Chapter 8

24 3 0
                                    

Chapter 8

Crescent's POV

"Crescent! Crescent! Bumangon ka na nga dyan!"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko sa pagkakatulog at nilibot ito. Nakatingin silang dalawa sa 'kin si Luna at Ryanna. 

"Hays!" naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Luna sa ulohan ko. "Kanina ka pa namin ginigising! Ang himbing-himbing ng tulog mo dito sa sahig." sinabunatan niya ko ng malakas. "Oucccch" tinignan ko siya ng masama.

Tumayo kaagad ako ng maalala ko ang kalagayan ni Jhovz. Hindi na sana siya magkakaganito kung di dahil sa 'kin.

"S-si Jhovz? Gising na ba siya." tumayo kaagad ako para tignan si Jhovz kung okay na. Pero nakita ko padin siyang nakahiga sa kama ko nakahimlay at walang malay.

"Hindi pa siya nagigising." malungkot na komento ni Ryanna.

Hindi ko namalayan na sa sahig pala ako nakatulog. Bakit nga ba ako nakatulog sa sahig?

"Bakit kaba nakatulog dyan sa sahig?" nagtatakang tanong ni Luna sa tabi ko.

"Y-yung kwintas na bigay ni tita. Nawawala sa 'kin. Hindi ko alam kung nasaan na. Suot-suot ko pa yun pagpasok dito sa Mutant Academy. Kailangan ko mahanap yun." Nataranta ako bigla ng pumasok sa utak ko yung kwintas na bigay ni tita sa 'kin. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya na. Wag na wag mong tatanggalin yan sa 'yo kahit anong mangyari. Kaya hindi pwede mawala yun ng basta-basta.

"Kalma lang Crescent. Mahahanap din natin yan kwintas mo." Ryanna said and he gave me a encouraging smile.

Well sana nga mahanap ko kaagad yung kwintas na yun. Parang lahat na ng kamalasan na sa 'kin na. Hindi ko na alam gagawin ko. Ang daming gumagambala sa utak ko dahil sa nagawa ko kay Jhovz na hanggang ngayon walang malay at yung kwintas na bigay ni tita. Kailangan ko magpahangin saglit..baka sakaling mabawas at kumalma ang mga tumatakbo sa utak ko.

Hindi ko alam kung anong schedule ko sa klase. Wala pang binibigay si Ms.Fria na schedule sa 'min dalawa ni Luna.

"Yung schedule namin ni Luna? W-wala bang nasabi si Ms.Fria?" tanong ko kay Ryanna na nasa tabi ni Jhovz.

"Hindi ko alam. Hindi pa siya pumupunta dito." sagot niya.

"Kayo? Wala ba kayong pasok?" asik ko habang papunta sa bintana.

"Wala. Puro kami trainings puro this coming Maze Runner and Guild Tournament."

Tanaw dito ang fountain sa labas at mga istudyante na naglalakad at naka-upo sa mga bench.

"Maze Runner? Guild tournament?" nagtatakang tanong ko.

"Lahat ng top10 na guild sa Mutant Academy ay maglalaban-laban. Anim na miyembro lang ang kasali bawat guild at ang mechanics sa Maze Runner kung sino unang makahawak ng Black-lamp siya ang mananalo. At ang Guild tournament naman ay dalawang miyembro lang ang pipiliin sa bawat guild. Randomly sila ang pipili kung sino ang dalawang ilalaban sa bawat guild. Per kill is 10pts. At kung sino ang may pinaka-maraming points o mapapatay siya ang mananalo. Tradisyon na kasi 'to sa Mutant Academy every-year itong ginagawa." pagpapaliwanag ni Ryanna.

Hindi ko kinaya yung mga narinig ko mula kay Ryanna. Per kill is 10pts. at kailangan talagang pumatay? As in pumatay ng tao? Never kong gagawin yun.

"Pag nanalo sa Maze Runner? Anong prize?" tanong ko. Hindi ako satisfied sa sinabi niya.

"Wala! Walang prize. Once na mananalo ka sa dalawang games na yan masasali ang guild niyo sa Top10 lists. Ang gusto lang naman ng iba popularity. Gusto lang nila sumikat sa school."

Mutant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon