6th

7 1 0
                                    

Nervous

"Ano ba naman kayong dalawa, yung isa nakipagtalo sa gym tapos ikaw naman Aly na sprain, ano ba kasing pinaggawa nyo?!" nakaupo kaming dalawa ni Kuya Noah sa sofa magkatabi at sabay na sine sermunan ni mama.

"Ma, I was not the one who started the fight." Kuya Noah reacted

"Kahit na Noah! Ano nalang sasabihin nila sa papa mo! Na tinuturuan ka niyang maging basagulero?!"

"Ma! Kaysa naman duwag na hahayaan yung kalaban na abusuhin ako! Mas gugustuhin kong lumaban na may napatunayan kaysa yung susuko na hindi pa nasusubukan."

"My gosh Noah! You are stressing me out!"  I looked at Kuya Noah at seryosong seryoso ang mukha niya, nagpipigil siya ng galit dahil kitang kita ko ang nakayukom niyang kamao.

"Tangina.." narinig kong bulong ni kuya at buntong hininga.

Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si Kuya at lumabas ng pintuan, maya maya pa ay narinig namin ang pag start niya ng kanyang motorsiklo at pinaharurot ito papalabas ng bahay namin.

"Alyanna! What is happening to Noah?"

"Hindi ko din po alam, hindi pa po nababanggit saakin ni kuya."

Nag desisyon si mama na pakawalan na ako at hayaan na magpahinga, dumating na din kasi si papa at as usual wala na siyang oras para makipag usap saamin dahil busy siya sakanyang trabaho at uuwi dito ng pagod.

Nagpunta ako sa dining namin para humingi ng pagkain, pa ika ika yung lakad ko dahil sa pagkakahulog ko sa hagdan kanina na nagdulot ng sprain, naka benda yung binti ko at naka inom na din ako ng pain killer kaya naman ay bahagya na din nawala ang sakit.

"Hi manang." naabutan ko si manang at ang iba pa naming mga kasama sa bahay na nagtitipon tipon sa panonood ng isang teleserye sa maliit na tv sa kusina, lahat sila ay tutok na tutok sakanilang pinapanood.

Halos matawa ako ng pare pareho din ang mga reaksyon nila sa bawat senaryo na lumalabas.

"Manang.." mahinang tawag ko.

"Shh, huwag kang istorbo ngayon Isabella! Malalaman na ni Nene na ampon lang siya!" bahagya akong nagulat sa pagtabig ni manang ng kamay ko sa balikat niya. Tinawanan ko na lamang ito at sa halip ay ako na lamang ang nag asikaso nung lulutuin ko.

Well, I decided to bake some cookies for the night, alam ko kasi na nakakain na silang lahat kaya naman ay para saakin nalang ito total ay sa tingin ko ay magpupuyat ako dahil mage edit ako ng vlogs ko.

Gumawa kasi ako ng travel vlog noong nagpunta kami ng hong kong nila kuya Noah at Ate Irish, it was a christmas gift para saaming tatlo nila mommy.

"Hi y'all Alyanna in the house!" Si Kuya Noah ang nag isip ng magiging intro ko, dapat daw lively para daw matuwa yuny viewers, my kuya has always been supportive ever since, madalas siya pa nga ang nagvi video saakin.

"Welcome to my first ever travel vlog!! I'm here with my brother Noah and my sister Irish!" tatlo kaming kumakaway sa camera ko, nasa train kami papuntang Disney land nung kinunan ko ito. Everything was fine back then, walang issues, walang gulo.

After kong mag edit ay kaagad ko itong pinost. Pinamagatan ko itong Travel Vlog 01: Hong kong Disneyland | Alyanna Avanzano

Habang naghihintay ng feedback ay napag desisyonan ko na manood nalang muna ng ibang vlogs katulad nalang nung vlogs nila Gabriel and Jess Conte, they are actually one of my favorite couple. Sumunod ay ang mga make up tutorials ni Michelle Dy at ni Janina Vela.

I can probably say that they are my inspiration sa pagsisimula ko ng vlog, actually it's a decision that I made alone, hindi ito alam nila mommy tanging si Kuya Noah at Ate Irish lang ang may alam. And ofcourse being Ate Irish as a kontrabida always ayaw niya ding pumayag nung una dahil baka daw makilala kami bilang anak ng mayor but Kuya Noah insisted na wala naman daw masama dahil hindi ko naman ipapahamak ang pangalan naming lahat.

Before he left. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon