Ever After 57 - First Conversation

3.6K 64 6
                                    

Ever After 57

Shar's

Inis kong sinipa ang gulong ng rented car na dala ko dahil sa inis. Wala naman kase kong kotse dito sa Pilipinas at hindi practical kung bibili pa ko ng kotse kung three months ko lang gagamitin. I'm actually on my way to Rocketeer site. Isa sa mga project ngayon ni Shen. Sabi kasi ni babe puntahan ko na lang daw sya dun kasi busy daw sya the whole day at baka gabihin na sya ng uwi. Ngayon lang kasi sya nagrespond sa mga calls ko. Kaso ang swerte ko naman ata para maflatan pa kung kelan magkikita kami. Peste lang. Kayang kaya ko naman sanang palitan tong flat tire ko. Ang problema, wala namang toolbox dito sa rented car.

Nag-angat ako ng tingin sa langit at nakita ko ang malaking dilim. Pambihira, aabutan pa yata ako ng malakas na ulan pag di pa ko nakaisip ng paraan para makaalis sa lugar na to.

Pumasok ako sa kotse at kinuha ang phone ko. I dialled Lan's phone pero nakailang ring na ko, wala pa ring sumasagot. Napatampal na lang ako sa noo ng maalalang may recordings daw sila the whole day kaya sobrang busy sya. For sure hindi nya maririnig ang tawag ko. Pag minamalas ka nga naman talaga.

"Hello babe! Thank God you answer" relieved kong sabi ng sagutin ni Shen ang phone.

"On the way ka na ba? I was about to call you babe, naunahan mo lang ako. Uulan na kasi so babalik na ko sa office. Sasabihin ko sana na dun ka na dumerecho"

"Nasiraan ako babe. Can you come--hello?? Hello?!" pagtingin ko sa phone ko...battery empty. Wow. Ganun ako kaswerte talaga? Ni hindi ko man lang nasabi kay Shen kung san ako pupuntahan. Since naka off na ang phone ko, hindi rin gagana ang tracker. Hay. What am I gonna do?

Nagsimula ng pumatak ang ulan sa labas ng kotse kaya ano pa bang pwede kong gawin kundi maghintay dito sa loob. Inoff ko na lang ang aircon. Ang malas talaga kasi wala pa kong nakikitang dumadaang sasakyan. Kahit jeep man lang sana kaso hindi naman to main road.

I'm already waiting for about thirty minutes at palakas na ng palakas ang ulan. Rainy season na nga pala kaya laging umuulan. Halos papikit na ang mata ko sa antok ng makita ko ang headlight mula sa side mirror meaning, may paparating na sasakyan.

It's now or never. Kaya naman kahit malakas na ang ulan, kinuha ko ang jacket ko sa backseat at tinaklob sa ulo ko saka lumabas at hinarang ang sasakyan. I even closed my eyes kasi nagulat ata yung driver sa paglabas at pagharang ko na muntik na kong masagasaan.

Just my luck.

I slowly open my eyes and checked kung buhay pa ba ko. Yeah buhay pa naman ako. Konting konti na lang kasi yung pagitan ko at ng bumper. Dahil sa strong headlights, hindi ko makita ang tao sa loob. Walang bumaba sa sasakyan kaya lumigid ako sa passenger side at kinatok ang bintana ng tinted car. Binaba nya ang bintana and reveal that person na of all people hindi ko ineexpect na makita sa ganitong sitwasyon. Rain still heavily pours on top of the jacket I'm holding pero wala sa isip ko kung nababasa na ko ng ulan. I'm surprised. Absolutely.

"Starr?? Bakit ka nandito?" nabaling ang tingin ko sa boses ng babaing nagsalita. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na may kasama pala sya sa passenger side kung hindi ko pa narinig ang boses nya. Cause I'm stunned to see him. "Red! Ano ka ba? Buksan mo kaya yung pinto sa likod para makasakay si Starr!"

Derecho pa rin ang tingin nya sa harapan pero nakita kong pinindot nya lang yung lock para magopen yung pinto. Nakita ko pang nagroll eyes si Fia sa kanya dahil parang di man lang nya narinig ang sinabi nito. Yes si Fia ang kasama ni Jared ngayon sa loob ng sasakyan. The first time I see her again. The last time I saw her was back in Australia with Jared.

"Kung may balak kang maligo sa ulan sabihin mo lang" Jared said without looking at me. So ganito pala ang magiging first conversation ko with him after seeing him again. Agad naman akong natauhan dahil dun.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon