"Wow ang ganda ng bahay mo" namamangha kong sabi habang iniikot ang paningin sa bahay niya.
Napakaorganized nung mga gamit, wala kang makikitang dumi o kalat.
Ang wall niya ay kulay cream, ang sarap sa mata, oo masarap.
Tapos sofa maayos yung mga throw pillow, may mga mamahaling vases, mga decorations, ayos.
"It's a gift from my dad" sabi niya sakin
Dumiretso siya sa kitchen at sinabihan akong magpalit na ng damit sa guest room niya.
Umakyat na ko at lubos na humahanga sa bahay na to, nga naman. bakla e, maarte pa sa maarte. Pero sayang talaga siya e, pogi na e, kaso pogi din ang nais. Kawawa naman ang mga kababaihan sa mundong itoo! Alam mo yon? Yung mga bakla may syota, tapos ang babaeng may perlas ng silanganan wala?
So ayon, pumasok na ko sa kwarto at pumasok sa walk in closet, aba, oo nga. ang gaganda ng damit, sa amoy palang halatang di pa nagagamit. di na ko magtataka. yung mga binili niya kanina, sa kanya pala yon. ayos naman siya e, bumibili lang pero di sinusuot, yung baklang hindi naglaladlad. Halata nga lang sa gamit, pero physically hindi. May pag asa pa sigurong ituwid to no?
So ayon, nagpalit na ko ng pajamas at nagpony ng buhok, bumaba na ko. Nanlalata talaga kong bumaba.
"Mukha ka namang walking dead diyan" tinignan ko ang poging nakasuot ng hello kitty comfy slippers at naka pink and violet checkered apron.
"Pwede bang akin na lang mga damit sa closet mo?" medyo nanlalata kong tanong sa kanya, segway lang.
"No, collection ko yon" tas nilapag niya sa table yung nuggets at bacon.
Kumuha ako ng bacon at sinubo yung isa.
"Puta masakit ah!" hinampas ba naman yung kamay ko?! Kabigat ng kamay hilig manakit.
"Gumamit ka ng ng spoon or fork! Parang di babae" tas inabutan ako ng fork, ayun kumain ako ng kumain, no rice.
"Actually, pag naboboring ako o naiinis ako, pumupunta ako ng mall at namimili ng gusto ko. Di ko naman ginagamit yang mga yan, iniipon ko lang sa guest room. Ganda taste ko sa fashion no? Ikaw naman pang dekada sisenta ang fashion"
"Gee lang, kukuha ko dun isa ah?" sabi ko habang kumakain ng nuggets
"Don't talk if your mouth is full. alam mo ba yung famous line na yon?" sabay irap sakin.
Di na ko nagsalita at kumain na lang kami ng kumain tapos ako na yung naghugas ng mga pinagkainan namin.
Dumiretso ako sa sala kung saan natagpuan ko siyang naghahanap ng cd. Hula ko mag momovie marathon kami. As in marathon walang tulugan.
"Ano gusto mong panoorin?" tanong niya sakin.
"Kahit ano basta wag horror, suspense or thriller." tapos umupo ako sa sofa habang pinapanood siya.
Tapos sinalang niya yung Jackass.
~~~~
"Hahahaha! Tangina ang baboyyy!" ang salaula kasi e hahaha (A/N: sensya na kayo sa bad words ah, character kasi ni Bianca e)
"Haha. Gross." nakita kong humahalakhak si Alfred, eto walang halong kabaklaan, tawang lalaki, ang ganda niyang nilalang. Napakatangos ng ilong, napakaganda ng hubog ng mukha niya, as in flawless. Yung panga niyang pang Xian Lim, pilikmata niyang mahahaba, syeeet. gusto ko siyang gapangin hahaha!
"Alfred..."
"Holy Immaculate Concepcion wag mo ko pagsasamantalahan!?" sabay takip niya nung dibdib niya kung meron. duh.
"Gago, tigilan mo ko sa ganyan ganyan mo, seryoso ako"
"E kasi naman makatingin ka sakin, parang hahalayin mo ko!" sabay breathe out niya
"Tangna umayos ka dederetsuhin kita, magtatanong lang, di ka ba nahihirapan?" tanong ko sa kanya
"saan naman?" sabay taas ng kilay.
"sa sitwasyon mo, parang ang hirap kasi diba. Oo aminin ko gwapo ka, di mo man alam may nagkakagusto sayo, di ka ba natatakot mahalatang, alam mo na." diba totoo naman.
"Ah, di naman porket ganito ako, di na ko pwedeng magsaya e. wala din ako pakielam kung malaman nilang bakla ako e, kasi di naman ako nabuhay para sa kanila e diba? Oo medyo mahirap kasi ang daming disappointed kasi gwapo ako, tapos gwapo din gusto ko. Tsaka di naman ako bakla na gusto ng lalaki, lalaking kalandian ko, ang gusto ko lang, yung ginagawa ng mga babae. shopping, pagpapaganda, pag aayos. Nilamon ako ng insecurities ko"
"Mahirap magiging babae Alfred, kayong mga lalaki, i mean except you, di niyo alam ang hirap na dinaranas namin every month, tapos kailangan pang mag ayos, alam mo yung kayong lalaki, pag gusto ang isang babae, liligawan, e kaming mga babae? how can we show our love? by doing what? minsan pag mag coconfess kami narereject pa, pinagtatawanan, alam mo yun? sayang ka Alfred"
"I know, but, I can't stop myself, one day I found myself HAPPY when it comes to girls stuff. But you know what Bianca, I can feel na magkakasundo tayo, at nakikita ko sa mga mata mo yung lungkot"
"Mahirap kasi mainvolved sa isang relationship na natapos ng walang maayos na pag-uusap, walang alam na dahilan bakit kayo naghiwalay at sa simula palang puro doubts na ang meron sa kanya. And I'm starting to build myself again, trying to be funny. Pero bago matapos ang araw, papatak at papatak ang mga luha mo sa mata, at mapapaisip sa mga sakit na nararamdaman. Alam mo na naman siguro yung pakiramdam ng umasa diba." medyo teary eyes na ko nyan. i hate dramas, pero i can't stop myself from expressing it.
"Ganyan talaga, pag may umaalis, may dumarating. Pag nasaktan, natututo. Geee. Tigilan na natin to" Yinakap ko siya dahil di ko mapigilan, hindi ito pagnanasa pero nagkaroon ako ng pag asa, mula sa isang bakla
"You asked me before right? Kung pwede mo kong maging kaibigan? Oo naman, kahit bakla ako, tao din ako. nagmamahal, nasasaktan, may karapatang sumaya, at may times na nalulungkot. At natural lang sayo mag drama, kung naghiwalay man kayo ng ex mo, di pa end of the world, nagsisimula ka pa lang no. Haha. Tara na nga at manood na lang!" tapos pumunta siya sa kitchen at gumawa ng popcorn.
Alam ko sa sarili ko, na nagsisimula pa lang ako. Thanks Alfred sa pag paparealized sa akin. Masarap magkaroon ng kaibigang bakla. Totoo.
~~~
Drama naman ang pinapanood naming movie. Di ko maiwasang mapasulyap sa kanila. Parang hindi siya yung kausap ko kanina. Isa akong nalantang magandang bulaklak na nirevived ng isang gwapong baklang nilalang na ito.
"Bianca, tulog na tayo" Bianca? Ngayon lang ako nagandahan sa pangalan ko, dati kasi ayoko sa pangalang yan dahil tunog diyan ka.
"Ah sige. Good night" dahan dahan akong naglakad papunta sa guest room. Parang may kumakanta sa utak ko at puro Bianca ang lyrics.
Pagkarating ko sa kwarto, sinampal ko ang sarili ko at sinabing "You're nothing, but the second.." dejoke lang. Sinampal ko lang ng mahina dahil nag pipicture sa utak ko ang mukha ng baklang yon. Puta, ayoko ng ganitooooo! Humiga ako sa kama, nagtakip ng unan sa mukha, at gusto ko ng matulog. Sheeet. ngayon ko lang nalaman,
NAKAKALASING PALA ANG BACON?
-.-