Ever After 47 - Passing the Hard Stage

3.9K 68 15
                                    

Ever After 47

"Sir?"

"Yeah?" pinindot ko ang intercom sa ibabaw ng mesa ko.

"Remind ko lang Sir na after lunch, you'll go to the Rocketeer site. Mag-one pm na kasi. Hindi ko pa kayo nakitang lumabas para maglunch" tiningnan ko naman ang wristwatch ko. Oo nga pala. Nakalimutan ko ng maglunch.

"Hindi ko kasi napansin ang oras. I'll be going down in a bit. Thanks for reminding me, Reiko"

"You're welcome, Sir" napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa monitor ng Mac.

Life goes on sabi nga nila pero hindi ibig sabihin nun na madali lang yun. Sobrang hirap sa totoo lang. At times kahit ayaw ko pa, bumabagsak pa rin ako sa point na tulad ngayon. Hindi ko na pansin ang oras habang nakatingin sa laptop ko hovering on the mouse and resisting the urge to click the send email button. I spent hours trying to think of the best message na masesend sa kanya which in the end eh isang malupit na 'How are you?' lang ang naitype ko. Hanggang sa magdedecide na lang ako na idiscard ang message. I just totally wasted my time in fact.

Shinut down ko na ang Mac saka kinuha ang nakasampay kong coat sa swivel chair and immediately took the elevator. Pagbaba ko sa basement, sumakay lang agad ako sa Audi ko saka nagpasyang dumerecho sa site.

10th Entry to Moving on
Cut the communication. No matter how hard it can be, it is still better off having no contact with her.

---------------

Three days later...

Dumating si Zach sa bahay ko tonight pagkauwi ko galing site. Nag-aayang magbar or maghangout sa kahit saan kasi bored daw sya.

"Ayoko. I'm tired" sagot ko saka pumasok sa walk in closet para magbihis.

"Kelan ka pa naging taong bahay pula?? Di bagay sayo ang nagkukulong dito kahit pa saksakan ng mahal tong bahay mo" narinig ko pang sabi nya na dinig ko habang nagbibihis.

"Di ka ba nagsasawa sa lifestyle mo? Tsk" sagot ko naman habang sinusuot ang lose white shirt. Pagkatapos lumabas na ko.

"In ten years baka magsawa na ko hahaha" naupo ako sa dulo ng kama saka binuksan yung tv. Palipat lipat lang ako kasi wala naman akong makitang magandang palabas. "Pucha dinayo pa kita dito tapos wala akong mapapala? Pambihira"

"Eh di sana tumawag ka muna. Kasalanan mo yan, Zach"

"Hindi naman siguro yung sportscar mo ang pinagmumukmok mo dito sa bahay mo ano? Hahaha"

"Ulul hindi! Tsaka pwede ba wag mo ngang mabangit bangit yang kotseng yan at naiisip ko yung kagag*han ni Uno"

"Para namang di mo kilala yun. Mas malala pa sakin yung ungas na yun haha"

"Umalis ka na nga. Binabadtrip mo lang ako lalo"

"Psh. Jan ka na nga. Puntahan ko na lang si Third sa bar natin. Mas mageenjoy pa ko dun"

"K" nakatingin pa rin ako sa tv ng magsalita ako. "Pucha! Bigwasan kita gusto mo?!" binato nya kase ko ng ballpen na maayos na nakalagay may computer table ko.

"Thank you! Hahahaha. Geh alis na ko!" saka nya sinara yung pinto. Aish badtrip talaga yun. Pinulot ko na lang yung ballpen sa sahig saka binalik sa computer table. Pinatay ko na rin yung tv kasi wala namang kwenta.

13th Entry to Moving On
Avoid bars...for now.

----------

Sunday ngayon kaya nagstay lang ako sa bahay ko. Wala akong magawa at talagang bored na ko. Umayat ako sa theatre room saka nanood ng movie pero kalagitnaan pa lang pinatay ko na kasi wala naman ako sa mood. Lumipat ako sa kwarto ko. Itutulog ko na lang tong araw na to kaso di naman ako makatulog badtrip. Kinuha ko na lang yung iPod sa side table ng kama saka sinaksak sa tenga ko at nahiga.

Baby steps...

I could almost swear at myself for listening to this song over and over again for a week now. It really sounded so gay but on the first three days, I can see myself shed some tears habang pinakikinggan ko to. Hey, tao din naman kami na nasasaktan. We just never let it show as much as possible. But now, nakatulong naman kahit papano and it's an improvement na that I can listen to this song without the tears kahit pa the memories kept on repeating.

14th Entry to Moving On
Listen to that one song on repeat until you grew tired of the feelings.

-------------

Ang tagal kong nakatingin sa salamin ng shower room ko this morning. Kakatapos ko lang maligo and usually dati, magsshave na ko for a cleaner look pero hindi ko maiwasang matawa as I stare at my own reflection because of the growing stubbles. Kaya naman inayos ko na lang ang pagkakatubo and shave those parts na unecessary. Okay pa naman sya. Okay pa naman akong tingnan. Gwapo pa rin. Di na masama.

Breakup beard ba ang tawag dito? But do we actually had a breakup? Enough said. Papasok na lang ako sa office kesa isipin yun.

19th Entry to Moving On
Grow a breakup beard.

------------

Another week passed and I think sobrang bilis ng nakaraang linggo. Yeah. Parang naka fast forward. At least I became productive. The past weeks kasi dito lang ako sa StarLine or sa Rocketeer site. Nasabi ko na ba na mag two-two weeks na rin na hindi pumupunta ng Rocketeer si Shen? After nung pagpunta nya dito sa office ko, nagkita lang kami dun for two or three days ata tapos di na sya ulit dumaan dun. Good for me.

I got really really busy netong mga nakaraan. Boring kasi puro work pero sabi ko nga at least productive. Naisama ko pa nga sa busy scheds ko ang operations ng Hotel kaya wala na talaga kong oras sa ibang bagay. Even thinking about her, kapag nasa work ako nakakalimutan ko na. It suddenly pops up na lang kapag nasa bahay na ko when I'm alone.

27th Entry to Moving On
Stay way too busy with work.

-----------

Dumaan nga pala si prettybabe Fia at ang asawa nyang si Kitsuki kanina. Wala lang nangungumusta lang kasi ang tagal ko na daw hindi nagpaparamdam mula ng makabalik ako. Ngayon lang sila nagkaoras kasi may morning sickness sya lagi due to pregnancy. Malaki na rin yung tummy ni Fia. Five months na rin kasi.

"Hindi mo na ba ko bestfriend, Red?"

"What made you say that, prettybabe?"

"Wala lang. You no longer find time para kamustahin ako. I need to go pa all the way here para lang malaman kung okay ka pa"

"Sus. Ang sensitive ni Miss Preggy. You're still my bestfriend, Fia"

"So bakit hindi mo man lang ako matawagan to confide on me. Alam ko naman how bad you're hurt because of Starr pero--"

"Prettybabe gusto mo ulit pumunta dun sa fancy resto na kinainan natin once along Rigo Street? Miss ko na yun eh. Sama natin si Kitsuki. Okay lang yun ano?"

"Red..."

"O kung di ka naman free today, pwede naman some other time marami pa namang araw. Let's catch up--"

"Red don't avoid serious topics. Importante ka sakin and I want to know how you're coping up for the second time like this"

"Some other time, Fia. Kapag di na masakit. But for now, can we set those things aside?"

"Sige. But I'm still looking forward to that day na sasabihin mo sakin na okay ka na"

28th Entry to Moving On
Divert topics that still hurts.

-----------

I feel so proud of myself for getting passed a full long month of agony. Siguro nga nakatulong talaga ang mga entries na to to get passed the hard stage.

Kahit pa simpleng mall, race track, soccer field o kahit nga pagtingala sa langit tuwing maaliwalas ang langit hindi ko na ginawa. Kahit ang sunset pa. Everything that reminds me of her, I tried to ignore. Not that I really wanted to forget all of it, just for now lang naman hanggang hindi pa naalis lahat ng sakit. Konti pa. I'm getting there.

30th Entry to Moving On
Avoid the places where you used to hang out.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon