudyat para simulan na ang laban. Pumikit si Chen at inatake ako ng iba't ibang bagay.

Pumikit rin ako at pinalutang ang mga malaking bato para magform ng shield. Nagcrack ng kaunti ang panangga ko kaya binalik ko sa dati ang mga batong bumubuo rito.

Halata namang nangi-inis siya. May pangisi-ngisi ka pa ah.

This time, ako naman ang ngumisi.

Pinaluputan ko siya para hindi na makawala pa.

"My turn." Sabi ko at itinaas ang dalawa kong kamay.

I created two giant walls out of different things. Kung saan sila galing? Sa labas. Nakakapasok naman ang mga bagay at tao sa barrier na ginawa nila. In short, sa mga magic, spells and powers lang ito gumagana.

Halatang natataranta si Chen at pilit gumagawa ng paraan para makalabas sa pasikip na pasikip na space sa pagitan ng mga pader. Para hindi na siya kumawala pa, ginawa ko na ang aking final move.

Muli akong nagform ng dalawang pader. Pinagdikit-dikit ko silang apat kaya naging isang room ang kanina'y pader lang. And there you have it, hindi na siya nakagawa pa ng move.

Pinatunog ulit ang drum. Sign that the training is over.

I destroy the walls. Kitang kita ko na nahirapan siyang huminga. Agad na rumescue ang mga healers para icheck si Chen.

Lumapit ako sakaniya para tingnan kung okay na siya.

"Sorry. Are you okay?"

"Yes. Thanks." Saka siya ngumiti. Mabait din pala 'to eh. I smiled back.

Bumalik ako sa upuan para manood ulit ng training.

"The last but not the least, the five magical elements."

Pumasok ang dalawang babae at tatlong lalaki. Mukha ngang malalakas silang lima.

"First to train, Lily Ann Vega and Ice Cruz."

Inatake agad ni Lily ng water blades si Ice. Agad niya naman ito ginawang yelo. Natawa nalang si Ice dahil hindi tumalab ang pagsugod ni lily sakaniya.

Water ang magic ni lily at ice ang sakanya. Ano namang laban ng tubig sa yelo?

Hindi gumagalaw si ice. Hinihintay niya lang ang pag-atakeng gagawin ni Lily. Sobrang nakakampante siya. Hindi lang dapat puro lakas, kailangang dumiskarte ka din.

Ngumisi si Lily. Isang water sword patusok direkta kay Ice ang nilabas niya. Kung gagawing yelo ni Ice ang tubig, sigurado akong masasaksak siya.

Biglang nag-iba ng direksyon ang espada at lumipat sa may tagiliran ni Ice. Pinatigas niya ang tubig at nasaksak siya sa tagiliran.

"Ouch!" Daing niya.

Pinagaling naman siya agad ng mga healers. Binelatan pa ni Lily si Ice. Kung titingnan, walang talab ang power ni Lily sa power ni Ice but since Lily used her head, naisahan niya si Ice.

Pangalawang sumalang si Flame at yung lalake na kasama niya.

"Flame Mercado and Joaquin Navarro." Feeling ko, Air ang magic ni Joaquin.

Hindi naman ako nagkamali. Not like Lily and Ice, hindi muna sila nag-umpisa. Mukha ngang nag-uusap pa sila. Something fishy. Sinuway tuloy sila ng prof.

Gumawa si Flame ng giant air ball pero hinipan lang ito ng air ni Joaquin.

Si Joaquin naman ang tumira. Naglabas siya ng air tornado. Pumasok si flame sa tornado at pilit lumalabas pero hindi niya kaya. Nanghihina na siya. Shit.

Pinilit kong pawalain ang tornado. Hindi ko naman makaya dahil sa lakas nito at sa barrier na humaharang sa pagitan namin.

Agad namang pinawala ni Joaquin ang tornado at binuhat si Flame na wala nang malay. Pupunta na sana ako kaso nakalayo na sila.

"Last is Gio Padilla. Wala na siyang kalaban and since siya ang pinakamagaling sa lima, he will just show the different techniques of his magic."

Ang gwapo naman niya. Actually lahat sila, magaganda at gwapo.

Una niyang ginawa ay earthquake. Napakalakas nito. Nagkacrack nga ang field eh.

Then gumawa siya ng earth blades, earth spikes at marami pang iba. Lahat sobrang lakas kaya mas lalong dumami ang mga cracks.

Natapos na ang training at nagdecide akong puntahan si Flame sa healer's room. Naabutan ko si Joaquin na nakaupo habang nagbabasa ng magazine.

"Um, Hi. I'm Harmony. Friend of Flame. Okay na ba siya?" Tanong ko. Nakakahiya naman.

"She's okay. Napagaling na siya ng mga healers. Natutulog na lang siya ngayon." Tumango ako at nilapitan si Flame. Saktong nagising siya.

"H-harmony? Asan si Joaquin?" Tinuro ko si Joaquin.

"Okay ka na ba?"

"Yes. I'm okay. You can go home first." Nginitian niya ako.

"Are you sure?"

"Yes." I smiled. Bago ako makalabas, nagsalita si Joaquin.

"Ako na ang maghahatid sakaniya." I nodded.

Siguro, ganito na talaga ang magiging buhay ko. Kahit anong oras, pwede akong mapahamak, pwedeng masugatan.

Bumalik ako sa dorm. Nagbihis ako ng pambahay.

Matutulog muna ako dahil napagod din naman ako sa paggamit ng power ko. Ang sakit kaya sa ulo.

Eerie Academy: The Magical School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon