Mabilis kaming nakarating sa mall at nagtungo sa huli naming pinuntahan ni Vancy. Hinanap namin sya sa buong shop pero hindi naman sya nakita.
" Manong, may nakita po ba kayong bata. Hanggang bewang ko ang tangkad nya tapos naka-tshirt sya na asul at nakatokong. Nakataas rin ang buhok nya. " tanong ko sa guard ng shop.
" Wala ma'am. Marami rin po kasing bata na dumadaan dito tulad ng sabi nyo. Baka po may picture kayo " sabi nya.
Mabilis ko namang nilabas ang cellphone ko at hinanap ang picture ni Vancy. Ipinakita ko kaagad iyon.
" Ah! Naalala ko na. Nakita ko na nga sya. Sya 'yung batang englishero na kung makapagsalita eh parang matanda ang kausap mo. Sinama sya ng isang matandang babae duon sa may office ng mga nawawalang bata " sabi ng guard.
" Thank you " pasasalamat bigla ni Xian at mabilis na lumakad kaya sumunod ako sa kanya.
Nagtanong kami kung saan matatagpuan ang sinabi ng guard. Agad rin naman naming iyon nakita. Pagbukas namin ng pinto, nakita ko si Vancy nakaupo sa sofa. Pa-sala kasi ang style nito.
" Vancy! " tawag ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin at niyakap ako sa hita. Umupo ako para mapantayan sya. " Sorry. Nakalimutan kita. Sorry " hingi ko ng tawad habang nangingilid ang luha.
" It's okay Tito Terrence. By the way, sila yung tumulong sa akin. " turo nya sa may isang matandang babae na may kasamang batang lalaki na mas bata pa sa kanya.
" Thank you po " pasasalamat ko.
Lumapit naman si Xian at niyakap yung matanda. " Napakalaking tulong po ang ginawa nyo. "
" Naku iho walang anuman 'yon. Ayos lang sa amin. Mabuti na lamang nakita namin sya na mukhang may hinahanap. " saad ng matanda.
Lumapit naman si Vancy sa bata. " I will buy you anything that you want. " nakangiti nyang sabi.
" Lola! Nagsasalita na naman sya ng alien! " reklamo ng bata na ikinatawa ko.
" Apo ang sabi nya bibili nyan ang kahit na anong gusto mo. " nakangiting paliwanag ng matanda.
" Talaga? Kahit ano. Kahit itong mall. Bibilan nya " sabi ng bata.
" Denim, ikaw apo. Kung ano-ano ang naiisip mo. " saad ng matanda.
" Do you want this mall? " biglang singit ni Vancy sa usapan ng dalawa. " Sige sa'yo na lang ang mall na ito. From now on, pagmamay-ari mo na ito " nakangiti nyang sabi.
Napatapik naman ako sa noo ko. Ang mga batang ito na laki sa yaman.
" Naku iho, wag mong paniwalaan itong apo ko. Nagbibiro lang sya. " sabi ng matanda na tila hindi naniniwala sa sinabi ni Vancy.
" Kanina pa 'yang bata na 'yan na sinasabi na sila daw may-ari ng mall. " singit ng usapan namin na tila ba inis na inis.
Lumapit naman si Xian kay Vancy at binuhat ito. " He is Vancy Villarubia, the son of Cyrax and Ren Villarubia, the owner of this mall. By the way, I'm Xian Villarubia and he is Terrence Diezmo. " pagpapakilala ni Xian duon intrimitidang babae.
Kita ko sa mukha nila ang gulat. Parang hindi makapaniwala sa narinig. Yung bata lang ang nagtataka ang emosyon.
" We need to go. By the way Lola, sumama po kayo sa amin. May sasabihin po kami sa inyo. " saad ni Xian.
Tumango naman ang matanda at sumunod sa amin kasama ang apo nya na napakadaldal. Na sa sobrang daldal, wala ng pumapansin sa kanya.
Huminto kami sa tapat ng kaninang pinagbilhan namin. " Anong gusto mo? " tanong ni Xian sa may bata.
BINABASA MO ANG
The Most Perfect Stranger [ BoyxBoy ]
RomanceKwento po ito ni Terrence Diezmo and Xian Villarubia :)