Gap
The organizer guided our way to the stage and pointed the arrangement of the chairs na uupuan namin. Sa tapat ng office ng city hall nila sinet up ang stage para sa gagawing announcement for candidacy, kasalukuyan kaming nagpra practice ngayon habang wala pang nagdadagsaang tao and it's 4am for goodness sake, hindi kami papasok ni Kuya Noah sa school ngayon because of this event and ofcourse my mom already talked abou this to our teachers.
Sigaw ng organizer ang maririnig mo kapag may nagagawa kaming wrong movement na sa paningin niya ay hindi magugustuhan ng mga tao katulad nalang ng pag slouch ni Kuya Noah sa upuan niya dahil sa antok, he groaned because of irritation ng tawagin ulit kami para bumaba at ulitin ang lahat ng ginawa naming procedures kanina. I glanced at him with my fierce eyes
"Kuya Noah please don't make this hard for all of us." Hindi siya umimik and that's somehow a good sign, laking pasasalamat ko nalang din at hindi si Ate Irish ang sinapian ng bad vibes dahil mas nakakatakot siyang magwala, and you'll probably not gonna like that too, tahimik lamang siyang sa bahay at minsan mo lang maloloko ng hindi siya mapipikon and the rest is you got to have some strength to face her. Pero sa paningin ko ay ako lamang ang ganun because of course my two brothers have their own kind or rules and they're not afraid of my ate.
I am only wearing a black leggings, a plain white t-shirt and my hoodie, my mind is actually still sleeping so yes, hindi masyadon pumapasok ang mga paalala ng organizer saamin, ang alam ko lang ay kanina pa kami tumatayo at umuupo ng paulit ulit kapag may binabasa siya, pakiramdam ko tuloy ay nagpra practice ako para sa holy communion. Pagkatapos ng rehearsal ay kaagad kaming dumiretsong apat na magkakapatid sa opisina ni dad which they prepared our breakfast na inorder lamang sa isang sikat na fast food, tabi tabi kaming umupo at nagsiksikan sa sofa ng office habang si mommy ay umupo sa swivel chair ni papa at kumain sa lamesa. My dad is probably arranging the things na hindi pa kumpleto kaya naman ay hindi pa siya pumapasok dito sa kanyang opisina para daluhan kami sa pagkain, And I completely understood those.
" It is important to leave a good impression at a first sight, para sa una palang ay maiparating na natin sa kanila na they have to trust us, they need to trust the Avanzano's over and over again." Sabi ng organizer habang busy kaming lahat sa pagkain, I don't even know kung may nakikinig pa ba sakanya maliban saakin, she's lucky that I am listening.
"Ano sa tingin mo ang iniisip ng mga tao na kung bakit nagpapatuloy ang dynasty ng pamilya natin dito sa Batangas? I mean I am against family dynasty in politics so paano ko yun maipaglalaban kung ganito ang ginagawa ng pamilya natin ngayon?" bahagya kaming nagulat sa sinabi ni Kuya, well that's what he gets after being forced to enter law school as well. Natahimik ang organizer at nahirapan na bigyan ng kasagutan si Kuya Noah, umiling siya at halos maglapit na ang dalawang kilay niya sa gitna.
"Noah that's enough!" my mom cutted the tension that was building up. Hinawakan ko ang braso ni Kuya Noah para pakalmahin siya, mabuti na lamang ay magkatabi kami kaya maayos ko itong nagawa, ever since he entered law school he became feisty, I have no idea if those are part of entering law school but yes, nagsisimula ulit akong kilalanin ang bagong side ni Kuya, it is my responsibility since we are the ones who has the closest age and we seemed to have the greatest bonds too.
Tumayo si Kuya Noah at nag walk out kaya naman ay sinundan ko siya. Naabutan ko siyang ginugulo ang ayos ng buhok niya sa labas ng city hall, I was just observing him hanggang sa nakita ko ang pagkuha niya ng isang box ng Marlboro lights sa bulsa niya, what the heck? Kitang kita ko ang ginawa niyang pag ipit sa sigarilyo gamit ang kanyang labi at kung papaano niya sinindihan ito gamit ng lighter.
"I didn't know that you are smoking." Napatingin siya saakin ng magsalita ako galing sakanyang likuran, sinubukan niya pang alisin ang sigarilyo sa labi niya para itago, but heck! I've seen them all!
BINABASA MO ANG
Before he left.
Romance"You killed my brother." sunod sunod ang pagtulo ng luha ko ng makita ko siya na nakangiti pa habang naglalakad papasok ng school gate. Nagawa niya pa akong ngitian matapos ipapatay ng pamilya niya ang kuya ko. "H-huh? Anong sinasabi mo Aly?" I slap...