Yanna
There are lanterns hanging on the walls of our garden, mayroon ring mga giants floats sa may swimming pool na iba't iba ang shapes like a giant pretzel and even a watermelon, kabi kabila din ang mga waiters na abala sa pag se- serve ng mga refreshments, halo na din ang mga taong nakikita ko, kung kanina ay puro matatanda ngayon ay may mga teenagers na din na sa tingin ko ay mga kaibigan ng mga kapatid ko. I've invited Lili too, she should be here for awhile.
Pareho kaming nagmamasid ni Levi sa paligid, sumasabay sa uso ang mga tugtog dahil sa ni hire na banda ni daddy, I must say that the singer brings good vibes to the guests, natanaw ko rin sina Dad at Kuya Benedict na busy sa pakikipag usap sa mga guests, this party is damn huge!
"Aly!!" I glance to the side where I heard the voice, it was my cousin Natasha. Lumapit kaming dalawa ni Levi sa table kung saan naroon sila, I can't believe that my cousins are here, akala ko ay hindi sila pinayagang sumama dahil ganoon ang parating nangyayari kapag may formal events kami pero ngayon ay nandito na sila sa aking harapan!
"Tasha!! Oh my gosh long time no see!" we hugged, I felt the silk cloth material that was used in her dashing purple gown.
"I know!! Finally ay nagkita na din tayo ulit!" she offered me a seat pati na rin si Levi, pero bago ako umupo ay isa isa muna akong bumeso sakanila.
"Sino yan Aly?" bulong ni Denise ng niyakap ko siya, nakangiti ako ng hinarap ko siya
"Kaibigan ko Den, schoolmate ko din." Denise stole a glance at Levi at tumingin ulit saakin, humagikgik siya.
"Pakilala mo ko mamaya ah, ang cute niya!" nginitian ko lamang siya.
"Alyanna!" umirap ako ng ginulo ni Xander ang buhok ko, matangkad siya kaya hindi ko siya magagawang batukan, naka sabit sakanyang balikat ang kanyang coat at nagmukha siya lalong playboy sakanyang itsura, his jaw line are perfectly sharp that I know girls are willing to die for.
"Hindi ka pa din nagbabago Xander" tumawa siya
"Wala namang rason para magbago ako Aly." Tumawa din ako at tinalikuran na siya, whatever.
Pabalik na ako sa aking upuan ng marinig ko ang sigaw ni Calyx
"Bakit ako walang hug?!" nakataas ang kilay ko ng hinarap ko siya, naka akbay sakanya si Xander at parehong tumatawa, may hawak na silang baso na puno ng scotch ngayon.
"Whatever Calyx." I proceeded to my seat beside Levi na tahimik lamang na pinagmamasdan kami.
"Guys this is actually my friend, Levi." Pagpapakilala ko sakanya, isang malaking ngiti ang iniharap ni Denise sakanya, iniabot nito ang kanyang kamay, nagawa niya pang tumayo mula sakanyang upuan and she slightly bend revealing her cleavage to us.
"Hi! My name is Denise Avanzano, nice to meet you Levi!" tinanggap ni Levi ang kanyang kamay na mas nagpalaki ng ngiti ni Denise.
"Nice to meet you too, Ms. Avanzano." Malalim at pormal ang boses ni Levi, kumindat si Denise bago tuluyang umupo. Lumingon ako kay Levi at nakita kong nakayuko siya at naka hawak sakanyang batok.
"By the way nasaan si Kuya Gabriel?" I asked. Gabriel is also one of our cousins na busy na sa pamamahala ng kanilang kumpanya sa Makati. He is the youngest CEO I know, dahil sa edad na 19 years old ay nagagawa niya na ito ng maayos.
"I think he's talking to your Kuya Benedict." Xander said while pointing his finger to the crowd, lumingon ako dito at hinanap sina Kuya Benedict, I saw them beside the pool drinking champagne, parehong seryoso ang kanilang mukha.
BINABASA MO ANG
Before he left.
Romance"You killed my brother." sunod sunod ang pagtulo ng luha ko ng makita ko siya na nakangiti pa habang naglalakad papasok ng school gate. Nagawa niya pa akong ngitian matapos ipapatay ng pamilya niya ang kuya ko. "H-huh? Anong sinasabi mo Aly?" I slap...