Matapos naming magpakasaya sa La Union, pagiging busy naman ang sumalubong sa aming dalawa ni Xian ng umuwi kami. Marami kasi syang naiwan na trabaho ng umalis kami.
" Terrence natapos muna ba ang pinapagawa ko? " napatingin ako kay chuckie na nakatayo sa may harapan ko.
Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. " Pinagawa mo? " takhang tanong ko.
Kita ko sa mukha nya ang pagkadismaya sa sinagot ko. " Yung mga report na pinapahingi ko sa iba't-ibang department. Kailangan ngayon 'yon para sa general meeting ng mga board members. Gosh Terrence! " sabi nya.
Oo nga pala! Sa rami kasi ng ginagawa ko, hindi ko na naalala. " Sige kukuhanin ko na ngayon " saad ko sa kanya kaya tumango lang sya.
Grabe! Di pa rin kasi ako makaget-over sa mga nangyari sa may La Union. Balak pa namin ni Xian na pumunta sa Korea next month kaya excited ako.
-
Matapos ang maraming gawain, napagpasyahan ko ng umuwi dahil ramdam ko na ang pagod sa buong maghapong trabaho. Mabuti na lamang dumating si Manong taxi kaya nakasakay ako kaagad. Hilot hilot ko ang ulo ko dahil sa pananakit nito.
" Sir ayos lang po ba kayo? " tanong ni Manong.
" Oho. Napagod lang po sa trabaho. Ang rami po kasi naming inasikaso " sagot ko sa kanya.
" Naku magpahinga po kayo. Namumutla po kasi kayo " sabi pa nito pero ngiti na lang ang sinagot ko.
Nakarating ako kaagad sa condo building kaya nagbayad na ako at bumaba sa taxi. Pinilit kong maglakad ng maayos hanggang sa makarating ako sa unit ko. Inenter ko ng passcode ko tsaka pumasok sa loob ng mapahawak ako sa pader dahil biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng madiin ang mata ko baka sakaling mawala pero mas lalong lumala dahilan para matumba ako sa lapag.
Hinang-hina ako at napakasakit ng ulo ko na para bang binibiyak. Pinilit kong tumayo para kuhanin ang gamot ko sa sakit ng ulo pero wala na talaga akong lakas.
***
Napadilat ako ng mata at napansin ko na nakahiga na ako sa kama ko. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng makita ko si Xian na nakapangbahay na.
" Ayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong nya sa akin na halata ang pag-aalala.
Napahawak ako sa ulo ko. " Medyo nahihilo lang ako " sagot ko. " Salamat " sabi ko sa kanya ng umupo ito sa tabi ko.
" Mabuti na lamang nakauwi ako ng maaga dahil kung hindi baka magdamag ka ng nakahiga sa lapag. Bakit ka ba nahimatay? "
" Pagod siguro. Bigla na lang kasing umikot ang paningin ko " saad ko.
Kinuha naman nya ang gamot sa gilid ng kama at pinainom ito sa akin. Tumabi sya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.
" Wag ka ng pumasok bukas at magpahinga ka na lang " sabi nya.
" Pero marami pa akong gagawin bukas. Kawawa naman si barbie "
" Kaya na ni barbie 'yon. Magpahinga ka na lang at alagaan mo ang sarili mo. Ayaw ko ng mangyari uli ito. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng makita kang nakahiga sa lapag " ani Xian.
Wala na akong nagawa kung hindi pumayag na lang sa gusto nya. Hindi pa naman ayos ang pakiramdam ko. Umatake lang siguro ang migraine ko at pakiramdam ko mas lumala pa ito.
Natulog na kaming sabay ni Xian. Wala rin akong ganang kumain kaya natulog na lang rin ako. Panigurado kapag nagpahinga ako, mawawala na ito. Masyado pang siguro akong napagod.
-
Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising kaya hindi ko na naabutan pa sya si Xian. Maganda na ang pakiramdam ko di tulad kagabi. Bumangon na ako sa kama at dumiretso ng may makita akong pagkaing nakatakip. Siguradong nagluto muna sya bago umalis. Sweet talaga nya!
BINABASA MO ANG
The Most Perfect Stranger [ BoyxBoy ]
RomanceKwento po ito ni Terrence Diezmo and Xian Villarubia :)