Chapter 11

22 3 0
                                    

Chapter 11

Crescent's POV

Nang makarating kami sa training room nangatog ang katawan ko dahil sa dami na mga Mutant na nag t-training. Kitang-kita ko ang ginagawa nila na pagsuntok at pagtadyak ng malakas sa hangin. Ang mas kinagulat ko ay ang mga kakaiba nilang mga ability. Napansin ko din na may mga pangalan ng guild sa taas ng training room.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa examineer nila na si Angie Helles. Buti na lang lagi kami nag iisparing ni Lun sa gilid ng bahay namin. Sabi kasi ni tita na mas maganda na may kasanayan sa physical combat kahit na isa kapa din Mutant. Kaya kahit papaano may karanasan ako pero di pa din  nawawala ang nerbyos.

"Nanlalamig ka ata Crescent?" aniya Ryanna at tinignan ako.

Nahalata ni Ryanna na medyo di ako kompartable habang naglalakad at galaw ng galaw.
Papunta na kami sa training room ng Lion Souls Guild at halata na kinakabahan ako. Bumuntong hininga ako ng pumasok na loob ng training room.

"Hello Girls." aniya Jhovz sabay kindat. "So sino ang unang sasalang sa inyong dalawa?"

Nanlaki ang mata ko pagpasok sa loob ng training room bumungad ang mga mukha nila Jhovz at Angie. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at bigla ako nakaramdam ng nginig sa katawan.

"A-aah, Ako na lang!" asik ni Luna na medyo nahihiya-hiya ang boses.

Nakakatakot ang mga tinginan sa 'kin ni Angie para akong lalamunin.

"Galingan mo Luna ah." Aniya Jhovz habang umalis na sa kinatatayuan niya malapit kay Angie.

"Pero paano namin malalaman kapag natalo namin si-" at tinignan ko si Angie. Nahihiya ako banggiting ang pangalan niya.

"Kapag may dugong lumabas sa katawan ko." Simpleng sagot ni Angie at ngumisi.

"Yun lang pala e. Basic." bulong ni Luna sa tabihan ko.

Nilibot ang mata ko sa training ko at nahagip ko sila Zaire at Clint na naka-upo sa dulo habang naka-tingin lang sila sa amin nila Luna.

Ibinaling ko din ang mata ko kay Angie na medyo iritado ang mukha o sadyang ganyan talaga ang mukha niya? May kakaiba sa mga mata niyang mapupula. Hindi ko alam kung anong meron dito pero tiyak ako di pangkaraniwan ang kaya niyang gawin.

"Tara Crescent doon muna tayo kala Clint." aya ni Jhovz at naglakad kami papunta kala Clint.

Sa loob ng training room na gawa sa isang buong malaking salamin at wala na kahit anong bagay kundi ang upuan lang na kinauupuan namin ngayon nila Jhovz, Clint, at Zaire. Mahaba-haba din naman ang upuan kaya hindi kami siksikan.

"Sana makapasok kayong dalawa sa guild namin." asik ni Clint at ngumiti ng malapad.

"Sana." asik ko at biglang nahati ang training room sa dalawa kung saan si Angie at Crescent lang ang nandoon.

"Anong nangyari?" tanong ko.
Sunod-sunod ang kalabog ng puso ko dahil sa nerbyos.

Napagtanto ko na wala na naman si Ryanna.

"Nag-uumpisa na sila magpatayan." sagot ni Clint.

Bali ang pwesto namin sa upuan ay Jhovz, Ako, Clint at Zaire. Ganito ba talaga 'to katahimik si Zaire parang kahapon lang kinukulit ako. Sa bagay hindi naman kami close para pansinin niya ako. Pero nakakapagtaka lang.

I chuckled. "Baliw." asik ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.

Napansin ko din ng mahati ang training room sa dalawa kung saan nakikipag-dwelo na si Luna at Angie. Kami naman nila Jhovz na naka-upo at naghihintay ng resulta. Nagkaroon ng harang sa labas kaya hindi na namin nakita ang mga dumadaan.

Mutant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon