Ever After 11 - The Bitch's Bestfriend

7K 107 27
                                    

Ever After 11

Shen Marie's 

May nakamiss ba sakin dito? Kasi buhay ko muna ang nasa spotlight. Baka lang kasi interesado kayo sa buhay ko kasi ako bored na bored na.  

(Flip hair) 

Anyway enough of that at nasstress ako lalo. But it's just sooo boring! I can't help it! Grabe eto lang ba ang dadatnan ko rito? Sana pala di na lang ako umuwi ng bansa. I'm staying for good pa naman though once in a while kailangan ko parin bumalik sa Paris for business. I should have stayed there kung alam ko lang na ganto ang magiging buhay ko rito. Aish! Nakakainis!  

Isa pa tong pulang to eh. Di man lang ako sinama sa palasyo ng mga tala--I mean Polaris haha. Ayoko nga kasing magdrive mag-isa ng napakatagal eh two-seater lang ang mga sportscar hmp. Kala nya. Susundan ko pa rin sya dun. Nakapagempake na nga ako eh haha. Grabe!!! Mga sakit sa ulo! 

May isa pa nga palang bwiset na nagpapasira sa mga araw ko recently. Porke ba hindi ako nakakapag POV wala ng interesting sa buhay ko kundi manggulo sa opisina ni Red? No way. Teka ang alam ko I'm a woman of poise and elegance. Pero bat parang inangkin ko na rin ang btchiness at hot-headed traits ni Starr??

(ring! ring!) 

Inangat ko agad ang receiver at hindi man lang naghello. Suplada mode ala Shen.  

"Yes?" 

"Miss Saavedra nasa lobby na po sya" sabi sa kabilang line which is the reception.  

"Thanks" tipid kong sagot saka binaba ang phone. Madalian kong tiningnan ang mukha ko sa salamin ng dresser and tuck a few strands of loose hair behind my ear. Agad akong lumabas ng unit ko at sumakay ng elevator. Exactly five minutes, I'm walking towards this bastard. Okay somehow "cool" bastard.  

"Excuse me ladies" 

Naiinip ko syang pinagmasdan habang palapit sakin giving away his seductive smile na tinaasan ko lang ng kilay.  

"Flirting before a date. Just great" bakas ang sarcasm sa boses ko pero cool na cool pa rin ang itsura ko. With poise parin. Iniwan ko na kasi ang suplada mode sa unit ko.  

"I thought this is not going to be a date, Marie?" 

"Whatever" I said while rolling my eyes. Di ko pwedeng ipahiya ang sarili ko noh. Duh! Ang hambog na to nagawa pa kong sukulin. Agad akong dumerecho sa labas ng condo na tinutuluyan ko. I glanced at him at akala ko nasa likod ko na sya but it turned out naharang pala sya ng mga psycho fans nya. So jan sa mga yan nya ko pinagpalit? How cheap. Tss.  

(Shen Marie and Doyp/Oliver on the side) 

Si Oliver nga pala ang kasama ko. Don Oliver Perez or simply Doyp to those psycho fans indeed. Hindi ako bitter. At lalong hindi kami magdedate. It's just that my mom asked him to come over for dinner ng makita nya ito sa concert na pinuntahan namin ni Red. Bago kasi umalis ang Casanovang yun papunta sa Polaris site, nagpunta muna kami sa concert ng Offbeat. Ayoko nga sana because of this bastard pero look where it got me. A date with him because of my dearest mom. Ano ba kasing nagustuhan nya sa ambisyosong to? Sinaktan at iniwan na ko't lahat lahat, boto parin sa kanya si mommy. Whatta life.  

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon