TMPS 20

3.7K 186 6
                                    

" Terrence bakit sa lahat ng kakalimutan mo! Bakit 'yung files pa na ibinigay ko sa'yo?! Do you know how important is that? " galit na galit na saad ni Barbie ng makapasok kami sa opisina.

" Hindi ko lang alam kung saan ko nila--- " pinutol nya ang sasabihin ko.

" Hindi mo alam?! Anong dahilan 'yan Terrence?! Matanda ka na ba para makalimot ng basta-basta! " sagot nya sa akin.

" Eh kung sa nakalimutan ko! Wala na akong magagawa! " sigaw ko sa kanya na halata ang pagkagulat sa mukha nya pero agad nagbago iyon.

" Siraulo ka pala! Bakit mo kasi kinalimutan?! Sa lahat-lahat iyon pa ang kinalimutan mo. Alam mo kung gaano kaimportante iyon sa meeting nila Xian. Because of that, maaaring magback-out ang mga big client na matagal na naming sinusuyo. And know ng dahil sa'yo mawawala iyon! You're a stupid person! " sermon nya sa akin.

" I don't care " simple kong sagot saka bumalik sa desk ko.

Hindi ko naman inisip ang sunod nyang gagawin sa akin. Mabilis nyang hinila ang braso ko at hinarap sa kanya.

" Ano ba?! " reklamo ko.

" Ang sama ng ugali mo. Hindi ko akalain na ganyan ka Terrence. Ibang-iba ang tingin ko sa'yo. Tinuturing pa naman kitang kaibigan and now, you act like that. I just want to say na mali ang ginawa mo. Dapat iningatan mo ang files na 'yon dahil hindi lang naman ako ang nagpagod doon pati si Xian. And know, parang wala lang sa'yo. " paliwanag nya.

Natauhan naman ako sa mga ginawa ko. Lumayo ako ng bahagya sa kanya at kinuha ko ang bag ko saka mabilis na lumabas. Tumungo ako sa cr at pumasok sa cubicle. Inilabas ko kaagad ang gamot ko ininom ito.

" Madali kang mairita kahit sa simpleng bagay "

Naalala ko ang sinabi ng doctor sa akin. Hindi dapat ako maapektuhan sa mga sinabi ko dahil hindi naman ako ang gumawa niyon kung hindi ang sakit ko.

~

Naglakad na ako pababa ng building gamit ang hagdan. Iniisip ang pwedeng mangyari sa akin. Bawat araw na lumilipas ay syang ring paglipas ng sarili ko. Hanggang kailan ako magiging normal at hanggang kailan ko magagawa ang mga bagay na nagagawa ko pa.

Nakababa ako sa ground floor ng hindi namamalayan. Umupo ako sa lounge area para magpahinga. May umupo naman na malapit sa aking dalawang babae.

" Alam mo napatunayan kong walang relasyon si Sir Xian at si Barbie " narinig kong usapan nila.

" Paano mo naman nasabi? " tanong ko.

" Balita ko galit na galit si Sir Xian sa kanya dahil sa ginawa nya sa meeting. Kalimutan daw ba yung files na napaka-importante. " natatawa nyang sabi.

Napatayo naman ako dahil sa narinig ko at mabilis na nagtungo sa elevator. Ako lang ang nag-iisa sa loob. Pipindutin ko na sana ang floor kung saan ang office ni Xian pero hindi ko maalala.

Napahawak ako sa ulo ko at inalala ang number ng floor. Tinitigan ko ang number baka sakaling pumasok sa isip ko.

" Hindi ko alam.. Hindi ko matandaan " naiiyak kong sabi.

Napaupo ako sa sahig at napadukdok sa tuhod. Hindi ko maalala kung saan sya makikita. Wala akong matandaan.

Hinintay ko na lang bumukas ng kusa ang elevator.

" Ting! "

Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. Bumungad sa akin ang mga taong nakatingin sa akin. Lahat sila nagtataka kung bakit ako nakaupo sa sahig at umiiyak.

" Terrence... " napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

Pumasok sya sa loob at nilabas ako. Pinuwesto nya ako sa gilid nya saka nagpaalam sa mga kasamahan nya. Nakatingin lang ako sa kanya.

The Most Perfect Stranger [ BoyxBoy ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon