Hindi naman siguro masama na tulungan siya diba?
Hindi ko na iisipin ang sarili ko, di na ko magpapakaselfish.
Tutulungan ko siya dahil kailangan niya ko.
Kaibigan ko siya diba?
Sana.. di ako magsisi sa gagawing kong desisyon.
“Talaga payag ka na?” natutuwang tanong sa akin ni Alfred. Andito kami ngayon sa cafeteria ng school namin.
“Oo, diba, kaibigan tayo?” Kaibigan. Masakit ma F R I E N D Z O N E D. Pero siguro okay na to.
“Yes! Thank you!” nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Napatingin sa amin yung ibang estudyante ditto sa cafeteria
“Uy, ano ba.” Inilayo ko siya sa akin.
“Okay lang yan, girlfriend na naman kita e *smirks*” Girlfriend. Hays.
--
Lumipas ang dalawang linggo at kahit “kami” na ay sinusuyo niya pa din ako. Sweet nga e, pero kailangan kong gumising sa katotohanang “KUNWARI LANG ITO BIANCA, NAGPAPANGGAP LANG KAYO” pero alam mo yung hinihiling ko sana totoo na lang to? Yung walang bahid ng pagpapanggap, na totoo lahat. Na ginagawa niya ang lahat ng to hindi dahil sa kailangan, ginagawa niya to dahil gusto niya.
“Bianca” dumating na ang kanina ko pa hinihintay. Diba, siya ang hinihintay hindi ako.
“oh?”
“Tara na sa bahay hinihintay ka ni daddy” hinawakan niya ko sa wrist ko, at sumakay na kami ng cab papuntang bahay niya. Eto, andito na ko sa stage na “meet the parents” pero daddy lang niya ang makikilala ko.
--
“Good Afternoon Mr. Bautista” pormal kong bati sa kanya pagpasok ko ng sala nila. Nakaupo siya sa sofa at umiinom ng coffee.
“Dad” hinawakan ni Alfred yung kamay ko at sabay kaming umupo sa sofa na katapat ng inuupuan ng daddy niya. Pogi ang tatay ni Alfred, di mapagkakailang mag ama nga sila. Carbon copy nga e.
“Dad, this is Bianca, my girlfriend. The owner of the pink bag that you showed to me last time” sabi ni Alfred sa daddy niyang nakatingin sa akin
“Hello po.” Nahihiya kong sabi.. Aba first time ko humarap sa magulang ng “BOYFRIEND” ko no.
“Are you sure?” nakakatakot naman talaga tong tatay niya.
“Yes Dad, my girlfriend stayed here a weeks ago, she slept at the guest room and she has a lot of things there” sabi ni Alfred na kalmadong kalmado. Sanay magsinungaling tsss.
“Yes po Tito, partner din po kasi kami ni Alfred sa ibang subjects kaya dito po ako inaabot ng gabi” which is somehow true.
“And dad don’t think of something gross” medyo nandidiri pa niyang sabi. Sasabunutan ko tong baklang to e nakakainis.
“Your girlfriend looks like an innocent angel. I don’t think something green will happen to the both of you. And I’m glad that you have such a nice taste, mana ka sakin nak” May nilabas siyang brown envelope at pinatong sa table. Ay nahiya naman ako kay daddy in law ko. (^_^)V
“Here” sabi ng dad niya
“Thanks Dad.” Natutuwang sabi ni Alfred habang kinukuha yung envelope
“No biggie. Let’s have a lunch, follow me” he ordered us to follow him, sumakay kami sa kotse ng dad niya at parehas kami nasa back seat. Hawak pa din ni Alfred yung kamay ko.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya
“I have no idea?” patanong niyang sabi sa akin at parehas na lang kaming tumingin sa daddy niyang nagmamaneho.
After 30 minutes dahil wala namng traffic, nakarating kami sa isang Italian restaurant. First time ko kakain sa ganito dahil hindi naman ako mahilig sa Italian food.
Pagpasok naming sa restaurant na yon, may bumati samin na nakatayo sa pintuan
“Buon Pomeriggio!”
“Good afternoon daw” bulong sa akin ni Alfred.
Umupo kami sa isang table for four, magkatabi kami ni Alfred.
May lumapit saming isang napakagandang babae na sa itsura ay cook.
“Good Afternoon Sir, Mam.” Tapos may inabot siya sa aming menu
Sabi ko kay Alfred siya na umorder sakin. Mabilis silang magserve at mga 10 minutes ay dumating na sa amin yung order.
“ 1 pizza, 3 gelato, 2 tiramisu, 1 risotto and 2 mortadella sandwhich” sabi nung nag seserve habang nilalagay yung order naming sa table, mukhang masasarap to,
“Grazie” sabi nung Dad ni Alfred. Thank you yon. Diba alam ko? Ahah! Hmp!
“So, where’s your parents hija?” panimula ng daddy niya
“My parents are both in Hawaii, managing our business Tito” magalang kong sabi tapos uminom ako ng di ko alam ng juice. Masarap siya pero di ko alam tawag ditto.
“Uhm, so where are you staying?”
“University Pad po, my parents decided to rent a dormitory for my good. Which is more convenient po kasi mas malapit siya sa school namin ni Alfred” di naman ako makakain! Gutom na ko e >.<
“Oh well. That’s good for you. So let’s start eating” Thanks God!
So ayun nagsimula na kaming kumain, ang sasarap naman nito! Oo kahit bago siya sa panlasa ang sarap pa rin! Kakaiba yung ice cream nila which is gelato.
Pagkatapos kumain ay naglibot na kami sa mall ni Alfred, iniwan na rin kami ng daddy niya.
So dahil nga Masaya tong mokong na to, nilibre niya ko. Syempre nagpabili ako ng marshmallows, oreo at saka milk tea. Gooooosh. Cravings satisfied! Nag arcade kami, nagshopping siya at binigay din sa akin, tapos nag pa foot spa, ngayon ko lang nalaman masyado siyang conscious sa katawan niya, well din a mapagkakaila. HAHA.
Kasalukuyan kaming papunta sa movie house nang nakasalubong kaming pogi. Iiwas sana kami syempre mabubunggo nang hinawakan nito ang kamay ko.
“Bianca..” tinawag niya ko. Kilala ko ba tong gwapong nilalang to?
“Can we talk?” di niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Wait. Did I heard it right?