EA 23: Harmony is Okay

9.8K 355 8
                                    

Flame.

"Nasaan na ba si Harmony?!"

"Wala na siya sa kama kanina nung paggising namin."

"Hindi niyo ba napansing bumaba siya?"

"Hindi."

Kanina pa kami hindi magkamayaw dito. Kanina pa ng madaling araw nawawala si Harmony. Saan ba yun nagpunta? Lahat kami dito, nag-aalala na. Nabalitaan din kasi namin na hinuli ng mga dark wizards ang mga magulang niya kaya naisip namin na sumugod yun doon. Sana hindi.

Lumabas ako saglit para sana hanapin siya. Nang makita ko ang isang babaeng paika-ika maglakad. Teka...

HARMONY?

Tumakbo ako papalapit sakaniya at inalalayan ko siya.

"Anong nangyari sayo, Harmony?!" Hindi siya sumagot. Mukhang pagod at hirap na hirap siya. Pumasok kami ng bahay.

"SHIT! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Gio. Agad niyang kinuha sakin si Harmony at pinaupo.

"Tatawagin ko lang si Mica para magamot ang mga galos niya." Tarantang cinontact ni Ice si Mica, isa sa mga healers. Ilang minuto ang lumipas ay dumating din siya. Pinagaling niya si Harmony kaya bumalik ito sa dati niyang lakas.

"Salamat, Mica."

"Walang anuman." At umalis na siya.

"Saan ka ba galing? Lumaban ka ba mag-isa?" Tanong ko. Bigla naman siyang umiyak.

"O-oo. K-kinuha kasi... s-sina mama eh.." Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi. Napatayo ako.

"Harmony naman! Bakit hindi mo man lang samin sinabi?! Tingnan mo nga yung itsura mo kanina! Mukha kang ginulpi, binugbog at sinabunutan! Buti nga, hindi ka pinatay o ginawang bihag! Mag-isip ka naman!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halong pag-aalala, takot at galit ang nararamdaman ko ngayon.

"S-sorry..." Lalong lumakas ang hagulgol niya.

"Sshhh.." Pagtatahan sakaniya ni Gio na yakap siya. "Maglinis ka at magpahinga ka na muna." Inihatid ni Gio si Harmony sa kwarto.

"Easy lang." Binack hug ako ni Joaquin.

"Nakakainis naman kasi. Mahalaga sakin si Harmony at hindi ko papayagan na mawala siya. Tinuturing ko na siyang kapatid, Joaquin."

"Alam ko." Kahit papaano, nawala ang bigat na nararamdaman ko.

"Salamat at ligtas siya." Sabi ni Lily.

"Pero may pinagtataka ako." Bigla akong napatingin kay Ice.

"Ano?"

"Eh kasi, gumagamit ng spell ang mga dark wizards para pansamantalang mawala ang magic mo. Halos lahat ng umaapak sa teritoryo nila ay binibihag nila. Mag-isa lang si Harmony na lumaban at mautak ang mga alagad ni Ethan. Nakakapagtaka kung paano siya nakatakas." Mahabang paliwanag niya.

"Si Harmony ang Goddess of All Magics diba? Malakas siya. Kayang kaya niya sila kahit na wala siyang kasama." Sabi ko. Nagkibit balikat lang siya.

"Ako din. May maling nararamdaman." Napalingon ako kay David.

"Bakit ba kayo ganyan? Ang mahalaga, ligtas si Harmony." Inis na sabi ko. Di nalang kasi sila magpasalamat na hindi napatay nila ethan si Harmony.

Maya maya, bumalik si Gio.

"Ano? Tulog na ba siya?" Tanong ni Lily.

"Oo." Sagot niya.

"Dapat malaman ito ni Mr. Matt." Suggest ni Joaquin.

"Sang-ayon ako."

"Ako din."

Lahat kami ay sumang-ayon. Pero bago kami umalis, nagluto muna ako ng lugaw para pagbalik namin, aalaagaan ko siya.

Natapos na akong magluto. Tulog pa naman si Harmony kaya iniwan muna namin siya. Nagtungo kami sa office ng headmaster.

"Anong balita?" Bungad niya saamin.

"Umalis po kanina si Harmony at sumugod sa mga dark wizards. Nakuha po kasi ang mga magulang niya, diba? Lumaban siya mag-isa. At kanina, dumating siya sa bahay nang hinang hina. Kaya pinagpahinga namin siya at tulog siya ngayon." Nag-isip nang malalim si Mr. Matt.

"Ganoon ba?" Hinihintay namin ang sasabihin niya. Bat parang hindi siya nagalit o nagulat? "Mabuti naman dahil hindi siya nabihag. Sige, makakaalis na kayo." Ano? Ganun ganun lang?

Bago kami lumabas, nagsalita siyang muli.

"Hindi lahat ng kasama niyo ay totoo at maaaring pagkatiwalaan."

Ano ang ibig niyang sabihin?

A/N: Huhuhu guys may nagbabasa pa ba nito? Kung wala, dedelete ko na lang T_T </3

Eerie Academy: The Magical School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon