EA 26: Save her

10.5K 330 1
                                    

Gio.

"So are you willing to join us?"

"Yes."

"Good. Now, let's talk to Mr. Matt para magamit natin ang training room."

Pumunta kami kay Mr. Matt. Sabi nila, we need to know the truth. Katotohanan kung si Harmony nga ba ang kasama namin o ibang tao na.

"Mr.Matt, there's something wrong about Harmony. Feeling namin, may nanggaya lang sakaniya so can we use the training room para magawa po namin ang plano?" Flame said. Mukhang desididong desidido siya.

"You're right about what you feel. But prove it yourself first. And yes, I am giving my permission to you." Sabi ni headmaster.

"Salamat po, sir." At umalis na kami.

Of course, hindi namin kasama si Harmony. Iniwan namin siya sa bahay at mamaya lang ay tatawagin namin siya para labanan. But ang sasabihin namin sakaniya ay 'training'.

Akala niyo sila lang ang nakakapansin? Ako din no. Walang pagtibok nang mabilis ang nangyayari sa puso ko kapag kasama ko siya, hindi katulad dati. Oo, nasisilaw parin ako sa kagandahan niya pero hindi na ako natutuwa sa mga ugali niya, hindi katulad nang dati. Maraming nagbago.

"Gio, go and bring Harmony here. You know what to do." Utos ni Flame.

Sinunod ko siya at pumunta kay Harmony. Ako daw ang susundo para mapasama siya agad. Dikit kasi nang dikit sakin yon. Nakakairita. Now, I have the guts to say that it's irritating when she's with me because she is not the real Harmony. She is not the true girl that I love.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood. Nang makita niya ako, bigla siyang napangiti.

"Hi Babe!"

"We need to train. Come on." Namutla siya. Ha! Obviously guilty.

"H-huh? T-train?...Bakit daw?"

Hindi ko na siya sinagot hanggang sa nakarating na kami sa training room.

"Bakit tayo magtratrain?" Tanong niya.

"Baka daw mapasabak tayo sa laban." Sagot ni Ice.

"Okay."

Nagstart si Joaquin. Agad siyang nagpalabas ng air spikes. Iniiwasan lang ito ni Harmony.

Next naman ay si Lily. Umatake siya ng water ball pero gumawa lang ng shield ang kalaban niya.

Sumunod sakaniya si Ice. Gagawin niya sanang yelo si Harmony kaso umiwas ito.

Ako na ang susunod. Tumayo lang ako pero di ako tumira. Alam ko naman na ang gagawin niya. IIWAS lang siya o GAGAWA NG SHIELD.

Si Flame ang huling lalaban sakaniya. Ngisi ang makikita sa mukha ni Flame. Sinugod niya si Harmony ng fire tornado. As usual, gumawa ito ng shield.

"Iiwas at iiwas ka na lang ba?" Mapanghamong sabi ni Flame.

"Bakit ba? Wala ako sa mood lumaban."

"Wala sa mood o walang kakayahan para lumaban samin?" Napaawang ang labi ni Harmony ngunit agad niya itong binawi.

"W-what are you saying?"

Imbis na sumagot, inatake niya ito ng kanyang fire balls. Iwas lang nang iwas si Harmony pero ang di niya alam, titira ulit si Flame.

"Fire Lion! Atakihin mo ang impostor na yan!" Ginawa ito ng leon at sumugod kay Harmony na hindi handa dahilan para bumagsak ito.

"Shit." Mura niya.

Lumapit kami sakaniya.

"Gio! Pinagtutulungan nila ako!" Sumbong niya sakin. As if namang pagtatanggol ko siya? -,-

"Bakit mo ginagaya si Harmony? Sino ka?!" Nagsmirk lang siya.

"So alam niyo na?" Nagpalit siya ng anyo. Sino ba ito?

"Althea? Ikaw na babae ka!" Akmang susugudin ni Flame si Althea pero pinigilan siya ni Joaquin. "SAAN NIYO DINALA SI HARMONY?!"

"Ang tanga naman kasi ng kasama niyo. Sumugod mag-isa. Alam niya namang marami kami. Hindi nag-iisip. Is that the kind of girl you want? Huh, Babe?" Napayukom ako ng kamao. Anong karapatan niyang laitin ang babaeng nagpapatibok sa puso ko?

"Don't call me babe, you freak. Where...is...Harmony?" I said in a very serious tone. Tumawa lang siya.

"Nakakulong siya. Powerless. Useless."

"Damn you!" Sigaw ni Ice.

"Thank you. Gusto niya samahan ko pa kayo?" Nababaliw na siya.

"No need bitch." Sagot ni Lily.

"Dito ka lang! Magbabayad ka!" Agad na nagpakawala si Flame ng fire daggers. Umangat si Althea at dumikit ito sa dingding. Sinusubukan niyang tanggalin ang nakatusok sa mga damit niya pero di niya magawa. Dinagdagan ito ni Joaquin ng air chains para kung sakaling mag-isip itong tumakas, maaaring maapektuhan ng hangin ang apoy ni Flame at maging malakas ito.

"Pakasaya ka dito ah?" Sabi ni Flame.

"Guys, let's go! We need to save Harmony!"

"Sama ako!" Sabi ni David.

"No. Hahatid ka nalang namin kay Mr. Matt. Hindi ka pwedeng pumunta sa mga dark wizards. Delikado." Wala naman siyang magagawa kaya hinatid na namin siya kay headmaster.

"Mag-iingat kayo."

Wait for us, wait for me. I will save you.

Harmony.

Ang baho ko na! Ilang araw na akong di naliligo. Jusko!

Hindi naman nila ako pinapahirapan o ginagalaw. Naghihintay siguro ng utos galing kay ethan Hindi ko nga rin nakikita yun eh. Nasaan kaya siya?

Lagi kong pinagmamasdan sina mama at papa. Baka kasi paglingon ko, kinuha na pala sila. Hindi ko kaya kapag nangyari yun.

"Harmony.."

"Venice?"

"Ako nga."

Hay! Ang bobo mo naman Harmony! Bakit di ko naisip si Venice? Kahit wala akong mind communication, pwede ko parin siyang maka-usap dahil iisa naman kami.

"Venice, paano na ako nito? May ibang Harmony na kapiling sina Gio. Hindi na nila ako mailalayo dito."

Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Kung hindi dahil sa kapabayaan ko, wala sana ako dito at nailigtas pa sina mama.

"Hindi ba't sabi ko sayo na kasama mo na ako sa lahat? Gagabayan kita. At wag kang mag-alala, parating na sila."

Parating na sina Flame? Ililigtas na nila kami? Nabuhayan ako ng loob. Hindi nila ako pababayaan.

Eerie Academy: The Magical School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon