8th

8 0 0
                                    

Caught

Netong mga nakaraang araw ay mas naging abala ang aming pamilya dahil sa nalalapit na kampanya ni kuya. Halos araw-araw ngang nasa bahay ang organizer at ine explain saamin ng paulit ulit ang aming gagawin.

"Aly at Noah na memorize ninyo na ba ang ginawa nyong speech?" tanong saamin ng organizer. Pinagawa niya kasi kami ng tig iisa naming speech para kay kuya Benedict para mai convince namin ang mga mamamayan na iboto si kuya.

"Yes, I already did. Can I leave now?" tugon ni kuya Noah. Ang alam ko kasi ay maaga ang kanyang examinations ngayon.

"Yep, thank you. I'll make a schedule for the both of you, kailangan pa nating mag practice." halos magkasabay lang kaming tumango at magkasunod na tumalikod na sa organizer. 

Pagkapasok ko ng kotse ni kuya Noah ay kaagad niyang pinaandar ang sasakyan.

"So you really are dating Joshua, huh?" nanlaki ang mga mata ko, I held my both hands.. I'm nervous.

"No. We're not dating.. "

"Hinatid ka niya sa bahay kagabi, hindi ba? I saw the both of you." I sighed.

"That will be the last time though .. B-binusted ko na." bahagyang natawa si kuya Noah ng malakas, he even looked at me when the stop light turned red. I raised him an eyebrow

"Bakit mo naman binusted?"

"B-because I know dad will not be happy if he found out that I'm dating the son of his rival." tumango si Kuya Noah, I know that he gets my part, alam niyang matinding magalit si papa kapag ganitong usapan, although hindi naman siya ganun ka strict kapag may mga nanliligaw saakin or kay Ate Irish, but still Joshua is a different perspective.

Pagkadating sa school ay kaagad din nagkahiwalay ang landas namin ni Kuya, he rushed to his room while I rushed to the canteen to get something to eat, hindi kami nakakain ng breakfast dahil mas pinili namin ang makinig sa organizer kanina.

I ordered some pancakes and a iced coffee. Kaunti lang ang tao sa canteen dahil siguro ay maaga pa, at hindi pa nila breaktime.

Habang kumakain ay naagaw ng mga varsity player ng football ang paningin ko, mga lima silang nasa kabilang lamesa at halos pare pareho ang kanilang order.

Nagulat ako ng magtama ang mga mata namin ni Joshua, he looked away first na naging dahilan ng paninikip ng dibdib ko. This is my fault, alright. I understand kaya naman ay ibinalik ko nalang ang mga mata ko sa pagkain.

"Alyy!!" nagulat ako sa tili ni Lili na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Lili! Oh my gosh thank God you're here!" we both laughed

"Whyy? Namiss mo naman ako kaagad.."

"Pakiramdam ko loner ako ano."  I looked down nang mapansin ko na tinignan kami ng mga football players.

"Sus, mabuti nalang at kilala kita. I know na kapag bago magsimula ang klase ay kumakain ka muna dito."  I smiled at Lili, nagpunta muna siya sa counter para umorder.

Halos mabilaukan ako nang naglakad papalapit sa pwesto ko ang mga football players, my eyes immediately searched for Joshua, I saw his cold eyes looking at me. Akala ko lalapitan nila ako pero nakalimutan ko na malapit nga pala saakin ang pintuan papalabas ng canteen. Bumagsak ang mga mata ko sa pagkain ko na hindi ko na nagalaw sa kaka overthink.

Bumalik si Lili na may dala na parehas ng order ko, kaya pinilit ko nalang ang sarili ko na ubusin ang inorder ko, napuno ang umagahan namin ng kwento niya tungkol kay Jameson.

Tunog ng bell ang nagpatayo saaming dalawa saaming mga upuan, kaagad naming dinampot ang bags namin at tumakbo papuntang class.

"Oh my gosh, Lili! Mauna ka na pala hindi pa ako nakakapag locker!" tumango si Lili at dumiretso na sa classroom namin, lumiko ako sa kabilang corridor para takbuhin ang locker ko.

Before he left. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon