TMPS 26

4K 204 28
                                    

Nakasakay na kami sa kotse ni Xian patungo sa bahay ni Kuya Ren. Pero pakiramdam ko may nakalimutan akong tao. Hindi ko matandaan.

" Ayos ka lang ba Terrence? " napatingin ako kay Xian.

" Ayos lang " saad ko at tumingin muli sa bintana.

Hindi pamilyar sa akin ang lugar na dinadaanan namin pero kasama ko naman si Xian kaya wala dapat akong ikatakot. Nandito lang sya sa tabi ko.

-

" Nandito na tayo " hinto namin sa isang malaking bahay.

Unang bumaba si Xian at pinagbuksan nya ako ng pinto. Inalalayan nya akong bumaba dahil may pilay ako sa paa. Hawak-hawak nya ang braso ko habang naglalakad kami sa loob.

Napakalawak ng lugar at halatang mayaman ang nakatira dito. Nakakamangha ang mga nakikita ko.

" Anong ginagawa natin dito, Xian? " tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sa akin. " Kilala mo ba ang nakatira dito? " tanong ko pa.

Hindi sya sumagot sa tanong ko at inalalayan akong maglakad hanggang sa sala. Umupo kami sa sofa habang inililibot ko pa rin ang paningin ko sa paligid.

" Xian gusto ko ng umuwi " sabi ko sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko. " Sandali lamang ito " sagot nya kaya hinayaan ko sya.

Naghintay pa kami ng sandali hanggang may isang lalaki na pababa sa hagdan at may kasama rin syang lalaki na mukhang babae. Tumakbo sya patungo sa akin at yumakap.

" Sorry Terrence, hindi ko sinasadyang sabihin iyon sa'yo. Sorry " naiiyak nitong sabi.

Hiniwalay ko naman sya sa akin. " Sino ka ba? " tanong ko sa kanya.

Tumingin sya ng masama sa akin. " Galit ka ba sa akin? Sorry na bunso. Wag ka ng magalit sa akin " saad pa nya.

Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Bunso ang tawag nya sa akin pero hindi ko naman sya kilala.

" Ayan na si Mama " napatingin ako sa tinawag nyang Mama.

Nakangiti itong nakatingin sa akin at lumapit sa akin. Ganon rin ang ginawa nya. Niyakap nya ako at humingi ng tawad.

" Ayos ka lang ba? " tanong nya sa akin. " Nag-alala ang Papa mo sa'yo. Sa susunod wag kang aalis ng hindi sinasabi kung saan ka pupunta "

Nakatingin lang ako sa kanya pero agad akong tumingin kay Xian. " Gusto ko ng umuwi. Magluluto pa ako ng tanghalian " sabi ko.

" Hala Terrence galit ka talaga. Uy kausapin mo na ako. Sorry na nga diba sa mga sinabi ko sa'yo " sabi uli ng lalaking mukhang babae

" Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ni hindi nga kita kilala dyan " sagot ko.

Nakatingin lang sya sa akin at tumingin kay Xian. " Xian, bakit ganyan sya? " tanong nya.

" Sorry Kuya Ren at Tita kung inilihim ko ito. Gusto ko kasi sya ang magsabi nito sa inyo pero sa ngayon hindi nya magagawa " salita ni Xian.

" Diretsahin mo na kami Xian " utos ni Kuya Ren.

" May early on-set Alzheimers po sya " sagot ni Xian.

Ano ba ang pinag-uusapan nila? " Xian mauuna na ako sa kotse. " sabi ko at tumayo na.

Paika akong naglakad pero humarang sa akin ang babae kanina na tinawag na Mama. " Anak, Terrence. " hawak nya sa magkabilang pisngi ko.

" Anak? Hindi kita magulang " sagot ko. " Nasa state sila Mama at Papa. Nagbabakasyon sila doon " sagot ko.

Tumulo naman ang luha nya sa sinabi ko. Sunod namang lumapit sa akin ay 'yung lalaki.

The Most Perfect Stranger [ BoyxBoy ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon