EA 8: Flame and Joaquin

18.2K 509 5
                                    

Harmony.

Weeks passed.

Natapos na ang pagtetrain namin. I can say na malalakas na kaming lahat.  Ang sarap sa feeling na alam mo na kung paano gamitin ang powers mo at higit sa lahat, malakas ka na. Kaya back to normal na ulit ang lahat. Hindi na kami excuse sa mga klase namin. But we asked the headmaster na doon nalang kami sa bahay na 'yun titira for good.

I'm on our way to the cafeteria with Flame.

"Flame! Harmony!" Sinenyasan kami ni Lily para makita namin kung saan sila nakaupo. Kaya lumapit kami at nakiupo sakanila.

"Hi guys!" Masiglang bati ni Flame. Ako naman, ngumingiti lang.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko.

"Hindi pa nga eh. Hinihintay kasi namin kayo." Sagot naman ni Joaquin.

"Ang tagal niyo kaya. Nagugutom na nga ako eh." Singit ni Ice. Lagi naman yang gutom eh.

"Sige, kukuha ako ng pagkain natin." Pagvovolunteer ko.

"Samahan na kita./Tulungan na kita!" Sabay na sabi nina Ice at Gio. Napatingin ako sakanila na nakatinginan din sa isa't isa. Anong meron?

"Ayieee. Parehas gustong makasama si Harmony!" Pang-aasar ni Flame.

"Patay tayo dyan mga bro, ang mga utol ko nasa iisang babae ang pagtingin." Ginatungan pa ni Joaquin.

"Alam mo joaquin at flame, bagay kayo. Pareho kayong mapang-asar eh." Pagkasabi ko noon, nagblush ang dalawa. Hahaha! Nakakatawa tuloy." At kayo naman, Ice and Gio, wag na. Remember? Telekenis ang magic ko kaya I can handle it." Umupo nalang sila.

Nag-order lang ako ng anim na  chicken teriyaki, pitong baso ng juice at pitong rice. Dinamihan ko na kasi baka mag-extra rice pa si Ice. Kinuha ko ang inorder ko at pinalutang ito.

"Here's our food." Inilapag ko iyon sa aming lamesa at nagsimulang kumain.

"So Harmony, sino ang mas gusto mo sa dalawang utol ko?" Tanong ni joaquin kaya muntikan na ako mabulunan.

Sa totoo lang, parehas ko naman silang gusto eh, gusto bilang kaibigan.

Ibinalik ko lang ng tanong ang itinanong saakin ni Joaquin. In short, tinanong ko din siya.

"Eh ikaw Joaquin, gusto mo ba si Flame?" Halatang nagulat siya sa tanong ko. Napatingin ako kay Flame at halatang hinihintay niya ang sagot ng crush niya. Hahaha!

Hmm, nakaisip ako ng kalokohan. Papaganahin ko ang pagiging mind reader ko.

Oo, gustong gusto. Pero di ko alam kung gusto niya rin ako. Kaya natatatakot akong umamin.

Yan ang nabasa ko sa isip ni Joaquin. Sinasabi ko na nga ba, eh.

"H-hindi no!" Defensive masyado. Kita sa mukha ni Flame ang pagkalungkot. Aww, nalulungkot narin tuloy ako para sa bff ko.

"Ah guys, cr lang ako." Excuse ni Flame. Gusto kong sundan si Flame kaso she needs time to be alone. Kung alam niya lang.

"You like her, right?" Sabi ko pagka-alis ni Flame.

"Hin—" Pinigilan ko na si joaquin na magsalita.

"Nabasa ko ang isip mo kanina nang tanungin kita. Sabi mo pa nga, Oo, gustong gusto. Pero di ko alam kung gusto niya rin ako. Kaya natatakot akong umamin."

"Mahirap kasi, Harmony. Ayokong masaktan ulit."

"Naiintindihan kita pero tandaan mo na kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Mas masakit din kapag nahuli na ang lahat. Kung ako sayo, make your move na kasi may gusto din siya sayo." Lumaki ang mata niya sa narinig.

"T-talaga?" I nodded.

"Yun naman pala bro! Ligawan mo na!" Sabi ni Ice.

"Oo nga." Simpleng pagsang-ayon ni Gio.

"Nice Joaquin! Grab your chance!" Sabi ni Lily.

"Tutulungan niyo ba ako?"

"Oo naman!" Sabay sabay naming sagot.

Flame.

Nasa Mt. Venice ako ngayon, umiiyak dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko. Buti nalang wala nang klase kaya naiilalabas ko ang sakit na nararamdaman ko.

"ARGGGGG! NAKAKAINIS KA JOAQUIN! NAKAKAINIS KAAAAA!" Sigaw ko habang umiiyak. Buti nalang, walang tao dito.

"MAHIRAP BA AKONG MAGUSTUHAN? LAGI NAMAN AKONG NADYAN PARA SAYO. NAGPAPARAMDAM DIN AKO NG NARARAMDAMAN KO PARA SAYO. ANG MANHID MOOOO!"

Para na akong tanga na sumisigaw dito.

"Tapos ka na?"

What the. Bakit nandito yan?

"Anong ginagawa mo?" Iniwas ko ang tingin ko sakaniya dahil umiiyak ako. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"Sinusundan ka."

Nakakaasar ka na talaga Joaquin. Pumunta ka pa dito para ipamukha saakin na hindi mo ako gusto.

"Bakit mo naman ako sinusundan? Sino ba ako para sayo? Kaibigan lang naman diba?"

"Oo kaibigan nga kita kaya sinundan kita dito. Pero Flame.." Lumapit siya sakin at hinawakan ang baba ko para mapatingin ako sakaniya. Gosh. Ang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko ito kaya. "Gusto kita higit pa doon."

Ano? Gusto niya rin ako? I can feel butterflies in my stomach right now. Bakit ba ganto ang epekto sakin ng lalaking ito?

"W-we?" Tumawa siya nang mahina.

"Oo nga at sana bigyan mo ako ng pagkakataong ipakita sayo na gusto kita. Hindi muna ako manliligaw. I just want to prove myself to you. I'll court you sa tamang panahon. Ayokong mahuli ako sa byahe nating dalawa. Gusto ko, sabay tayong dadaan sa bawat pagsubok para saatin." Napangiti ako sa sinabi niya.

"S-sus! Gusto mo rin naman pala ako, pinaiyak mo pa ako." Tumawa kami at pinunasan niya ang luha ko.

Umupo kami sa parte ng bundok kung saan makikita ang buong wonderland. Nakaakbay siya sakin at nakahawak naman ako sa waist niya.

"Alam mo, gusto na kita noon pa. Simula nang nagtransfer ka sa school." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

"Tapos kanina, noong tinanong ako ni Harmony, nagsinungaling nalang ako kasi akala ko di mo ako gusto. Nakakatakot kasing masaktan. Pero nang kausapin nila ako, kasi binasa pala ni harmony ang nasa isip ko, narealized kong okay lang pala masaktan. At least, you tried." Niyakap ko siya ng mahigpit at pinatong ko ang aking ulo sa balikat niya.

"I like you, Flame."

"I like you too, Joaquin." Then he kissed my forehead.

Ang saya ko dahil may love life na ako. Yung kaninang nawasak na puso ko ay muling nabuo dahil sa nalaman ko. Kung hindi siguro natauhan si Joaquin dahil kila Harmony, namaga na ang mata ko kakaiyak. But now, I'm with the man I like and soon, magmamahalan kaming dalawa.

Inabot kami ng paglubog ng araw. Pinanood namin ang napakagandang sunset.

Kung panaginip lang ito, sana wag niyo na akong gisingin.




Eerie Academy: The Magical School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon