Chapter 9

24 3 0
                                    

Chapter 9

Crescent's POV

Umakyat na kami ni Clint papuntang clinic. Ramdam ko padin yung sakit sa wrist ko dahil sa ginawa ng Zaire na 'yun.

"Crescent and Clint! Saan kayo pupunta?" pinagmasdan kaming dalawa ni Ms.Fria pagkakita sa amin. "A-anong nangyari sa wrist mo? B-bakit nagkaganyan?" tinitigan niya yung wrist at ngumiti na lang ako.

"Sasamahan ko nga po siya sa clinic para matignan niyo." Asik ni Clint sa tabihan ko.

Oo nga pala healer si Ms.Fria at sana gumaling din 'to kaagad.

"Papunta na din sana ako sa room ni Crescent para kamustahin si Jhovz. Crescent doon tayo sa room niyo ako na bahala dyan." Naglakad si Ms.Fria papuntang room namin ni Luna at sinundan din naman namin ni Clint.

"Masakit pa rin ba?" Tanong ni Clint.

Oo masakit. Hayup kasi yung kaibigan mo sadista. Sarap bangasan ng mukha.

"Hindi na." I lied.

Binuksan na ni Ms.Fria ang pinto at sobrang saya pagkakita na gising na si Jhovz at agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Jhovz! Salamat! Buti nagising kana." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Oo nga e. Pag-gising ko parang walang nangyari. Parang natulog lang ako." Tumawa siya. Kitang-kita sa mukha niya na magaling na talaga siya.

"Buti naman effective ang paggamot ko sa 'yo. Inutusan ko pa yung mga butler para kumuha ng mga herbs sa labas ng school." Asik ni Ms.Fria at naupo sa gilid ko.

"Buti na lang magaling kana Jhovz." bati ni Clint kay Jhovz.

"Oo nga eh." tumayo si Jhovz at tinaggal ang badge sa uniform niya.

"A-anong gagawin mo?" Nanlaki ang mata ni Ms.Fria sa ginawa ni Jhovz. Pati kaming dalawa ni Clint nagulat sa pagtanggal ng badge niya.

Lumutang ang isang flower-base sa table ko na tinititignan niya at inihagis sa labas ng bintana.

"Jhovz! Ano bang ginagawa mo?!" tanong ni Ms.Fria.

Umupo na ulit si Jhovz sa tabihan ko.

"Trinay ko lang naman eh." Simple sagot ni Jhovz.

Nga pala? Nasaan si Ryanna? Baklang yun kung saan-saan pumupunta!

Sana ganyan na lang din yung ability ko Telekenesis. Eh di sana kaya ko pagtripan si Zaire at ilampaso kahit tinitignan lang. Kaso hindi eh.

"Crescent akin na yung wrist mo." asik ni Ms.Fria at inilapit ko sa kanya yung namumula hanggang ngayon na wrist ko. Bwisit na Zaire yan.

Unti-unting nagliwanag ang kamay ni Ms.Fria at itinapat sa wrist ko. Wala akong nararamdaman na kahit ano habang ginagawa Ms.Fria.
Maya-maya ay nawala yung hapdi na nararamdaman ko.

Hindi nagsalita si Ms.Fria at pagkakita ko sa wrist ko nawala ang bakas ng palad ni Zaire wala na din akong nararamdaman na pangingirot. Astig ni Ms.Fria sana ganyan din ako para kapag may nangyaring masama kay tita ganun lang din kadali gamutin.

"Salamat ma'am." pasasalamat ko kay Ms.Fria at niyakap siya ng saglit.

"By the way guys. Ang sabi ni Sir.Gideon ay pinapahinto na ang Maze Runner at Guild Tournament."

Halatang nagulat si Clint sa naka-upo sa tapat ko at napalingon sa 'min ni Ms.Fria.

"B-bakit daw ma'am?" Tanong ni Jhovz at Clint.

"Hindi ko alam. Mamayang alas tres ng hapon papatawag lahat ng istudyante sa Syndrea room may mahalagang iaanounce." tumayo na si Ms.Fria.

"Ms.Fria? Yung schedule po namin ni Luna?" Tanong ko bago pa siya makalabas ng pinto.

Mutant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon