Jennifer POV
"nahihirapan nako cara, ano ba dapat kong gawin?" tanong ko kay cara. Andito kami ngayon sa restaurant ko. kakauwi nya lang kahapon. Kase sinabi ko ang nangyari kay mommy tapos yung kasal nga.
Kinwento ko lahat dito pati tong abnormal kong nafefeel para kay channing
"Alam mo jen, wala namang masamang mainlove eh. Kaso once na pumasok ka sa relasyon na ganyan, Siguraduhin mo lang na handa kang masaktan. Hindi ka mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan" Seryosong sabi saken ni cara.
Si cara, marami ng experience sa ganito, ako kase ngayon palang eh.
kaya diko alam kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko.
"Wala namang masama kung susubukan mo diba?" nakangiting sabi ni cara saken
"Alam mo cara, Kung ako lang ang tatanongin... Susubukan ko talaga syang mahalin, susubukan ko talagang ayusin ang lahat kaso si channing eh. Mukang ayaw na nya...." nakayuko kong sabi dito
"susubukan mo syang mahalin o minamahal mo na sya kaya natatakot ka kase baka di ka mahal ni channing tulad ng nararamdaman mo para sakanya?" Napapikit ako sa sinabi ni cara. Diko alam kung ano ba talaga ito. Ayaw kong pangunahan ang sarili ko
"Hindi ko alam cara. I dont know! nalilito pa ako" pag amin ko dito
"Andito lang naman ako for you eh. As always!" sabi nito at yinakap ako.
teka. iba ang pag akto ngayon ni cara ah! sa sobrang pagproproblema ko sa buhay ko diko na alam ang kay cara.
"Eh ikaw? May problema ba?" tanong ko dito. Umayos ito ng upo at ngumiti kaso namuo ang luha.
Shit!!!!! Agad kong yinakap si cara ng umiyak ito.
"Ano bang nangyare?" nag aalalang tanong ko dito
"Wala eh. Wala na talaga kami ni alex. sinundan ko pa sya sa paris pati sa new york kaso jen wala na talaga... Ayaw na nya saken ayaw na nya kong balikan.. Ang tanga tanga ko!!!!!" umiiyak nitong sabi
Ngayon ko lang nakitang nagseryoso si cara sa lalaki. At tanging kay alex lang ito nagkaganito ng sobra
Maganda si cara, sexy,matangkad,At sobrang ganda. Almost perfect
Kaya hindi ito nawawalan ng lalaki sa buhay nito. Pero nung dumating si alex, Ang laki ng pinagbago ni cara. Dati rati gabi gabi ito sa bar at naghahangout kasama ang ibat ibang lalaki. Bad girl in short
pero magmula ng dumating si alex. Lahat nagbago. Oo umiinom parin kami ni cara sa bar pero limitado na. Lagi nang nasa work si cara, Periority na nito ang kumpanya nila at loyal ito kay alex.
BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance (SHORT STORY)
Romansa"You make me fallinlove each and everyday whenever you look at me... specially the way you smile" So kikiligin naba ko? Isang Pervert ang nagsabi nyan! Lol. Ewan ko kung dapat nga ba syang paniwalaan! Buong buhay ko diko pinangarap na mag asawa ng g...