Chapter 12

23 1 0
                                    

Chapter 12

Crescent's POV

Pagkatapos ng dwelo nila ni Luna at Angie ay bumalik si Ms.Fria at sinabi na bumalik na sa mga room namin, kaya wala kaming nagawa kundi sundin iyon.

Nauna kaming bumalik ni Luna sa room namin samantalang sila Clint ay inalalayan si Angie paakyat sa hagdanan. Kasunod lang din namin sila.

"Kala ko hindi na masakit. Akala ko lang pala." Aniya Luna habang paika-ika mag-lakad papunta sa room namin.

Di ko alam sa babaeng yan sabi niya fully recovered na daw siya tapos pag tayo bigla daw ulit nanakit yung binti niya.

"Dami mong alam. Tara na nga! Bilisan na natin." Angal ko sa kanya. Para kasing nag-iinarte na lang siya. Ang panget gumanap.

"Grabe ka naman Bess hindi ka mabiro." biglang umayos yung paglalakad niya ng malagpasan ng na kami nila Clint dahil iba na ang way nila sa 'min. Kami lang dalawa ni Luna ang ibang building at sila ay pare-parehas na nasa Gideon building. 

I knew it nag-iinarte nga lang talaga siya kanina ,pero for what? Kanina kasi pag-akyat namin sa hagdanan nag ika-ika siya ng lakad pero di ko alam kung para saan. At ito naman si Clint tinulungan si Luna hanggang makaakyat sa floor namin. Baka crush ni Luna si Clint?

"Bess!! Ano 'to?!" Nagulat ako ng may nakita akong tattoo sa taas ng kamay niya na kagaya sa tattoo na pinakita ni Ms.Fria sa amin.

Sa wakas nandito na din kami sa munting kwarto namin. Nahiga ako kaagad. Kala mo talaga napagod? Nanuod nga lang ako e.

"Diba ganyan yung tattoo ni Ms.Fria sa braso niya?" Napabangon ako sa kinahihigaan ko at pinagmasdan ang tattoo niya na light-purple ang kulay. Parehas na parehas sila ng tattoo ni Ms.Fria na Lion na galit ang mukha na nakakanganga at may korona.

"Ay!! Oo nga pala nu? Diba sinabi na niya sa 'tin 'to noong sinamahan niya tayo sa canteen?" Aniya at kiniskis ang tattoo niya. Abnormal talaga!

Naalala ko yung sinabi sa 'min ni Ms.Fria na lahat ng may guild may kanya-kanyang tattoo na depende sa sinalihan mong guild. Nainggit naman ako kay Luna official na talaga na miyembro na siya sa Lion Souls Guild. Pero ako wala padin.

"Wooow!! Nakakainggit ka naman Bess. Isa kana talagang ganap na miyembro ng Lion Souls Guild at nasa top2 pa yung guild mo. Sana ako din." Paghihimotok ko sa kanya dahil sa tattoo niya na kinakainggitan ko ngayon.

"Don't worry kaya mo yan." aniya at ngumiti ng di kaaya-aya. Yung ngiting akala mo natatae? Ganun.

"Wait bess! Ano ba ability ni Angie?" Tanong ng bigla ako na curious kung anong kakaiba sa mga mapupula niyang mata.

Pagkatingin ko kasi kanina sa mata ni Angie alam ko may kakaiba talaga sa kanya. Yung ayos pa ng hair niya na naka puson kaya kitang-kita ang mata niyang pulang-pula.

"She's not ordinary mutant." nanlisik ang mata ni Luna sa 'kin. "Yung mga mata niyang mapupula ang mapanganib."

Hindi ko ba alam kung saan pinaglihi 'to si Luna eh. Pero ang alam ko mag ka age kami. Pero bakit isip bata 'to. Kaya minsan hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga pinagsasabi niya o hindi. Pero sa tagal na namin na pagsasama since bata pa lang kami ay alam ko na yung ekspresyon ng mukha niya kapag malungkot, o di kaya nagsasabi siya ng totoo. We're bestfriends kaya wala sa 'min ang nagtatago ng lihim. At kung meron man ay nalalaman din kaagad namin isa't-isa. Di ko din alam, alam niya din sa ekspresyon ng mukha ko kapag nagsasabi ako ng totoo o hindi.

"Ayosin mo kasi." This time kumunot ang nuo ko habang nanlilisik ang mata niya sa 'kin.

"Hindi Bess. Totoo nga yung sinasabi ko. Hindi ordinaryo si Angie. Pero wala eh. Natalo ko siya. Ikaw ba naman gayahin mo si Ryanna at Jhovz." Natatawang sabi niya at inihagis ang unan niya sa 'kin. Ang Hangin talaga!

Mutant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon