Jennifer POV
Alam mo yung tipong gusto mo ng sumuko pero may isang bagay na pinipilit kang lumaban kahit alam mo nang wala ng chance.
Diko alam kung ano ba paba ang kulang para maibalik ang dating samahan namin ni channing, Ang sakit lang kase na kahit anong gawin ko wala parin eh. Sya mismo lumalayo sakin. Pero kasalanan ko naman diba?
Ngayon alam ko na ang feeling na iwasan ka ng taong gustong gusto mong makasama.. Sobrang sakit pala, Pero wala naman akong magagawa mahal ko sya...
Maya maya ay naisipan ko nalang pumunta sa mall.... Well Sunday ngayon, wala naman akong gagawin eh..
Pumasok ako sa luob ng bahay para kuhain yung susi, 4 days ng wala dito sa bahay si channing. Di man lang sya nagpaparamdam sakin kahit tawag o text man lang wala. Diko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya sa paris.
Tinignan ko yung drawer ko, Kinuha ko yung susi ko. I will gonna go to mall, I need to relax ...
Nakakabaliw sa bahay pag mag isa ka lang... Ayaw ko namang guluhin si audrey kase nagfofocus ngayon sa businesss nya. Si Cara naman ganon din..nagkaruon kase ng problem sa company nila kaya focus lang din sya sa work.Si mommy at daddy naman Pumunta ng palawan yesterday, Ayoko namang tawagan si phoebe nahihiya ako kahit gusto nitong makipag close saken...
Hays! No choise. Ako lang mag isa ngayon
While im driving, Napadaan ako sa condo ni channing.. Hindi ako pwedeng magkamali! Si channing yon. Bakit di man lang nya ko tinext na nakabalik napala sya!
Nag park ako at sinundan si channing na papasok sa condo nito. Diko na sya tinawag kase nahihiya naman akong sumigaw dito. nakasakay na ito ng elavator. Ugh! Sumakay din ako sa kabilang elevator.
Paglabas ko ng elevator dumaretso agad ako sa condo ni channing
Namiss ko sya!!! Ayain ko nalang sya lumabas today. or lutuan ko nalang sya ng food sa condo nya hehe
Nakita ko na si channing na binuksan yung pinto ng condo nito tapos tatawagin ko na sana kaso nagsalita ito, May tao sa luob?
"Ohh there you are baby" nagulat ako ng babae ang nagsalita tapos lumabas... Naka bra lang yung girl at naka underwear! Hinalikan ito ni channing kaya lalo akong nagulat,...
Ewan ko kung anong ginagawa ko! Nakatingen lang ako sakanila... Ang sakit! Sobrang sakit.
Nang makapasok na ang dalawa di parin ako umaalis sa kinatatayuan ko.... napasandal nalang ako sa pader, nahihirapan akong huminga. Diko alam kung ano itong nararamdaman ko.
Matatanggap ko pa na hindi nya pinaalam na nandito na sya eh kaso yung nakita ko. may ibang babae sa condo nya! At kahalikan pa.
BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance (SHORT STORY)
Romance"You make me fallinlove each and everyday whenever you look at me... specially the way you smile" So kikiligin naba ko? Isang Pervert ang nagsabi nyan! Lol. Ewan ko kung dapat nga ba syang paniwalaan! Buong buhay ko diko pinangarap na mag asawa ng g...