Chapter 1

74 8 0
                                    

Chapter 1 

Crescent's POV

Napaka-sariwa talaga ng hangin dito sa kabundukan. Baka sa pag-pasok ko sa Mutant Academy hindi ko na ulit 'to magawa.

"Huuuy! Nandito ka lang pala." Nanlaki ang mga mata ko sa Babaeng 'to, hindi ko manlang naramdaman na papunta na siya dito.

"Oo. Saan paba pede pumunta?" Sabi ko sa sarkastikong tanong at tinitigan ko ang mga mata niya. Ma m-miss ko talaga 'tong babae na 'to.

May Bestfriend na nga ako may kapatid pa.

Humiga din si Luna at tumabi sa 'kin. Gumilid siya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Bess. Sa pagpasok mo ng Mutant Academy lagi mo 'kong bisitahin dito a." Asik niya.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at gumilid sa kanya. Ramdam na ramdam namin ang malamig na hangin.

"Oo naman Bess."

Hinawakan ko ang pisnge niya at tinampal ng di kalakasan.

"Araaaay!"

Hinawakan niya din ako sa mukha, pero di niya ako tinampal.

Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya.

"Bess. Bukas na bukas gagawa ako ng baon mo pagdating mo sa Mutant Academy at gusto ko kainin mo lahat 'yun."

Bumitaw siya sa pagkakayakap pati din ako.

"Oo naman Bess. Promise."

Napaka-caring talaga ni Luna kahit kanino maski sa mga pamilya niya pati din kay Mama.

*Ssssss-Ssssss*

"Bess! Naririnig mo ba 'yun?" Kinabahan ako sa narinig ko, i know na ahas yun.

"Oo Bess."

Tumayo kami ni Bess sa pagkakahiga, nakita namin ang isang Ahas na papunta sa direksyon namin.

Napa-paused kami at pinagmasdan lang namin 'to habang papunta sa 'min, pero ako nasa likod niya lang ako. Mamaya matuklaw pa ako niyan.

"Wag kang gagalaw Bess." At hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Napakagat ako ng labi ko dahil naramdaman ko na nasa paa ko na yung Ahas. Hindi rin namin magamit ang Ability namin dalawa dahil hindi rin naman effective.

Naka-steady lang kami sa kinatatayuan namin hangga't patuloy padin ang pag gapang ng ahas papunta sa isang direksyon.

"Bess! Wag kang gagalaw!"

Nanginginig na ang mga tuhod ko, napaka-haba ng Sawa na 'to at napaka-laki ng tiyan siguro k-katapos lang kumain.

Bumuntong hininga siya ng malagpasan na kami ng Ahas, mabuti na lang hindi kami natuklaw.

"Sh*t! Pinagpawisan ako dun a." Sabi niya at pinunasan ang mga tumatagaktak na pawis.

At ako hindi padin makagalaw sa kinakatayuan ko.

"Huuuy! Bess! Wala na, pwede kana gumalaw."

Bumuntong hininga ako at tinignan kong saan direksyon papunta yung Ahas na yun.

"Hindi ko kinaya yun! Paano pa kaya sa Mutant Academy? Baka kung ano-ano ipagawa sa 'min duon."

Napaupo kami sa mga damuhan at tinitignan ang Mutant Academy na napapalibutan ng matitirik na puno at isang ilog.

"Bess! Ikaw na lang kaya pumasok sa school na 'yun? Tutal ang Ability mo naman ay Shape-shifter".

Kaya ni Luna mang-gaya ng ibat-ibang mukha. Kaya malaki ang tulong ng kanyang Ability sa kanyang pamilya, dahil nagagamit niya ito tuwing bumibili kami sa kabilang bayan. Ginagaya niya si Aling Selina isang may-ari ng sikat na tinapayan sa kabilang bayan, kaya kahit anong gusto kong tinapay nabibigay niya pati na din sa pamilya niya.

Mutant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon