TMPS 31

4.7K 198 21
                                    

XIAN POV

" Anong pangalan mo? " tanong ni Terrence sa batang nasa tabi nya.

" Leo " tipid na sagot ng bata.

" Leo. Ang gandang pangalan. Ano naman ang apelyido mo? " tanong muli ni Terrence habang pinapahidan ng gamot na inireseta ng doktor.

Nakabalik na kami dito sa unit nya. Tulad ng sabi nya, hindi na sya galit sa akin kapag sinunod ko ang gusto nya. Saka simula ng dumating ang batang kausap nya ngayon, malimit na lang syang sumpungin ng sakit nya. Siguro may pinagtutuunan sya ng pansin kaya hindi na sya sumpungin.

" Hindi ko po alam "

" Hindi mo maalala. Ilan taon ka na ba? " tanong nya uli.

" Walo " tipid na naman nitong sabi.

Nagtanong pa si Terrence tungkol sa kanya pero napakatipid sumagot ng bata at madalas ewan o hindi ko po alam ang isasagot nya. Pinapahanap ko na rin ang info tungkol sa kanya dahil baka may naghahanap pa sa kanya.

" Ibabalik mo ba ako sa kanila? " tanong ni Leo habang umiiyak.

" Hindi. Hindi kita ibabalik " sagot ni Terrence at kinarga ito.

Nakikita ko lang syang masaya sa batang iyan, kaya kong gawin ang gusto nya. Bukod doon, ang gandang tingnan habang nag-aalaga sya ng bata. Parang anak nya mismo ang inaalagaan nya.

" Tumahan ka na " pagpapatahan ni Terrence kay Leo.

Lumapit ako sa kanila at kinuha si Leo kay Terrence. Kinarga ko sya habang nakaharap sa akin. Pinunasan ko ang mata nya dahil sa pag-iyak.

" Wag nyo akong ibalik sa kanila " pakiusap nya sa akin. " Pangako magpapakabait ako. Kahit ako na ang gagawa sa mga gawaing bahay... Kahit sa lapag ako....matulog ayos lang.... Kahit utusan nyo ako...ng kahit ano, ayos lang po sa akin.... Basta ayaw ko...na sa kanila " sabi nito habang iyak ng iyak.

Inupo ko sya sa sofa at si Terrence naman kumuha ng tubig. Pinainom namin sa kanya dahil hikbi sya ng hikbi kakaiyak. Takot na takot sya habang nagsasalita. Alam kong hindi maganda ang naging karanasan nya sa mga sinasabi nya kaya nagkakaganito sya.

" Huwag ka ng umiyak. Kaya ka lang naman tinatanong para may alam kami tungkol sa'yo. Paano ka naman kukupkupin kung wala kaming alam tungkol sa'yo? " sabi ko sa kanya.

Pinunasan nya ang mata nya gamit ang dalawang palad nya at tumingin sa akin saka kay Terrence.

" Xian? " tawag ni Terrence sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

Gusto ni Terrence na kupkupin ang bata kaya gagawin ko pero gusto ko pa ring sundin ang legal na proseso. Para rin maging legal na nakapangalan sa amin ang bata.

" Talaga po? Aampunin nyo ako? Kaya ang ibig sabihin habang buhay na ako dito sa inyo? " tanong ng bata.

Tumango ako sa sinabi nya at pinat ko ang ulo nya. Nagulat ako ng niyakap nya ako ng mahigpit at nagpasalamat. Naramdaman ko rin ang pagyakap ni Terrence.

" Thank you Xian. I love you. " paulit-ulit nyang bulong sa akin.

Bumaling naman ako sa kanya at hinalikan ang noo nya. " Gagawin ko ang lahat para sa'yo " nakangiti kong sabi.









-

Lumipas ang dalawang buwan, ng natapos ang proseso para mapasaamin si Leo. Sinunod namin ang legal na proseso tulad ng gusto ko. Sobrang saya ni Terrence ng nasa amin na ang bata.

Sa kalagayan naman ni Terrence, walang pinagbago ngunit madalang lang itong sumpungin dahil na rin kay Leo na pinagkakaabalahan nya. Namamasyal rin kami sa iba't-ibang lugar upang ipasyal ang bata. Iniiwasan ko nga lang ang maiingay na lugar dahil kahit papaano trigger ito upang sumpungin sya.

The Most Perfect Stranger [ BoyxBoy ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon