Simula

19 2 0
                                    

Published Date: 05-22-16

Vlogs

"When the chief shepherd appears, you'll win the unfading crown of glory"

Nakatulala ako sa altar habang tahimik na nakikinig sa mga sinasabing verses ng reader sa unahan, luminga linga ang mata ko at nahagip neto si mommy na nakahawak sa balikat ni daddy habang sabay silang nakatitg sa altar at taimtim na nagpa participate din sa misa, napanigiti ako, Gusto ko pag nag asawa din ako ganun pa din kami ka sweet kahit may mga anak na kami. Bahagyang napawi ang ngiti ko nang nahagip ko sa gilid ang mukha ni Archer Levi San Miguel na pumipikit pikit na ang mata at halatang antok na antok, why is he here?

Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang number ni Levi nang biglang magsalita si mommy

"Aly, we're in the church keep your phone."

"Opo, sorry po." Sambit ko at ibinalik na ulit sa bag ko yung phone.

Nang matapos ang mass ay nakita kong nagbatian si dad at yung papa ni Levi, kasama niya din pala family niya, nasa gilid lang ako at katabi si Ate Irish nang mag vibrate phone ko

A.L:

Ang panget ng suot mong dress, mukha kang suman.

Napaangat ako ng tingin at hinanap kung nasaan na siya, nasa likod siya ng papa niya at naka belat saakin, grr. Inirapan ko siya at naglakad na palabas kasama si Kuya Noah at Ate Irish, naiwan si dad kasama si Kuya Benedict sa loob, ipinakilala niya ito sa papa ni Levi, he is always proud of my kuya, madami itong achievement kumpara saamin.

"Kuya Noah, bibili lang ako ng fishball." Sabay turo sa street food sa gilid, tumango ito at sinamahan akong maglakad

"Libre mo ko." Tumawa siya at umakbay sakin, masasabi ko na kahit anak mayaman kami hindi naman kami tinuruan na maging maarte sa ilang bagay, although lagi kaming pinagbabawalan ni mommy dahil madumi daw ito at baka magkasakit lang kami pero hindi naman kami nagpaawat.

"Fine." Napa 'yes' naman si kuya, psh. Dapat siya nanlilibre sakin eh, kuripot talaga, idadahilan niya lang sakin malamang 'nag iipon ako para sa future' hindi ko alam kung dapat akong maniwala dahil sobrang kuripot siya at never ko pa siyang nakita na mag effort.

"Manong, dalawang order po ng fishball." bumitaw sa pag akbay sakin si kuya at tumutok sa phone niya, ngumingiti ngiti pa habang nagta type, mukhang ewan.

"Pst, gusto mo bilhin ko na buong fishball stand ni kuya para sayo." mabilis akong lumingon nang marinig ko ang pabulong na boses ni Levi sa likod ko, tumatawa siya habang nakatingin sakin, naka busangot na agad ang mukha ko, suminghap ako at kumalma.

"Get lost Arch, stop bothering me pls." tumalikod akong muli at hindi siya pinansin

"Wow naman, acting like a decent lady, huh." inuubos niya ba talaga ang pasensya ko? Huminga ako ng malalim at nagpanggap na hindi narinig ang mga sinabi niya, sakto naman at luto na rin yung fishballs, inabot ko ang bayad at hinila na si Kuya Noah paalis.

Pagdating sa bahay ay pinaupo muna kami nila mommy sa sofa dahil may announcement daw silang gagawin, nasa gitna ako ni Kuya Noah at Ate Irish na parehas na nakatutok sa kanilang cellphones, sumandal ako at kinuha ang isang unan at niyakap ito.

Napatingin ako kay Kuya Benedict na nakatayo sa tabi ni dad, pormal na pormal ang pagkakatayo niya at kagalang galang ito, hindi kasi kami close dahil siguro sa 9 years age gap namin, 26 years old na siya, ako naman ay 17 pa lang kaya hindi kami masyado maka relate sa isa't isa, at isa pa tuwing naiiwan kami sa bahay ay lagi lamang siyang nasa kwarto at nag-aaral.

"Hey, ibaba nyo muna ang mga phones nyo at may sasabihin ang papa niyo." utos ni mommy kaya naman tumigil sina ate at kuya sa gilid ko at nag focus sa unahan kung nasaan andun si dad at kuya Benedict.

Before he left. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon