BIANCA’S POV
“Bianca” ..
Binuksan ko yung pinto at hindi ko siya pinansin. Baka hindi ko mapigilan at sumabog ako. Dire-diretso ako sa upuan ko at umupo. Mula sa peripheral view, nakita kong umupo na din siya sa tabi ko. “SEATMATE” nga pala kami.
*poke
“Bianca” ..
“Bianca” ..
*poke
“ANO BA KAILANGAN MO!?” oh shit. Napasigaw ako sa sobrang irita dito kay Alfred.
Napatingin ako sa harapan at nakita kong nanggagalaiti ang prof kong si Ms. Sarado.. sarado ang puso <//3
“YOU TWO GET OUT!” E di tumayo na ko at kinuha ang bag ko at umalis ako agad-agad. Nagmamadali akong lumabas nang may humatak sa kamay ko
“Ano ba—“
“Bakit ba hindi mo ko kinakausap? May ginawa ba ko sayo?” sincerity.. sincerity ang nakikita ko sa mga mata niya.
Oo, pagtapos mong sabihing bakla ka, pagtapos kong Makita na bigyan mong roses si Rose, narinig kong umamin kang mahal mo siya, nakita kong may tumulong luha sa mga mata mo, nasasaktan ako, alam mo yon?
Sana, sana kaya kong sabihin sayo ang mga yan. Pero hindi. Hindi pwede, dahil “kaibigan” tayo, sabi mo “bakla” ka, bakit akong si tanga nahulog sayo? Hindi ko matanggap, na sayo pa, magmamahal na lang ako ulit sayo pa. Sa maling tao pa. Sana nga, Inlike pa lang ako sayo e. Sana hindi to pagmamahal..
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya sakin, bigla ko naming pinahid ang luha ko.
“Wala, first time ko lang kasi mapalabas, ano ba kailangan mo?” note my bitterness.
“Sumama ka muna sa akin” at yon! Bam! Hinatak ako, hindi niya nga ako tinanong kung gusto kong sumama e, UTOS niya na sumama ako sa kanya.
Pagkatapos ng who-knows kung ilang minuto niyang pagkaladkad sa akin, dinala niya ko sa isang tea house.
Umorder muna siya ng 2 milk tea, at umupo sa tapat ko.
“Bianca..” ayan na naman tayo sa Bianca na yan e!
“Uhm?” sagot ko habang umiinom ng milk tea.
“Nalaman ni Daddy, na ano..” di niya matuloy yung sinasabi niya at tinignan ko siyang patingin tingin sa paligid.