Jennifer POV
Nagising ako sa sinag ng araw, as always ang laging gumigising sakin. Tumingin ako sa tabi ko, Oo nga pala nasa kabilang kwarto nako at di na katabi si channing. Nakakamiss tuloy kaingayan ng lalaking yon!!
Tumayo nako at naligo, Nasa kabilang kwarto yung mga gamit ko so pumunta ako don na naka tuwalya lang
Pagpihit ko ng door knob nakalak! Putcha naman oh. Bakit ba sya naglalock!!!!
Kumatos ako ng malakas para buksan nito. Kaso walang sumasagot
Napapano ba sya!!! "Channing, Nanjan yung damit ko buksan mo to!" Nakakainis na kase sya eh. Sobra na sya saken.
Maya maya bumukas na yung pinto. Napahinto yung mata ko sa abs nya!! grabe ang laki. Katatapos ko lang maligo pero pinagpapawisan nako. ang hot nya!!
"what are you waiting for! get your clothes then leave" napabalik ako sa katinuan ko ng magsalita ito
umiling iling ako para bumalik ako sa katinuan ko tapos pumasok nako para kumuha ng mga damit na susuotin ko habang namimili ako nagsalita nanaman si channing
" Kunin mo na lahat ng gamit mo sa kwarto ko. Ayoko ng may kasama dito!" Ano daw? aba! Abnormal to ah
"Ano bang problema mo!! bat kaba ganyan saken, Kung nagagalit ka saken okay sige! SORRY ! hindi ko ginusto lahat yon. diko ginusto ang lahat ng nangyare. di mo kailangang magbago dahil lang sakin!" Napupuno nako!!! Kaasar ah.
"Jennifer Hindi ako nagbago. Ganito talaga ako una palang" seryosong sabi nito at umupo sa kama
"Hindi ka ganyan eh!!!!! channing naman wag naman sana ganito. di ako sanay eh! di ako sanay na magigising sa umaga na walang channing na nagluluto sakin ng breakfast! di ako sanay na tahimik ka. di ako sanay na di mo ko kinukulit, di ako sanay sa ganitong set up... di ako sanay na dimo ko pinapansin. at lalonng di ako sanay na tinatawag moko sa buong pangalan ko" nakayuko kong sabi dito. Di ako yung tipo na tinatago sa sarili yung gustong sabihin. Ayoko kase ng ganon, pag kinimkim ko mas lalo lang ako masasaktan. Atleast tinry ko diba.
"Masanay kana" sabi nito at iniwan akong nakayuko duon. Sakit lang eh!
Di pa ko sigurado sa nararamdaman ko. Ayokong pangunahan yung sarili ko, Basta ang alam ko mahalaga si channing sakin. Wala kong pake kahit sya pa yung batang hinahanap ko nuon pa man. Kahit di sya yung batang yon mas importante parin si channing sakin.
nagbihis nalang ako tapos lumabas na, naabutan ko naman si channing na nanunuod ng TV
Grabe. Laki ng pinagbago nya.
pumunta ako sa kusina para magluto ng breakfast.
______________________________
Channing POV
Kahit naman bumalik ako sa dati kong ugali wala parin naman pakealam si jen eh. Sya na mismo nagsabi non kay shone. dinig na dinig ko!
Ang hirap iwasan ng taong gustong gusto mong kausapin. Kaso wala akong magagawa. Alam ko naman na una palang galit at ayaw na nya sakin ako lang tong nagpupumilit. ginamit ko pa ang resort na to para pumayag ito sa kasal,
Una palang alam kona na sya si jen na matagal ko ng hinahanap. Ang batang nakasama ko nung iniwan ako dito sa pilipinas ng magulang ko at ni shone
nakilala ko si jen nung nasa park ako, Dun kase lagi kami pumupunta ng family ko, hanggang sa diko na napigilang maiyak nuon kase namimiss ko ang family ko.
Iniwan nila ko dito sa pilipinas tapos si shone sinama nila. 4 years old lang ako! isang bata. Iniwan nila sa lolo at lola ko? anong klase yon diba!
Nainis ako kay shone kase di man nya pinilit si mommy at daddy na isama ako, iniwan nya ko
Si shone yung pinaka una kong bestfriend. halos di kami mapaghiwalay magkapatid kaso isang araw iniwan nalang ako nito. Tapos dun ko nakilala si Jen, Bulol pa ako nuon. Chan ang nickname ko pero dahil bulol ako shan ang nasasabi kong pangalan kay jen kay shan na ang tawag nito saken
Kaso nung mag 5 ako dinala narin ako sa states ng parents ko kaya dun nako lumaki at nag aral tapos nung makapagtapos ako ng pag aaral i decided to go back to the philippines with my parents but shone decided to stayed at america.
well i dont care about him at all.
bumalik lang ako ng bansa dahil kay jen, Hinanap ko ito at ng nahanap ko sinigurado ko na maibabalik kami sa dati.. At pinlano ko na ipakasal sya sakin, I told to my parents that i want to get married since iyon naman ang gusto nila saken dahil masyado daw akong seryoso sa buhay. Yeah i had a few girlfriends before but it didn't work out. Si jen lang kase ang gusto kong makasama
Kaya kinausap ko yung family ko na ipagkasundo ako sa Anak ng nila Mrs Costanza. Matagal ko ng alam kung nasan si jen. Well ka business partner ng parents ko ang parents ni jen which is nakahelp ng todo para mapaglapit kami sa isat isa
nalaman ko na gustong gusto bilhin ni jen yung resthouse namen kaso ayaw ng parents ko dahil punong puno ng memories yon. Tapos ayon ako nalang ang nagpasya na bilhin yon sa mismong parents ko para kay jen.
Sinabi ko lang sa parents ni jen na sabihin na sila ang bumili at hindi ako
tapos yung time na magkikita na kami ni jen. Diko napigilang halikan sya
sobra ko syang namiss, tsaka iba sya! grabe nag iinit ako kapag nakikita ko syang nakatingen saken ng deretso . Parang naaakit ako! sobrang attractive ako kay jen.
Kaya kahit sobrang taray nito sakin diko nagawang mainis, natutuwa pa nga ako pag tinatarayan ako nito kahit sobrang sakit na nito magsalita natitiis ko parin. Kaso nung dumating si shone nabago ang lahat nakakainis!
Ang hirap iwasan ni jen, kaso wala nakong magagawa sakanya na mismo nanggaling ayaw naman nya talaga ako att wala syang pakealam sakin. Siguro kung hindi ako si shan na dating batang nakalaro nya hindi nya ko kakausapin ngayon at siguro magiging masaya ito sa paglayo ko
Narealize ko na bakit koba ipagpipilitan ang sarili sa taong ayaw naman sakin diba
Mahal ko sya pero kaylangan ko na syang pakawalan. Ayokong hawakan ang disisyon nya
_______________________________
BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance (SHORT STORY)
Romance"You make me fallinlove each and everyday whenever you look at me... specially the way you smile" So kikiligin naba ko? Isang Pervert ang nagsabi nyan! Lol. Ewan ko kung dapat nga ba syang paniwalaan! Buong buhay ko diko pinangarap na mag asawa ng g...