EA 33: For the name of love

12.1K 326 4
                                    

Harmony.

Ito kami ni Flame, tumatakbo. Pupuntahan namin si Mr. Matt. I am sure na kalaban niya si Ethan. Tutulungan namin siya.

Inilagay ko ang aking kamay sa lupa at yumanig ito. Nagkaroon ng tuloy tuloy na crack papunta sa direksyon nina Mr. Matt at Ethan na naglalaban. Tumingin sila sa amin.

"Nandito ka na pala." Isang mapanglokong ngiti ang hinulma ng labi ng masamang tao na ito.

"Obvious ba?" I rolled my eyes. Nagtatanong eh halata naman ang sagot. -___-

"Magaling."

"Stop talking nonsense things! Let's finish this!" Sigaw ni Flame.

"Aba.. Ang yabang mo iha." Inatake siya ni Flame ng apoy. Pero nasalag lang niya iyon. "Bad girl." At si Ethan naman ang umatake. Sa lakas ng dark magic niya, hindi sumapat ang shield na ginawa ni Flame. Natamaan siya. Tumira ulit si Ethan dahilan ng pagtalsik ni Flame.

"FLAME!" Tinakbo ko siya at pinagaling. "Dito ka muna. Ako nang bahala." She just nodded.

"Aww, what a good friend."

"Shut up." Inatake ko siya ng light magic. Umiwas na naman siya. Pinalutang ko siya. Akmang babagsak na sana siya nang pigilan niya ito. Seriously? Mukhang mahihirapan ako sakaniya.

Nagpalabas ako ng kidlat at saktong tinira sakaniya. Nadaplisan siya pero parang wala lang sakaniya yun. Inatake niya ako. Tumatalon lang ako para di ako matamaan.

"Nice." Nakakainis siya! Bukod sa ang panget niya, ang daldal daldal niya pa. Di na lang lumaban nang tahimik.

Gumawa siya ng sword. Ganun din ang ginawa ko. Sakaniya ay kulay black. Sakin ay indigo. Sumugod kami at nagespadahan. Good thing na natrain kami sa paggamit ng espada. Sinasangga namin ang tira ng bawat isa. Hanggang sa nasaksak niya ako sa tagiliran.

"Ah!" Daing ko. Napahawak ako sa dumudugo kong tagiliran. Pinagaling ko agad ito.

"Water snake!" Pinalabas ko ang aking water snake. Sinugod niya si Ethan pero bigla nalang itong naging kulay itim. Para bang sinaniban. Humarap ito sa akin. Malaki ang bunganga niya habang sinusugod niya ako. Kinotrol niya ang water snake ko. Grr.

No choice na ako kundi gawin siyang yelo. Tinunaw ko siya gamit ang apoy. Bumalik rin sakin ang ahas na yun nang malinis at wala nang bahid ng itim. Sumipol siya at dumating ang napakalaking itim na agila. Dinakip ako ng hinayupak na halimaw na ito. Saan ako nito dadalhin?

"AARRRGHHH! ETHAN! NAPAKADUMI MONG LUMABAN!"

Gio.

"Paalam! Bwahahaha!" Demonyo ka Ethan. Kinuha nila si Harmony!

"Asan siya?!" Tanong ni Ice pagdating nila.

"Hindi ako sigurado kung nasaan talaga siya ngayon pero sa tingin ko ay dinala siya sa teritoryo ng mga dark wizards." Sagot ko.

"Tama! Iligtas natin siya!" Sigaw ni Flame. Lumipad kami at tinahak ang daan patungo sa mga dark wizards para iligtas si Harmony sa pangalawang pagkakataon. Haist! Ang babaeng talaga na 'yun. Ang lapit sa disgrasya.

Pagdating namin doon, nilabanan namin agad ang mga bantay. Paniguradong kaunti lang sila dito dahil nakikipaglaban ang iba sa academy. Umakyat kami sa tuktok ng palasyo ni Ethan kung saan nakita namin si Harmony mula sa baba.

"Pakawalan mo ako dito!" Nakakulong siya sa napakalaking bolang itim. Ginagalit ako ni Ethan.

"Pakawalan mo siya!"

"Oh, nandito na pala ang mga inaasahan kong bisita. Bwahahaha!" Baliw na demonyo.

Sinugod ko siya ng earth balls na inilagan niya. Umatake din ang iba kong mga kasama. Masyado siyang malakas. Nakakainis! Pinagalaw ko ang lupa na siyang dahilan para magkaroon ng lindol.

Eerie Academy: The Magical School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon