Ever After 26 - Confusing People

5.8K 85 8
                                    

Dedicated to NicoleMqdelPrado. Thought nadedic ko na sayo yung isa sa previous chap pero di pa pala hehe. Enjoy Tamers!

 

Ever After 26

 

Maaga kong nagising kinabukasan pero kahit maaga kong nagising, looks like ako parin ang huling taong bumaba. Nasa may hagdan na ko at nakita kong pinalilibutan ng Offbeat si Sharlot--Starr I mean. Actually, hindi lang pala sila kundi halos lahat. May nakita kong mga bags malapit sa pinto. Uuwi na nga pala sila Uno, Zach, Fia at Kitsuki. Sila Brea at Mariko, gustong magstay ng isa pang araw kaya bukas pa sila uuwi. Ang Offbeat, magtatagal pa rito dahil nagbabakasyon. Baka makasabay ko pa sila sa pag-alis next week.

 

Lahat mga tuwang tuwa habang nakikipagkwentuhan kay Starr. Nakangiti lang sya sa kanilang lahat. Grabe, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Pero may dalawang taong nakakuha ng atensyon ko.

 

Si Shen na parang wala pa ring pakelam sa nangyayari sa living room na busy lang sa pagbabasa ng high fashion magazine at si Third na mag-isang nakatayo sa may pinto habang nakatanaw sa kumpulan sa living room.

 

"O gising na pala ang Casanova natin eh. Uuuuuyyyy!" -Mariko

 

"Kayo talaga. Hindi pa yata nagbbreakfast si Starr pinagkaguluhan nyo na" natatawa kong sagot saka pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Lumapit ako sa kanila na di maalis ang ngiti.

 

"Hindi parin kaya kami kumakain kakahintay sayo! Tapos si Starr lang ang inaalala mo. Nakakatampo" -Brea

 

"Hahaha. Maaga na nga akong nagising, Brea. Tara na sa dining room guys" agad kong tinabihan si Starr saka sinabayan sa paglalakad. "Did you sleep well?"

 

"Oo naman, Jared" nakangiti nyang sagot. Hindi pa kami gaanong nakakalayo ng marinig ko ang boses ni Doyp.

 

"Tara na kasi, Marie"

 

"Ayoko ngang kumain!"

 

"Sa payat mong yan nakukuha mo pang magdiet?? Sana naging model ka na lang instead na designer tsk" designer? Panong naging designer si Shen eh architecture ang kinuha nun nung college?

 

"Gusto mong ihampas ko sayo tong binabasa kong magazine?? Ayokong makasabay sa pagkain yung babaeng yun. Nakakawalang gana" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi ni Shen.

 

"Why are you always like that? Lagi ka na lang highblood pag nakikita ko. Can you at least pretend to be sweet? Puro kayo na lang ni Lantis ang magkasama sa Paris"

 

"Pwede ba, Oliver?? Wala akong panahon makipaglambingan sayo. Lalo lang akong naiinis pag nakikita kita!" nakita kong tumayo si Shen at iniwan si Doyp na napapailing na lang. Lumabas sya ng villa. Natabig pa nga nya si Third na nakatayo parin pala sa pinto pagdaan nya. Wala syang nagawa kundi sumunod na lang samin na papunta sa dining room para mag almusal.

 

"Hay naku si Marie. Lagi na lang ganyan" sabi ni Doyp pagdaan samin. Kami na lang pala ni Starr ang nakatayo sa may pinto ng dining room. "O Starr, Red...tara na. Wag nyo ng pansinin si Marie. Baka may jetlag pa"

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon