Ever After 38 - Red finally meets the real Starr

5.8K 104 19
                                    

Ever After 38

Ilang araw pa kong nagstay after that confrontation with Jade. Dun mismo ko sa mansion ng Polaris natutulog at hindi sa may villa. I want to feel the whole place. Gustong gusto ko na din sanang umuwi sa city para makausap si Shen pero kahit pa hindi ko matake ang lahat ng kasinungalingan sakin ni Jade, sinabi kong gusto kong malaman ang klase ng buhay ni Starr sa loob ng tatlong taon na nakasama nya ito.

"Dito tayo" sabi nya pagkababa ko ng La Ferrari. Ngayong umaga kasi, hinihintay nya ko sa labas ng Sanctuary tapos after this, derecho uwi na ko sa city. Pumasok kami sa familiar greenhouse nito kung saan nakatanim ang iba't ibang klase ng bulaklak except tulips. May mangilan ngilan pa ring butterflies na malayang nagliliparan sa loob ng malaking greenhouse.

"Ako ang nagtanim ng halos kalahati ng bulaklak dito sa greenhouse. The rest, si Sharlot na" hindi ako umimik at pinagmasdan lang ang magagandang bulaklak. Tapos dumerecho kami sa labas ng greenhouse para makita ang tulips garden. Nakakabighani parin ang ganda ng mga tulips na sumasayaw sa pang-umagang hangin. It looks the same ng una ko tong makita. The only difference is...wala si Starr dito.

"Araw araw, dito sya unang pumupunta. May daanan kasi sa banda dun derecho dito pag galing ka sa glass house sa kasukalan. Yung bahay nya? Una nyang tinitingnan ang mga paborito nyang bulaklak saka lang nya bibisitahin ang greenhouse kung saan nya ko madalas makikita sa umaga. Tapos sabay kaming mag-aalmusal dun sa bahay ko. Yung nadaanan natin kanina? Mini office kasi yung baba nun at sa taas ako nakatira. It used to be just her office pero ng araw na patirahin nya ko dito, dun na ko nagstay kahit pa sinabi nyang welcome naman ako sa glass house nya dahil malaki naman yun. Pero mas pinili ko yun kasi mas malapit dito saka ayoko naman iinvade masyado ang privacy nya. Kahit na magkaibigan kami, I still treat her as a boss and I really respect her"

"What is she like right now?" yun ang unang lumabas sa bibig ko the whole time na nagkkwento sya sakin.

"What do you mean? Oh kung anong itsura nya? Ang naalala ko pa sa kanya nung huli kaming magkita is mahaba pa ang buhok nya, maganda pa rin at--"

"Not that. Gusto kong malaman kung anong nagbago kay Starr"

"Ah. Hindi ko alam kung anong nagbago sa kanya. Sabi ko naman sayo, nakilala ko na sya bilang Sharlot at hindi Starr. Kung tatanungin mo kung anong klaseng pagkatao ang nakita ko sa kanya well she's...a very pleasant woman"

"Tell me more about her"

"I saw Sharlot as an emotionless person once. Yun yung araw na sinigaw sigawan ko sya nung una ko syang makilala dahil sa pagiging pakelamera nya. Dun yun sa isang maliit na bar sa kabilang bayan. Nakikipag-away ako para maglabas ng sama ng loob dahil nagpakamatay ang mommy ko. Wala man lang mababakas na emosyon sa mukha nya that time ng hilahin nya ko paalis dun at dinala sa bahay nya. Wala na kong pamilya, yung iilan kong kaibigan tinalikuran nila kong lahat ng malugi ang negosyo namin. She asked me to work for her dito kung wala na daw akong mapupuntahan. Akala ko just like me, she doesn't know the word happiness. But when I saw her smile one day habang nakatingin sa pinakamamahal nyang bulaklak, dun lang ako nakakita ng ngiti na kasing ganda nun. I never saw a smile like I used to see on her to any other person. Hanggang sa halos hindi ko na maalala ang walang emosyon nyang mukha ng gabing makilala ko sya"

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon