Chapter 6

24 1 0
                                    

Alfred’s POV

 “Rose, para sayo” inabutan ko siya ng bouquet

“Thanks..”

“Bat parang kinakabahan ka?” tanong ko sa kanya

Wa—la”

“Bagay nga sayo yang bulaklak Rose e, napakaganda” at tinignan ko siya sa mga mata niya.

 “Di tama tong pagmamahalan natin Alfred” nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya

“Bakit hindi tama Rose!? Sabihin mo nga sa akin!?” inaalog ako ang dalawang balikat niya dahil hindi ko matanggap

“Dahil, buntis ako..” gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang mga salitang iyon.

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis, di ko matanggap..

“Paano ka mabubuntis hindi naman kita ginalaw!? Mataas ang respeto ko sayo!?” hawak hawak ko na ang dalawang braso niya.

“Kaya nga nilalayuan na kita Alfred! Dahil may boyfriend na ko naintindihan mo ba!” di ako makapaniwalang sabi ni Rose sa akin, paano nangyari yun?

“Mahal na mahal kita Rose, tapos eto ang igaganti mo sa akin pagtapos kitang ipaglaban sa mga magulang ko!?” sumisigaw na ko dahil sa sobrang inis ko.

“Wala akong sinabing ipaglaban mo ko!” sigaw niya rin sa akin

“CUT!” sigaw ni Gemma, leader namin

“Okay, magaling, break muna tayo tapos tuloy na natin maya-maya. Kain muna tayo” sabi sa amin ni Gemma.

Next week na nag submission ng play namin, vivideo namin to at kami ni Rose ang bida. Project namin to sa English, okay naman sila kagrupo dahil may cooperation silang lahat.

Galing ng park kung saan kami nag video, umuwi na ko sa bahay namin, pagbukas ko ng gate, nakita kong andito yung kotse ng ama ko.

Dere-deretso ako sa bahay, kung sesrmunan na naman ako niyan, wala akong gana makipag-usap sa kanya dahil pagod ako.

“Alfred” narinig ko ang ma awtorosidadong boses ng tatay ko. Nilingon ko siyang nakaupo sa sofa na may hawak na PINK  BAG!?

“DAD!? ARE YOU GAY!?” nagulantang ako sa nakita ko. May pinagmanahan ba ko?

Tumayo ang ama ko at lumapit sakin

“Dad, please be hones—“

“I’M THE ONE WHO SHOULD ASK YOU THAT QUESTION!”  masakit. Masakit ang masuntok ng tatay sa pisngi. Aray ah.

“What are you taking about D.A.D?” inemphasize ko pa ang salitang DAD baka kasi nakakalimutan niyang anak niya ko. Anak niya ang sinusuntok niya bwisit!

“Kaninong bag to!?” at pinakita niya sa akin ang bag niyang hawak. Isa yan sa mga binili kong bag sa Hongkong nung nagbakasyon kami. Haha. Nakakatawa, hindi ko natandaan.

Hindi ako nakasagot, pag dating sa tatay kong to', tiklop ako.

“STARTING TOMORROW, YOUR CREDIT CARDS WILL BE FREEZE! YOU’RE NOT ALLOWED TO WITHDRAW YOUR MONEY ON YOUR ATM, UNDERSTAND!?”

“NO FREAKING WAY DAD!” ay tangina. Medyo bumali ako doon ah

“NO FREAKING WAY? Oh, it’s that the proper way of talking? Especially to your dad? Bibigyan kita ng baon mo, eksakto sa isang buwan, lahat ng bills and needs mo, ako bahala. Tignan natin. Bye” At dere-deretso siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Binusinahan pa ko at oo nga pala, naka lock ang gate. Shete, paano na ko!?

--

BIANCA’S POV

After kong Makita ang scene kanina sa park, na si Alfred..Magbigay ng roses kay Rose, tapos umamin..  Bumalik ako sa dorm. Imbis na magpahangin ako sa park, bat parang bumigat yung pakiramdam ko?

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang sumisikip yung dibdib ko, paulit-ulit nag pe play yung scene na inabutan ni Alfred ng roses si Rose, bat naiinis ako kay Rose? Diba bakla si Alfred? Bakit parang mas gusto ko pang bakla si Alfred kaysa.. kaysa magmahal siya ng babae? Bakit parang ang bilis? Bakit hindi ko man lang nahalatang gusto niya si Rose? Di ko alam. Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko. Ang alam ko lang, may tumulong luha sa mga mata ko. Ang alam ko lang, nasasaktan ako. Pero bakit? Dahil ba hindi niya sa akin sinabi?

--

“Bianca”

Nagising ako dhail may umaalog sa akin at ginigising na din pala ako ni Nelly. Nakatulog pala ko sa kama niya

“Ay sorry, kanina ka pa ba diyan?” tinignan ko ang oras at 5 pm na.

“Hindi, kararating ko lang, matutulog lang ako saglit, okay ka lang?” tanong niya sa kin habang tinitignan ang mga mata ko

“ah, oo.” Tumayo na ko at pumunta ng banyo, naligo tapos nagbihis at lalabas lang. Bibili lang ako dinner naming apat.

Pagpasok ko sa isang fast food, nakita ko si Alfred, mukha siyang lutang. Nakayuko, pero bago siya umayos, umalis na ko doon. Ayokong Makita siya, nasasaktan ako. Di ko alam. Ayokong iconfirm kung ano man tong nararamdaman ko. Di pwede. Lumabas ako doon at naghanap ng ng mabibilhan ng makakain.

Pagbalik ko sa dorm, nakita ko yung cellphone ko na maraming missed calls at text.

Lahat yon galing sa kanya.

Pwede ba tayo mag usap?

Sissy, hello?

Kailangan lang.

Lahat ng text niya puro ganyan at paulit-ulit.

*She’s my baby~

Nagring ang phone ko at tinignan ko sino ang tumatawag. Si Alfred. Nilapag ko ang cellphone ko sa kama at inaya na sila Nelly, Zandra at Aly na kumain.

“Di mo ba sasagutin yung phone mo?” Aly

“Kanina pa ring ng ring yan ah” Nelly

“I-silent mo kaya” Zandra

“Hayaan niyo na, kumain na lang kayo” sabay subo ko ng kanin.

Eto, umaga na naman. Palabas na ko ng dorm, papasok papuntang school.

At sheet, ayoko nang pumasok. Ayoko siya Makita..

Kinakabahan na ko pag sakay ko, hanggang sa makababa at pumasok ng school . Kinakabahan ako hanggang sa pag pila ko ng elevator.

Shizzz. Shizzz. Shizz. Relax... Calm Down... My God, sorry..

Kinakabahan talaga ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nagkakarerahan. Parang gustong kumawala sa dibdib ko at tumakbo. Nanginginig ang kamay ko sa kutob.

Eto na.. hahawakan ko na nag door knob..

Palapit na, eto na—

Nagulat ako ng may kasabay akong humawak ng door knob. Parang sasabog ang puso ko sa gulat!

Dahan-dahan, slow motion akong lumingon..

!@#$%^&*(

“Bianca...” malungkot.. malungkot na boses ang narinig ko mula sa taong iniiwasan ko. Sa taong may dahilan bakit ganito ako kumilos, bakit ako nasasaktan, sa taong nagpapakaba sa akin ng ganito..

Unacceptable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon