Chapter 3

44 5 0
                                    

Chapter 3

Crescent's POV

Tanaw ko na ang bahay namin at kitang-kita si tita na may kausap na isang babae at tatlong lalaki. Sino naman kaya yun?

Kaya nagmadali na ako papunta sa bahay. Nang makarating ko nanlaki ang mga mata ng makita ko sila sa pintuan. Medyo basa-basa padin ako.

"A-aah..ako ba yung hinahanap niyo?" sh*t! Kinabahan bigla ako.

"Crescent..nandito na sila para sunduin ka papunta sa Mutant Academy." lumapit sa 'kin si tita at niyakap ako ng mahigpit "Ingatan mo sarili mo duon at wag ka magpapalipas ng gutom." she muttered. At inalis ang pagkakayap niya ng may nakita akong luha at agad niya din itong pinunasan.

Kala ko ba mamayang gabi pa ang alis ko? Ang aga-aga pa at kung aalis ako ngayon kailangan ko muna mag-paalam kay Luna.

"B-bakit? Napaka-aga naman? Kala ko mamayang gabi pa?" kumonot ang nuo ko habang sinasabi ang mga tanong na 'yan.

Ayoko pa. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako nakakapag-impake ng mga damit. At ang..at ang suot ngayon parang ewan.

"Pero Crescent andyan na sila para sunduin ka. Akala ko nga din mamayang gabi pa." pagpapaliwanag ni tita.

Parang kami lang tao dito sa bahay, nanunuod lang sila sa 'min habang nag-uusap kami ni tita.

"P-Pero? Hindi pa ako nagpapaalam kay Luna? Hindi ako pwede umalis ng hindi nagpapaalam." umupo ako saglit sa bakanteng upuan at tinalikuran sila.

"Pwede ka naman mag-paalam girl at hindi ka naman namin minamadali sa pagpasok sa Mutant Academy" biglang may nagsalita na malamya ang boses.

Bigla akong napaharap sa kanila. Hindi naman pala minamadali eh..eh di mamayang gabi na lang.

"Crescent.." napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Luna na nahalatang nagulat.

Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit na mahigpit yung tipong hindi na siya makakahinga.

"A-araaaay..bitiwan mo nga muna ako." inaalis ko kaagad ang pagkakayakap at may tumulong mga luha sa mga mata ko.

Habang sila nakatingin lang sila sa 'min ni-isa walang umiimik.

"B-bakit? Bakit ka umiiyak aalis kana ba?" nagtatakang tanong niya.

"Oo." tipid ko sagot. Wala man lang akong nakita na anong reaksyon sa mukha niya.

"Tara na! Mag impaki lang ako." sabi niya at tumalikod sa 'min pero hinila ko ang kamay niya para pigilan.

Anong pinagsasabi nito ni Luna? Baliw lang?

"No need na..may mga gamit na kayong dalawa duon sa Mutant Academy wala na kayong dapat alalahanin." sabi ng isang girl na napaka-ganda at sobrang puti at may violet hair na naka-lugay.

Ganun na ganun din ang suot nila pero may letter "L" nga lang sa damit its means taga Leona sila. May mga parte kasi sa mga bayan na parang village kung saan duon nakatira ang mga mayayaman at may mga kaya sa buhay.


"A-anong dalawa?" kumunot ako sa sinabi niyang dalawa? Eh ako lang naman mag-aaral duon.

"Bakit Bess? Ayaw mo ba 'kong kasama sa Mutant Academy?" sabi niya at kinindatan ako.

Tinignan ko si tita sa kaliwa ko at nakita ko siya nakangiti sa 'kin na parang p-predict na niya ata ang sasabihin ko.

"Oo Crescent dalawa kayong mag-aaral sa Mutant Academy."

Mutant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon