Irish
"We're here .." tinapik ni Levi ang mga pisngi ko, hindi ko namalayan ang pagtigil ng sasakyan dahil sa lubos na pag iisip ko ng ipapaliwanag ko sa mga magulang ko.
"I'm sorry at hindi kita nakausap sa buong biyahe." I sighed when I looked at him, ngiti ang ibinalik niya saakin at hinawakan ang pisnge ko.
"It's okay, baka pagod ka lang." umiling ako kaya kumunot ang noo niya
"Nago-overthink lang, but I guess it's fine." hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at pinisil ito, I looked at our hands, they just look good together, I wish I could hold unto them longer, but sadly I can't.
"Uhm, nagpapapasok ba kayo ng isang San Juan sa bahay nyo?" he laughed, tinanggal ko ang seatbelt ko bago lumingon sakanya.
"Why not? Let's try.." I smiled at him, napansin ko ang paglaki ng mata niya, kumunot ang noo ko.
"Sigurado ka ba? Baka mamaya pagalitan ka ah?" I gave him a laugh, nauna akong bumaba ng kanyang sasakyan, pinagmasdan ko ang pagkunot ng noo niya habang tinatanggal ang seatbelt niya, hindi naman kasi tinted ang kanyang sasakyan kaya nakikita ko ang kanyang mukha. Pagkababa niya ay hinawi niya pataas ang kanyang buhok at dinaluhan ako sa kinatatayuan ko.
"Ready ka na ba, Mr. San Juan?" kinindatan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay, I don't even know what I am doing right now, kung tama ba ang ipakilala siya habang ikwe kwento ko ang nangyaring parusa saakin, hindi ko na alam ang nangyayari sakin sa totoo lang. Nasisiraan na ata ako ng bait.
"Should I prepare my heart, then?" tumawa si Levi kaya inirapan ko nalang siya. Si Ate Cecil ang nagbukas ng pintuan, bahagyang nanlaki ang mata niya ng makita ang taong nasa likuran ko, although I know na hindi niya kilala ang kasama ko dahil hindi pa naman nafe feature sa tv ang buong pamilya ng mga San Juan.
"Hala mam Aly, ang gwapo naman po ng kasama ninyo, bagay kayo!" nginitian ko si Ate Cecil at tinanong kung nasaan ang buong pamilya.
"Si Papa mo at si Kuya Benedict mo hindi pa nakakauwi, si Irish naman ay nasa may swimming pool ata kasama si mama mo. Si Noah naman ay nasa kitchen at kasama ang girlfriend niya, ikaw ah sabay pa talaga kayo ng kuya mo na nagdala ng lovelife!" humagikgik si Ate Cecil bago umalis sa tabi ko, panigurado ay pupunta na yan sa kitchen para ikwento kina manang ang bisita ko. Lumingon ako kay Levi na pinagmamasdan ang buong bahay namin.
"Ang ganda ng interior ng bahay niyo ah, ang modern." I smiled at him, ang totoo ay wala naman akong alam sa mga ginawang changes sa bahay dahil ako ang bunso, ito na ang nakalakihan kong disenyo ng bahay kaya hindi ko din alam kung ano ang inspirasyon at kung sino ang gumawa nito.
"Halika at puntahan natin si Kuya Noah sa kitchen." magkahawak kamay kaming lumapit sa hapagkainan kung saan ay naabutan namin si Ate Athalia na nakaupo sa dulo ng lamesa habang si Kuya Noah naman ay nasa kitchen counter at hinihintay ang bine bake niyang cake, wow! It's been years since I last saw him baked a cake.
"Alyanna, bakit ka may kasamang San Juan? Akala ko ba ay binusted mo na ang isang yan." tumawa si Kuya Noah at lumapit sa harapan namin, nag bro fist sila ni Levi at nagbatian, alam kong magkaibigan sila dahil parehas silang varsity at nagsasama din sila kapag may tournaments.
"Hi Ate Athalia." bumeso ako kay Ate Athalia, madami siyang itinanong saakin kaya naupo na rin ako sa harapan niya, napag alaman ko din na sinabi niya na kay kuya Noah ang nangyari saamin ni Lili kanina pero tinawanan lang daw ito ni Kuya Noah dahil ginawa niya din daw ito ngayon, ang pinagkaiba nga lang ay hindi sila nahuli ng presidente ng student council.
BINABASA MO ANG
Before he left.
Romance"You killed my brother." sunod sunod ang pagtulo ng luha ko ng makita ko siya na nakangiti pa habang naglalakad papasok ng school gate. Nagawa niya pa akong ngitian matapos ipapatay ng pamilya niya ang kuya ko. "H-huh? Anong sinasabi mo Aly?" I slap...