EA 20: Parents' Sacrifice

12.3K 348 7
                                    

Harmony.

Masaya ako para sa bestfriend ko. Sa wakas, may boyfriend na siya at yung matagal na crush pa niya ang naging kasintahan niya.

Kaso kung inspired si bff, ako naman, confused. Bakit? Kasi lately, nagiging mas close kami ni Gio. While si Ice, lumalayo at iniiwasan ako. Akala ko ba ipaparamdam niya sakin na mahal niya ako? Hindi naman sa gusto ko siyang ientertain kaso yun kasi ang sabi niya sakin. Feeling ko tuloy, sira na ang friendship namin. Nandyan naman kasi si Lily, ako pa 'tong nagustuhan.

"Huy! Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala?" Sigaw ni Flame na nagpabalik sakin sa realidad.

"H-huh? A-ah may iniisip lang." Nagkibit balikat siya.

Oo, kasama ko si Flame ngayon dahil nag-aya siyang gumala. Matagal na din daw kasi bago kami nakapagbonding ulit. Weird no? Imbis na si Joaquin ang kasama niya ngayon dahil 1st week nila as a real couple, ako ang nasa tabi niya. Sabagay, isang linggo din naman silang magkasama.

"Harmony, alam kong may gumugulo dyan sa utak mo." She said while looking at me. Binigyan ko lang siya ng 'ano?' look. "Sina Ice and Gio no?"
Tumango lang ako. Nahihirapan na talaga ako. Araw araw, kumakabog ang dibdib ko tuwing nakikita at nakakasama ko si Gio pero gabi gabi, ginugulo naman ako ng konsensya ko dahil nasasaktan ko si Ice.

"Sundin mo kung anong sinasabi ng puso mo. Cliche na kung cliche ang mga lumalabas sa bibig ko pero yun naman talaga ang dapat. I'm sure na maiintindihan ni Ice na gusto mo na si Gio. Mabait yun. At kung sa tingin mo, masisira ang pagkakaibigan niyo, tiwala lang, hindi 'yan."

Tama siya. Kung pipiliin ko si Ice, hindi ako magiging masaya. Well, pwede ko siyang matutunang mahalin but parang trinaydor ko ang sarili kong puso. Bakit ba nagpapa-apekto ako sa konsensya ko? Alam ko namang maiintindihan ito ni Ice. Napabuntong hininga ako.

"Thank you. Parang dati lang, ako yung nagbibigay ng advice sayo ah?"

"That's what friends are for." Nagtawanan kami.

Habang naglalakad, may nakita akong nagtitinda ng mga mugs. Nagtingin tingin ako at nakakita ng mug na may butterfly design. Paborito ko talaga ang mga paru-paro. Napakasarap nilang tingnan. Binili ko ito. Nagyaya na rin si Flame na umuwi na dahil dalawang oras na kaming palibot libot. Ilalagay ko sana sa lagayan ng mga baso ang mug ko nang bigla itong nadulas sa kamay ko at nahulog.

Damn. Pumintig nang malakas ang puso ko. Nerbyos ang dumadaloy sa katawan ko ngayon. Sabi ng mga matatanda, kapag may nabasag na baso, plato or anything, may mangyayaring masama. Shit. Kinakabahan talaga ako.


Arlene. (Mother of Harmony)

Busy ako sa pagluluto. Dadalaw kami mamaya kina Harmony. Miss na miss ko na talaga ang dalagita namin.

"Hon, ang sarap naman." Binack hug ako ni Nicholas, asawa ko.

"Masarap talaga! Teka, nahanda mo na ba ang regalo natin?" May ibibigay kasi kami kay Harmony na tiyak ay magugustuhan niya.

"Oo naman, hon."

"Sige, manood ka nalang doon." And umalis na siya. Mahirap na, baka kainin niya pa itong niluluto ko.

Mahal na mahal namin ang anak namin. Sa panahon ng digmaan siya isinalang. Kung hindi siguro binigyan ng kapangyarihan ni Venice si Harmony at kung hindi kami nakatakas, maaaring patay na kami ngayon. Mahirap para samin ang magkaroon ng anak na may nakaatang agad na mabigat na responsibilidad kahit baby pa lang siya. Walang araw na hindi kami nag-aalala. Minsan, iniisip namin na baka isang araw, sinugod na siya doon sa bahay nila. Malakas siya at ang mga kasama niya pero bilang ina, hindi pa din maiiwasan na mabagabag ang aking kalooban. She is our angel. We can't afford to lose her.

May narinig kaming katok at inutusan ko si Nicholas na buksan ito. Pumasok ang iba't ibang hayop. Nagtransform sila bilang tao na may black triangle sa iba't ibang parte ng katawan nila. Shit! Ang mga dark wizards! Mga shape shifters ang ginamit nila para hindi sila mahalata sa pagpasok nila sa teritoryo namin.

Tumakbo papalapit sakin si Nicholas. Agad kaming pumuwesto upang lumaban. Hindi namin inaasahan ito. Pinaulanan ko sila ng strikes of light. Light ang magic ko samantalang si Nicholas ay thunder and lightning, katulad kay Charles. Medyo nasilaw sila kaya sinamantala na ni Nicholas ang pag-atake. Itinaas niya ang kamay niya at may kidlat na tumama sa mga kalaban namin. Napuruhan ang iba. Nagshift yung isa bilang dragon. Bumuga siya ng apoy pero umiiwas kami. Icocombine na sana namin ang magics namin nang biglang may pumasok ulit, dala dala si Harmony.

"Ma, iligtas niyo po ako." Umiiyak na pagsusumamo niya. Nabibiyak ang puso ko. Nasa panganib ang anak namin. Dahil sa galit, sinugod ko sila ng balls of light at kung ano ano pang tricks. Gumagawa lang sila ng shield. Nagamit ko na halos lahat ng kapangyarihan ko. Napaluhod ako sa panghihina.

"Arlene!"

Sinubukan akong itayo ng asawa ko.

"Sasama ba kayo saamin o puputulin namin ang leeg ng anak niyo?" Sabi nung nay hawak kay Harmony.

"Mga walang hiya kayo! Ang sasama niyo talaga!" Aatake na naman sana si Nicholas ngunit hinawakan ko ang kamay niya. Binigyan ko siya ng isang makahulugang titig na nagsasabi na 'sumama na tayo, alang alang sa anak natin.'

Kinuha kami ng mga tauhan ni Ethan. Nilagyan nila kami ng spell para hindi namin magamit ang powers namin. Ang anak namin kanina ay biglang nag-iba ng anyo. Nanlumo ako sa nakita. Naloko kami. Ramdam kong nanginginig sa galit ang asawa ko, Maski ako, ganoon din ang nararamdaman.

Kaya kong magsakripisyo para sa anak namin. Ngunit sa pagkakataong ito, tila nasubok ang kaya naming ialay alang alang kay harmony. Ngayon ay wala na kaming magagawa. Alam kong darating si Harmony, ililigtas niya kami.

Eerie Academy: The Magical School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon